Travel
predictions

2022

Tungkol sa report na ito
Sa nakalipas na isa't kalahating taon, maraming aspeto ng ating buhay ang paulit-ulit na nagbago, lalo na sa paraan ng ating pag-travel. Hindi pa man tapos ang pandemya, may pag-asa nang umuusbong para sa hinaharap. Pero ano nga ba ang hinaharap na ito ng pag-travel? Nagsagawa kami ng napakalawak na research sa mahigit 24,000 traveler mula sa 31 bansa at teritoryo para alamin kung paano patuloy na magbabago ang pag-travel sa 2022.
Ipakita ang iba
Mga bagong mukha at lugar
2022 na ang panahon para lumabas at gumawa ng mga bagong connection.

Napilitan tayong mag-focus sa kung ano at sino ang mahalaga sa ating buhay dahil sa pandemya — at lubhang napahalagahan ang kalayaan ng bawat isa. Ngayong nakabalik na ulit tayo sa pag-travel, hindi lang pakikipagkitang muli sa mga kaibigan at pamilya ang 2022, pero paghahanap ng bagong connection dahil 60% ang gustong makakilala ng ibang tao habang nagbabakasyon.

Malaki rin ang pagkakataong bumalik ang vacation romances, dahil 50% ang umaasang magkakaroon sila sa kanilang susunod na trip. Kaya naman salamat sa video calls na nagiging bahagi na ng ating pang-araw-araw na buhay, inaasahan naming makita ang ilan sa mga romance connection na ito na magpatuloy kahit magbalik na sa kanilang pinanggalingan.

Naghahanap ka ba ng mga bagong connection sa susunod mong trip o magiging mas independent ka bang explorer? Sagutan ang aming quiz para malaman kung anong uri ka ng traveler.
Tanong 1 ng 4
Tanong 2 ng 4
Tanong 3 ng 4
Tanong 4 ng 4

Ang pakiramdam sa unang pagkakataon

Magiging kasingsaya ng destinasyon ang paghihintay na makabiyaheng muli

Sa halip na pagkakataong dapat lasapin at ikatuwa, isang bahagi ng trip na karamihan sa atin ay madalas na nakikita bilang pangangailangan ang pagbiyahe sa destinasyon. Pero dahil nabawasan at dumalang ang mga trip sa nakalipas na isa't kalahating taon, maaaring marami na sa atin ang mas nag-aabang sa pagbiyahe kumpara noong bago ng 2022.

Paglalagay muli ng work boundaries

Dapat walang trabaho kapag oras ng bakasyon

Noong nangyari ang pandemya, naging opisina rin ang mga bahay sa buong mundo, at naging pangkaraniwan ang work-from-home setup. Pero sa 2022, makakakita tayo ng makabuluhang pagtaas ng interes ng mga tao na seryosohin ang pagkakaroon ng work-life balance, dahil 73% ang sumang-ayong dapat walang kahalong trabaho ang kanilang susunod na bakasyon. Nagpaplano ng trip para makapagpahinga mula sa trabaho? Piliin ang uri ng iyong trip sa ibaba at kunin ang isa sa aming "Out of (Home) Office" templates para ipaalam sa mga katrabaho mong magiging offline ka.

Subukan ang aming "Out of Office" generator para maging mas personal ang pagsagot mo batay sa iyong susunod na trip.

Mag-travel para alagaan ang sarili

Magiging mahalaga ang pag-travel bilang pag-aalaga ng sarili

Kalimutan muna ang yoga at meditation, nakatuon bilang self-care trend sa 2022 ang pag-travel dahil mas maraming tao na ngayon ang 'di lang pinapahalagahan ang pagkakataong mag-offline kumpara dati, pero ginagamit din ang kanilang oras sa pag-travel para mas ma-experience nila ang mga bagong lugar at kultura. Maging ito'y pakikisalamuha sa pamilya at mga kaibigan, pakikinig sa bagong wika, o pagsubok ng mga bagong pagkain — iba-iba ang mukha ng travel para sa bawat isa — ikaw, ano ito para sa 'yo?

