Pumunta na sa main content
Pangasiwaan ang aking booking
I-print / i-save
Privacy Notice para sa Mga Traveler

Na-update noong Setyembre 2025

Tungkol sa Privacy notice na ito
Terms na maaari naming gamitin sa aming mga Privacy notice
Personal data na kinokolekta at pinoproseso namin
Personal data na ibinibigay mo sa amin
Personal data na ibinibigay mo sa amin tungkol sa iba
Personal data na automatic naming kinokolekta
Personal data at impormasyon tungkol sa iyo na natatanggap namin mula sa ibang source
Mga layunin ng pagkolekta at pagproseso ng iyong personal data
Mga legal na batayan para sa pagproseso ng personal data
Paano namin ibinabahagi ang personal data sa loob ng Booking.com
Paano namin ibinabahagi ang personal data sa loob ng Booking Holdings Inc. group (BHI)
Paano namin ibinabahagi ang personal data sa mga third party
Impormasyon tungkol sa partikular na markets, products, at services
Ground transportation
Insurance
US Insurance
US (maliban sa California)
Paano namin pinoprotektahan ang personal data
Paano namin ginagamit ang cookies at ibang tracking technologies
Paano kami gumagamit ng artificial intelligence at gumagawa ng mga automated na desisyon
Paano namin inaasikaso ang personal data ng mga minor
Ang mga karapatan mo
Ang aming company at kung paano kami sumusunod sa mga batas sa privacy

Tungkol sa Privacy notice na ito

Kami ang Booking.com at inilaan ang Privacy notice na ito para sa mga traveler na gumagamit o nag-iisip na gamitin ang aming products at services.

Pinagkatiwalaan mo kami sa paggamit ng services ng Booking.com at pinapahalagahan namin ang tiwalang iyon.

Inilalarawan ng Privacy notice na ito kung paano namin kinokolekta at, kung hindi man, pinoproseso ang iyong personal data kapag bumisita ka sa aming mga website, gamit ang aming mobile apps o bumili ng product o service na kaugnay ng pag-travel sa pamamagitan namin. Bukod sa iba pang bagay, sinasabi nito sa iyo kung ano ang mga karapatan mo kaugnay ng iyong personal data at kung paano mo kami makokontak.

Nag-aalok ang Booking.com ng online services na kaugnay ng pag-travel sa sarili nitong mga website at mobile app pati na rin sa pamamagitan ng mga third-party channel, halimbawa: website ng partners.

Naga-apply ang Privacy notice na ito sa anumang uri ng impormasyon ng traveler na ipinoproseso ng Booking.com sa lahat ng aming service. Hindi lang ito ang Privacy notice na pinananatili ng Booking.com para ipaalam sa iyo ang tungkol sa pagproseso namin ng personal data. May available na katulad na Privacy notice para sa mga business partner ng Booking.com.

Pana-panahong binabago ng Booking.com ang mga Privacy notice nito at inirerekomenda na bisitahin mo paminsan-minsan ang notice na ito para manatiling may alam. Kung gagawa ang Booking.com ng mga update sa Privacy notice na posibleng magkaroon ng malaking epekto sa mga tao, gagawa ito ng mga hakbang para ipaalam sa mga taong ito ang tungkol sa mga naturang pagbabago bago magkabisa ang mga ito.

Bumalik sa itaas

Terms na maaari naming gamitin sa aming mga Privacy notice

Sa kabuuan ng aming mga Privacy notice, ginagamit ng Booking.com ang partikular na terms na may partikular na kahulugan sa context ng mga notice na ito at sa services na inaalok ng Booking.com. Inilarawan dito ang partikular na terms.

Term
Ibig sabihin
Booking.comKapag tinutukoy namin ang "kami", "namin", o "aming", ang ibig naming sabihin ay ang mga group entity ng Booking.com at iba pang company ng Booking Holdings Inc. tulad ng inilarawan sa section sa Ang aming Company.
Booking Holdings Inc. (BHI)Ito ang parent company ng Booking.com. Ito rin ang parent company ng iba pang BHI brand tulad ng Agoda at Priceline. Bisitahin ang https://www.bookingholdings.com/ para sa iba pang impormasyon.
PlatformAnumang website, mobile app, o iba pang technology na ibinibigay namin para makipag-ugnayan sa mga traveler at iba pang party para sa services na kaugnay ng pag-travel.
Strategic partnerCompany (tulad ng airline, bangko, ibang BHI brand o manufacturer ng mobile device) kung saan kami nakikipagkontrata at nakikipagtulungan para palawakin ang mga reservation opportunity. Sa pamamagitan ng mga partnership na ito, maginhawang mabu-book ng mga traveler ang kanilang trip sa iba't ibang touchpoint sa labas ng aming mga direct channel na Booking.com website at mobile app.
TravelerSinumang gumagamit, o nag-iisip na gumamit, ng alinman sa aming travel products at services, para sa kanilang sarili o para sa iba, sa pamamagitan ng aming platform.
TripIsa o higit pang travel product at service na puwedeng piliin ng traveler para makakuha mula sa isa o higit pang trip provider sa pamamagitan ng aming platform.
Trip providerAng third-party provider ng accommodation (halimbawa: hotel, motel, apartment, bed and breakfast, o iba pang lodging), attraction (halimbawa: theme park, museum, o sightseeing tour), transportation (halimbawa: sa pamamagitan ng air transportation o ground transportation kasama ang private transportation, public transportation, car rental, railways o coach tour at mga kaugnay na transfer), at anumang iba pang pagbiyahe o kaugnay na product (tulad ng insurance) o service na available paminsan-minsan sa platform para sa trip reservation.
Trip serviceAng online reservation, order, purchase, at payment services na inaalok, pinagana, at sinusuportahan ng Booking.com para sa mga trip provider sa platform.
Trip reservationAng online na reservation, order, pagbili o payment na kaugnay ng trip.

Bumalik sa itaas

Personal data na kinokolekta at pinoproseso namin
Personal data na ibinibigay mo sa amin

Kapag gumawa ka ng trip reservation, hihingin ang iyong pangalan at email address. Depende sa uri ng trip reservation, maaaring kailanganin din naming itanong sa iyo ang iyong home address, phone number, payment information, birthdate, kasalukuyang lokasyon (sa kaso ng mga on-demand service), kung nagta-travel ka para sa mga layunin ng trabaho o hindi, ang mga pangalan at birthdate ng mga taong kasama mong mag-travel, at anumang preference na maaaring mayroon ka para sa iyong trip (tulad ng dietary o accessibility requirements). Para sa mga reservation para sa mga flight at ilang partikular na attraction, maaaring kailanganin naming kumolekta sa iyo ng karagdagang impormasyon kasama ang passport o impormasyon sa national ID mo at ng iyong kapwa traveler. Maaaring kailanganin din ito para sa online check-in.

Kapag nakipag-ugnayan ka sa aming customer service team, kinontak ang iyong trip provider sa aming platform, o nakipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng telepono o social media, nangongolekta rin kami ng impormasyon mula sa iyo sa pamamagitan ng mga channel na ito kasama ang iyong pangalan, metadata tulad ng, para sa mga tawag, kung saan ka tumawag, at ang date at tagal ng tawag.

Kapag naghanap ka gamit ang aming platform para sa posibleng trip reservations, puwede mong piliing mag-save ng mga partikular na item ng trip sa listahan na itatago namin para sa iyo. Sa panahon ng o pagkatapos ng iyong trip, maaari ka rin naming imbitahan na magpasa ng reviews na puwedeng ipaalam sa iba ang tungkol sa mga experience mo sa iyong trip. Kapag nagpasa ka ng mga review sa platform, kinokolekta namin ang impormasyong isinama mo kasama ang iyong pangalan o display name at avatar (kung may pinili ka).