Ano ang uri ng pag-aalaga sa sarili na hinahanap mo sa iyong trip sa 2022?
60% ang nagpaplano ng kanilang susunod na trip para maghanap ng mga bagong kultura at ma-enjoy ang mga bagong lugar at experience
Ang pagtuklas ng mga tanawing hindi mo akalaing makikita mo at pagtikim ng mga bagong lutuin ay puwedeng makabuo ng mga 'di malilimutang experience. Makakatulong din ang mga ito para mas mapahalagahan mo ang mga bagay na nangyayari sa iyong buhay.
52% ang gustong makalayo muna sa kanilang pang-araw-araw na buhay sa loob ng bahay at panandaliang takasan ang ginagawa sa trabaho sa tulong ng kanilang susunod na trip
Hinahayaan ka ng travel na kumawala sa nakasanayang gawain at mag-log off mula sa araw-araw na update at mga device. Makakatulong ang pagtigil muna para makakuha ng ibang pagtingin ukol sa iyong mental well-being.
40% ang umaasang makapaglaan ng oras sa kanilang mga kaibigan at pamilya, at makakilala ng ibang tao sa kanilang susunod na trip
Para sa iba, hindi pang-isahang gawain ang pag-aalaga ng sarili. Ang pakikisalamuha sa mga kaibigan, lalo na sa bagong kapaligiran, ay nakakatuwa at nakakagana kaya naman tumataas ang iyong kasiyahan at kamalayan sa sarili.
50% ng mga single ang umaasang magkaroon ng vacation romance sa susunod na magbakasyon sila
Maaaring ang pag-aalaga ng sarili para sa 'yo ay paglalaan ng mas maraming oras sa iyong minamahal? Pero para sa mga solo traveler, ang pagbabakasyon ay pagmamahal sa sarili na puwedeng maging daan para makahanap ng bagong pag-ibig.

Unahin ang community

Magiging priority ang tunay na connection sa local community

Habang pandemya, napilitan ang mga tao na sulitin ang malapit sa kanilang lugar. Mas naging konektado sa community ang mga tao sa pagsuporta ng local businesses, at ngayon gusto na ring gawin ng mga traveler ang ganitong pag-aalaga sa community sa kanilang mga bakasyon. 58% ng mga tao ang sumasang-ayon na mahalagang nakakatulong sa local community sa kanilang destinasyon ang kanilang trip. Habang 29% naman ang magre-research pa kung paano nakakaapekto o napapaganda ng kanilang paggastos sa turismo ang local communities.

Paano mo isinasapuso ang community sa iyong 2022 travel plans?
Option 1
Option 2

Sumagot ng oo!

Sasagot ng OO sa pag-travel ang mga tao para makabawi sa nawalang panahon para sa bakasyon

Pagkatapos nang matagal na panahon na walang pakikisalamuha, pag-travel, at pagsasaya, tatanggapin ng mga traveler ang bago at mas positibong paraan ng pag-iisip sa 2022. Ang bilang ng mga tao na nakaramdam na kailangan nilang bumawi para sa nawalang oras ng bakasyon ay tumaas mula 42% at naging 63%. Sa pagtigil ng halos lahat ng travel plan dahil sa pandemya, magiging taon ang 2022 ng simpleng pagsasabi ng oo, dahil 72% ang sumasang-ayon na sasagot sila ng "oo" sa anumang bakasyon basta kaya ng kanilang budget.

Pagtanggap sa walang kasiguraduhan

Gagamit ang mga tao ng technology para tanggapin ang kawalang kasiguraduhan ng pag-travel

Matapos ang walang kasiguraduhang pag-travel sa panahon ng pandemya, makikita na tatanggapin ng mga traveler ang kawalang katiyakan sa 2022 dahil marami na ang aasa sa technology para magawa ito. Batay sa aming research, 63% ng global travelers ang naniniwalang mahalaga ang technology para kontrolin ang panganib sa kalusugan kapag nagta-travel, at 62% ang sumasang-ayon na nakakatulong ang technology para bawasan ang kanilang travel anxiety.

Magiging interesado ang mga tao sa makabagong service na puwedeng mag-predict kung aling mga bansa ang ligtas para sa travel (69%) kahit ilang buwan pang mas maaga, o automatic na magmungkahi ng mga destinasyong madaling puntahan ngayon batay sa kasalukuyang Coronavirus (COVID-19) requirements ng kanilang bansa at ng destinasyon (67%).

Pamamaraan
Nagsagawa ang Booking.com ng research na Travel Predictions 2022, at nangyari ito sa pagitan ng sample group ng matatanda na nagpaplano na mag-travel para sa business o bakasyon sa susunod na 12–24 buwan. Sa kabuuan, 24,055 respondent sa lahat ng 31 bansa at teritoryo ang tinanong (kasama ang 501 mula sa Argentina, 1,003 mula sa Australia, 500 mula sa Belgium, 1,001 mula sa Brazil, 500 mula sa Canada, 1,000 mula sa China, 1,007 mula sa Colombia, 1,001 mula sa Croatia, 508 mula sa Denmark, 1,002 mula sa France, 1,000 mula sa Germany, 1,005 mula sa Hong Kong, 1,000 mula sa India, 502 mula sa Israel, 1,003 mula sa Italy, 1,002 mula sa Japan, 500 mula sa Mexico, 501 mula sa Netherlands, 501 mula sa New Zealand, 500 mula sa Peru, 1,000 mula sa Russia, 1,005 mula sa Singapore, 1,002 mula sa South Korea, 1,002 mula sa Spain, 501 mula sa Sweden, 501 mula sa Switzerland, 504 mula sa Taiwan, 500 mula sa Thailand, 1,000 mula sa UK, 1,002 mula sa US, at 501 mula sa Vietnam). Nakumpleto ng mga respondent ang online survey noong Agosto 2021.