Kung gagawa ka ng account sa aming platform, magtatago rin kami ng impormasyong isinama at mina-manage mo sa iyong account. Puwedeng kasama rito ang personal settings, impormasyon sa credit card, mga na-upload na photo, at reviews mo. Puwede mo ring idagdag ang detalye mula sa isa o higit pa sa iyong identification documents sa iyong account para hindi mo na kailangang ilagay muli ang impormasyong ito para sa trip reservations sa hinaharap.

Kung gusto mo ng na-verify na account badge sa mga jurisdiction kung saan ito available, maaari kaming humingi sa iyo ng kopya ng iyong pagkakakilanlan (passport o ID card) at “selfie” para matulungan kaming makompirma na ikaw ito.

May iba pang pagkakataon kung saan maaaring bigyan mo kami ng personal data. Halimbawa, kung ginagamit mo ang aming platform mula sa iyong mobile device, puwede kang magpasya na payagan ang Booking.com na gamitin ang kasalukuyan mong lokasyon o bigyan kami ng access sa iba pang detalye. Matutulungan kami nitong bigyan ka ng pinakamagandang posibleng service at experience, halimbawa, sa pamamagitan ng pag-suggest ng pinakamalapit na mga restaurant o attraction sa lokasyon mo, o sa paggawa ng iba pang recommendation.

Personal data na ibinibigay mo sa amin tungkol sa iba

Maaaring ginagamit mo ang aming platform para gumawa ng trip reservation sa ngalan ng, o may kinalaman sa iba pang traveler. Sa pagkakataong ito, maaaring kailanganin mong magbigay ng ilang detalye tungkol sa mga taong ito bilang bahagi ng trip reservation. Kung mayroon kang Booking.com for Business account, puwede kang magtago ng address book doon para mas madaling magplano at mag-manage ng mga business travel arrangement para sa iba.

Kapag ginamit mo ang platform para bigyan kami ng impormasyon tungkol sa iba, responsibilidad mong siguruhing alam ng bawat tao na ibinigay mo ang personal data, na ginawa mo ito, at naiintindihan nila kung paano ginagamit ng Booking.com ang kanilang personal data (tulad ng inilarawan sa Privacy notice na ito).

Personal data na automatic naming kinokolekta

Gumawa ka man o hindi ng trip reservation, automatic kaming nagkokolekta ng ilang impormasyon kapag ginamit mo ang aming platform. Kasama rito ang IP address mo, ang mga date at oras ng paggamit ng aming platform at ilang impormasyon tungkol sa hardware at software ng iyong device (tulad ng uri ng operating system, internet browser at version ng mobile app na ginagamit mo, pinili mong mga setting ng wika). Kapag ginamit mo ang aming mobile apps, kinokolekta namin ang data na tumutukoy sa mobile device at pag-operate ng aming app sa device (kasama ang mga posibleng pag-crash) Kapag na-redirect ka ng third-party website o mobile app sa Booking.com platform, kinokolekta rin namin ang impormasyong ito. Kinokolekta rin namin ang impormasyon tungkol sa clicks na ginagawa mo at kung aling mga page ang ipinakita sa iyo mula sa aming platform.

Personal data at impormasyon tungkol sa iyo na natatanggap namin mula sa ibang source

Maaari din kaming makatanggap ng impormasyon tungkol sa iyo mula sa ibang source. Puwedeng kasama rito ang isa o higit pa sa sumusunod:

  • Iba pang company ng BHI
  • Mga trip provider
  • Strategic partners
  • Iba pang third-party company tulad ng marketing partners

Maaaring gamitin ang impormasyong natatanggap namin mula sa mga party na ito kasama ang impormasyong ibinibigay mo sa amin nang direkta sa pamamagitan ng aming platform para sa layunin ng pagbibigay ng services sa iyo.

Nakakatanggap kami ng personal data tungkol sa iyo mula sa mga party na ito tulad ng mga ito:

  • Available ang aming services sa trip reservation bukod sa aming platform. Ini-integrate rin ang mga ito sa services ng strategic partners. Kapag gumawa ka ng reservation gamit ang service kung saan umaasa ang strategic partner sa Booking.com, natatanggap namin ang reservation details mula sa strategic partner para maproseso at masuportahan ang reservation mo.
  • Maaari ibahagi ng mga trip provider sa Booking.com ang ibang impormasyon tungkol sa iyo. Maaari itong mangyari kapag mayroon kang support questions tungkol sa pending na trip reservation, o kung may dispute, malalang reklamo, kasama ang tungkol sa iyo, o iba pang issue tungkol sa trip reservation.
  • Nagi-integrate kami sa mga third-party na payment service provider tulad ng Adyen at Stripe, para maasikaso ang electronic payments sa pagitan mo, ng Booking.com, at mga trip provider. Ang mga service provider na ito ang nagbibigay ng payment information para mapamahalaan at maasikaso namin ang trip reservation mo.
  • Sa ilang sitwasyon, nagbibigay kami ng link sa iba pang business partner na nagbibigay ng trip reservations na maaaring hindi available sa aming platform. Kapag pinili mo ang mga ito, ire-redirect ka sa mga website ng iba pang business partner kung saan puwede kang gumawa ng reservation. Maaaring magbahagi ang mga partner na ito ng ilang partikular na personal data na kaugnay ng partikular na reservation mo at mga interaction mo sa mga website o mobile app nila sa amin alinsunod sa kanilang privacy policies.
  • Kasama sa aming platform ang communication services tulad ng email at mga message sa chat. Inaalok sa iyo ng communication services na ito ang maginhawang paraan para kontakin ang trip provider kung saan ka nag-book para pag-usapan ang detalye ng reservation mo tulad ng available na parking sa accommodation. Kasama sa data na kinokolekta at ipinoproseso namin ang mga communication na ito. Maaari naming i-block ang delivery ng mga communication na, sa sarili naming pagpapasya, maaaring may malisyosong nilalaman o spam, o may banta sa iyo, sa mga trip provider, sa Booking.com, o sa iba pa.
  • Maaari din kaming makatanggap ng impormasyon sa pinagsama-samang batayan mula sa aming social media at marketing partners. Nakakatulong ito sa amin na sukatin ang pagiging epektibo ng mga advertising at marketing campaign.
  • Kapag ni-link mo ang iyong Booking.com account sa social media account na kinokontrol mo, maaaring makapag-trigger ka ng mga pakikipagpalitan ng data sa pagitan ng Booking.com at ng social media provider na iyon. Maaari mong i-unlink ang mga ito anumang oras sa pamamagitan ng pag-update sa mga setting ng iyong Booking.com account.
  • Maaari kaming makatanggap ng impormasyon ng pag-confirm o pag-verify tungkol sa iyo mula sa mga third party. Halimbawa, para mabigyan ka ng verification badge, maaari kaming gumamit ng third party para i-cross-check ang impormasyong ibibigay mo sa amin para i-confirm na tumpak at pagmamay-ari mo ito.

Bumalik sa itaas

Mga layunin ng pagkolekta at pagproseso ng iyong personal data

Ginagamit namin ang iyong personal data para sa ilang layunin tulad ng naka-outline rito:

  1. Trip reservations

    Unang-una, pinoproseso namin ang iyong personal data para makumpleto at mapamahalaan ang iyong trip reservation – na mahalaga para maibigay ang service na ito. Kasama rito ang pagpapadala ng mga communication sa iyo na nauugnay sa iyong trip reservation, tulad ng mga confirmation (kasama ang, kapag naaangkop, pagbibigay sa iyo ng katibayan ng pag-purchase at/o pagbayad), pagbabago, at paalala. Sa ilang pagkakataon, maaaring kasama rin dito ang pagproseso ng iyong personal data para i-enable ang online check-in sa trip provider o pagproseso ng personal data kaugnay ng mga posibleng damage deposit.


    Bilang karagdagan sa contact details mo (halimbawa: ang email address at phone number mo), para mabigyan ka ng services, maaaring kailangan din namin ang mga identifier at date ng reservation para matukoy ang haba ng reservation.

  2. Customer service

    Nagbibigay kami sa aming mga traveler ng customer service sa higit 40 wika, at nandito kami para tumulong 24 na oras kada araw, 7 araw kada linggo. Mahalaga ang pagbabahagi ng impormasyon sa reservation sa aming global customer service staff para matulungan ka namin kapag kailangan mo kami. Kasama rito, halimbawa, ang pagtulong sa iyo na kontakin ang tamang trip provider at pagsagot sa anumang tanong na maaaring mayroon ka tungkol sa iyong trip reservation.


    Para gawin ito, gumagamit kami ng personal data tulad ng reservation details mo kasama ang, halimbawa, presyo ng reservation mo pati na rin kung paano at kailan mo ginawa ang reservation.

  3. Mga user account

    Bilang user ng aming services, maaari kang gumawa ng account para magamit mo sa aming platform. Gamit ang account, puwede mong i-manage ang iyong trip reservations, sulitin ang special offers, gawing mas madali ang trip reservations sa hinaharap, at i-manage ang personal settings mo.

    Sa pag-manage ng personal settings, nabibigyan ka ng kakayahan na magtago at magbahagi ng mga listahan, mag-share ng photos, makita nang madali ang trip services na hinanap mo, at mag-check ng kaugnay na travel information na ibinigay mo. Puwede mo ring makita ang anumang review na isinulat mo kaugnay ng iyong mga trip.

    Gamit ang account mo, puwede ka ring gumawa ng public profile sa ilalim ng sarili mong pangalan o gamit ang ibang pangalan na pipiliin mo. Sa ilang jurisdiction, nag-aalok kami ng account/guest verification program. Nakakatulong ito sa pagbuo ng tiwala at kapanatagan sa pagitan ng mga partner at guest. Para makatanggap ng verification badge sa iyong account, iko-crosscheck namin ang data na ibibigay mo sa amin kasama ang anumang historical na data na maaaring mayroon kami tungkol sa iyo pati na rin ang iba pang data na available sa publiko. Kung mag-log in ka sa iyong Booking.com account at gusto mong gumawa ng Booking.com for Business account, maaari naming gamitin ang pangalan at email address mo para paunang punan ang sign up form.

    Kung isa kang Booking.com for Business account holder, puwede ka ring mag-save ng contact details sa account na iyon, mag-manage ng business reservations, at mag-link ng iba pang account holder sa parehong Booking.com for Business account.


    Para magbigay ng mga account, gumagamit kami ng personal data tulad ng mga credential sa pag-log in para sa pag-access sa iyong account at impormasyon tungkol sa kung kailan ginamit ang account; bilang halimbawa, may kaugnayan sa reservations at payments.

  4. Marketing activities

    Ginagamit namin ang iyong impormasyon para sa marketing activities, kasama ang:


    • Para maipadala sa iyo ang mga personalized na marketing message kabilang ang mga promotion, Genius at iba pang reward, travel experiences, survey, at iba pang update tungkol sa products at services ng Booking.com. Maaaring ang mga ito ay sa pamamagitan ng mga push notification, SMS at iba pang messaging application, notification sa app, o email. Palagi kang may option na mag-unsubscribe sa mga marketing message. Halimbawa, puwede kang mag-unsubscribe mula sa pagtanggap ng email marketing communications sa anumang oras sa pamamagitan ng pagpili sa link na "Mag-unsubscribe" na kasama sa bawat communication, o i-manage ang iyong preferences sa account settings mo.

      Para sa mga personalized marketing message, maaari din naming gamitin ang iyong interaksyon sa aming platform gaya ng mga nakaraang reservation at behavioural data, kabilang ang data na nakolekta sa pamamagitan ng cookies at katulad na tracking technologies.

    • Para maipakita sa iyo ang mga personalized na marketing kabilang ang mga promotion, Genius at iba pang reward, travel experiences, survey, at iba pang update tungkol sa products at services ng Booking.com sa Booking.com website, mobile apps, o sa mga third-party website at app. Para sa karagdagang detalye tungkol sa personalized na marketing, tingnan ang section na Paano kami gumagamit ng artificial intelligence at gumagawa ng mga automated na desisyon. Maaaring mga alok at recommendation ito na sa palagay namin ay magiging interesado ka na puwede mong direktang i-book sa aming platform, sa mga website na pinapatakbo ng strategic partner, o iba pang third-party website.

      Para sa mga personalized marketing display, maaari din naming gamitin ang iyong interaksyon sa aming platform gaya ng mga nakaraang reservation at behavioural data, kabilang ang data na nakolekta sa pamamagitan ng cookies at katulad na tracking technologies.

    • Para makontak ka namin para sa impormasyon tungkol sa mga insurance product na hindi mo isinama sa iyong reservation.
    • Para maasikaso ang iba pang promotional activity at, batay sa impormasyong nakolekta na, maaaring imbitahin ka namin at imbitahan ang iba pang traveler na sumali sa mga naturang activity.

    Para gawin ito, gumagamit kami ng personal data tulad ng impormasyon sa pagkontak sa iyo at sa account mo, browsing data, data ng lokasyon at preferences, searches at reservations na ginawa mo mula sa iba't ibang device.

  5. Pakikipag-ugnayan sa iyo

    Maaaring may mga pagkakataon na makikipag-ugnayan kami sa iyo, kasama ang email, chatbot, post, phone call, push notification, platform notification, o text message. Nakadepende ang paraan na gagamitin namin sa contact information na ibinahagi mo sa amin dati.

    Ipinoproseso namin ang personal data sa mga communication na ipinapadala mo at ng iba pang party sa amin. May ilang posibleng dahilan para dito, kasama ang:


    • Pagsagot at pag-handle ng anumang request sa support na ginawa mo o ng trip provider kung saan ka nag-book. Nag-aalok kami sa mga traveler at trip provider ng iba't ibang paraan para makipagpalitan ng impormasyon sa pamamagitan ng aming platform, tulad ng mga request at comment tungkol sa trip reservations na ginawa sa pamamagitan ng Booking.com.
    • Kung nagsimula ka na pero hindi mo pa natapos ang trip reservation, maaari ka naming kontakin para imbitahang ipagpatuloy ang iyong reservation. Hinahayaan ka ng kaginhawaang ito na balikan ang proseso kung saan ka nahinto nang hindi na kailangang hanapin ang trip provider o punan muli ang iyong reservation details.
    • Kapag ginamit mo ang aming trip services, puwede ka naming padalhan ng questionnaire o kung hindi man ay imbitahang magbigay ng review tungkol sa iyong experience sa amin o sa trip provider.
    • Padadalhan ka namin ng ibang material na may kaugnayan sa trip reservations mo, katulad ng kung paano mo kami kokontakin kung kailangan mo ng tulong habang nasa biyahe ka, at impormasyon na sa palagay namin ay makakatulong sa iyo na maghanda para sa iyong trip at makuha ang pinakamagandang experience.
    • Kahit wala kang papalapit na trip, posibleng padalhan ka pa rin namin ng ibang administrative messages, na maaaring may kasamang security alerts.
    • Maaari kaming magpadala sa iyo ng warning o iba pang notice kung mag-report ang trip provider ng misconduct na ginawa mo.

    Para gawin ito, gumagamit kami ng personal data tulad ng iyong pangalan at apelyido, email address, at reservation details kasama ang mga reservation ID at napiling lokasyon.

  6. Market research

    Iniimbitahan namin minsan ang aming mga customer na sumali sa market research. Tingnan ang impormasyong kasama sa uri ng imbitasyong ito para maintindihan kung ano ang personal data na kokolektahin at paano gagamitin ang data.

  7. Pag-improve ng aming services

    Gumagamit kami ng personal data tungkol sa mga traveler na gumagamit ng aming platform para sa mga layuning analytical, kasama ang pag-analyze kung paano mo o mga traveler na katulad mo, ginagamit ang aming platform, pagsukat sa aming performance sa operation at pag-improve ng trip services. Maaari naming iproseso ang user ID mo para sa masukat ang audience na bumibisita sa aming mga website. Maaari naming gamitin ang personal data mo para bumuo at pahusayin ang aming machine learning models at artificial intelligence system. Bahagi ito ng aming nagpapatuloy na pangakong gawing mas mahusay ang aming services at pagandahin ang experience ng aming mga traveler. Para sa karagdagang detalye, tingnan ang section na Paano kami gumagamit ng artificial intelligence at gumagawa ng mga automated na desisyon.

    Bilang karagdagan sa statistics na regular naming ginagawa tungkol sa business namin, gumagamit kami ng data para subukan at i-troubleshoot ang mga feature ng platform. Ang pangunahing layunin dito ay makakuha ng insights kung paano nagpe-perform ang aming services, kung paano ginagamit ang mga ito, at lalo na para i-optimize at i-customize ang aming website at mobile apps, sa pagsisikap na gawing mas madali at mas makabuluhan ang paggamit ng mga ito. Hangga’t maaari, nagsisikap kaming gumamit ng personal data na anonymous at walang identity para sa analytical work na ito.

    Para makamit ang layunin na ito, maaari naming pagsamahin ang personal data na kinokolekta namin mula sa iyo sa iba't ibang pagbisita sa aming platform o mga pagbisita sa iba't ibang device o iba’t ibang website namin, kahit na hindi ka naka-log in.


    Para gawin ito, gumagamit kami ng personal data tulad ng:

    • Mga reservation na ginawa ng mga traveler sa mga partikular na tagal ng panahon o para sa mga partikular na product
    • Ang searches na ginawa ng mga traveler sa aming mga website at app
    • Ang reviews na ibinahagi ng mga traveler sa pamamagitan namin tungkol sa kanilang trip experience

    Ang umuulit na gawain namin para sa mga layuning analytical ay kinabibilangan ng paggamit ng solutions na nagso-pseudonymize ng personal data o nagpoproseso ng personal data sa mga naka-encrypt na format.

  8. Pagpapakita ng pricing na naaangkop sa iyo

    Kapag nag-search ka sa aming mga website o mobile app, halimbawa para maghanap ng accommodation, car rental o flight, ang pricing na makikita mo ay maaaring nakadepende sa ilang factor, tulad ng kung nasa European Economic Area (EEA) o nasa ibang rehiyon o bansa sa labas ng EEA ka ba.

    Para maipakita sa iyo ang naaangkop na pricing, gumagamit kami ng personal data tulad ng iyong IP address, ang uri ng device na ginagamit mo, at kung aling website ka nagmula.

  9. Customer reviews at ibang impormasyon na kaugnay ng destinasyon

    Habang nasa trip ka at pagkatapos nito, puwede ka naming imbitahan o ang kasama mo sa trip na magpadala ng review. Humihingi ang imbitasyong ito ng impormasyon tungkol sa trip provider, kasama ang ground transport provider, o ang destinasyon.

    Nakakatulong ang mga review na ipaalam sa iba pang traveler ang tungkol sa quality ng trip service na ginamit mo, ang destinasyong napili mo, ang ground transportation, o anumang iba pang experience na pipiliin mong i-share nang hindi ipapaalam ang identity mo. Ang mga review na ipinasa ng mga traveler ay napapailalim sa aming Terms ng service at automated at iba pang content moderation para ma-verify na sumusunod ang mga review sa aming Mga pamantayan at guideline ng content.

    Kung mayroon kang Booking.com account, puwede mong piliin na magpakita ng screen name sa tabi ng iyong review, sa halip na totoong pangalan mo.

  10. Call monitoring

    Kapag tumawag ka sa aming Customer Service team, gumagamit kami ng automated telephone number detection system para itugma ang number kung saan ka tumatawag sa reservation na ginawa mo. Makakatipid ito ng oras para sa iyo at sa aming customer service staff. Pero, maaari pa ring humingi ang aming customer service staff ng identification para mas masiguro na ikaw ang tumatawag tungkol sa reservation.

    Kapag tumawag ka sa aming customer service team, maaari kaming magkaroon ng isa o higit pang otorisadong tao na makikinig sa tawag o magre-record sa tawag para sa mga layunin ng training at quality control. Kasama sa quality control na ito ang paggamit ng mga recording para i-handle ang mga posibleng reklamo, legal claim, at indication ng posibleng mga tangka ng fraud.

    Hindi namin nire-record ang bawat tawag na ginawa sa aming customer service team. Kung nai-record ang tawag, itinatago ito para sa limitadong tagal ng oras (30 araw bilang default). Pagkatapos, automatic naming tinatanggal ang call recording maliban kung matukoy bago ang panahong iyon na kailangan itong panatilihin para sa imbestigasyon ng fraud o mga legal na layunin.

  11. Pag-promote ng ligtas at mapagkakatiwalaang service at pag-iwas sa fraud

    Patuloy kaming nagsusuri at gumagamit ng ilang personal data para maiwasan at matukoy ang mga pagtatangka sa online fraud at iba pang iligal o hindi kanais-nais na activity. Kinakailangan ito para mapanatili bilang mapagkakatiwalaang lugar ang aming platform at pati na rin para sa kaligtasan ng lahat ng traveler.

    Gumagamit kami ng personal data para sa mga layunin ng kaligtasan at seguridad, kasama ang kapag nag-report ka ng safety concern, kapag ginawa iyon ng iba tungkol sa iyo o kapag kailangan naming tukuyin ang mga tao na may kaugnayan sa user account o reservation. Kapag ginawa namin ito, maaaring ipatigil o ipa-hold namin ang partikular na reservations hanggang sa matapos kami sa aming assessment. Kung mayroon kaming mga concern tungkol sa malubhang misconduct, maaari naming i-cancel ang iyong paparating na reservations o tanggihan ang reservations sa hinaharap sa pamamagitan ng aming platform.

    Sa pagkakataon ng concern sa kaligtasan o seguridad, maaari naming iproseso ang impormasyon mula sa mga available na pampublikong mapagkukunan para maiwasan o ma-detect ang pinsala. Hindi namin mapipigilan na maaaring maglaman ng mga special category ng personal data ang ilan sa impormasyong iyon.

    Para ma-detect at maiwasan ang fraud at limitahan ang iba pang pag-abuso sa aming platform, maaari naming gamitin ang personal data mo at suriin ang iyong pag-uugali sa aming platform para ma-assess ang panganib ng partikular na pagkilos o transaction na sinusubukan mong gawin. Halimbawa, maaaring makatulong ito sa amin na matukoy kung ginagamit ng bot ang aming platform, sa halip na lehitimong user o para matukoy kung gumagawa ng fraudulent payment ang user gamit ang ninakaw na credit card.


    Para sa mga layuning ito, ginagamit namin ang iyong contact information, iba pang identifier (tulad ng mga IP address), reservation details kasama ang mga na-cancel na reservation, reviews, account information, browsing data, data sa lokasyon, communications data, o iba pang impormasyon na ibinigay mo o ng ibang tao sa amin, kabilang ang mga larawan, video o iba pang media na ipinasa sa aming platform.

    Gumagamit kami ng artificial intelligence para ma-review ang activity sa aming platform para sa fraud at para makita ang anumang iba pang uri ng maling asal tulad ng inilarawan sa section na Paano kami gumagamit ng artificial intelligence at gumagawa ng mga automated na desisyon.

  12. Mga legal na layunin

    Sa ilang kaso, maaaring kailanganin naming gamitin muli ang iyong impormasyon para:

    • Pangasiwaan at lutasin ang mga legal claim at dispute
    • Tugunan ang mga posibleng regulatory investigation
    • Ipatupad ang aming Terms ng service sa reservation
    • Sumunod sa mga legal na request mula sa tagapagpatupad ng batas
    • Sumunod sa mga batas at regulasyon na naga-apply sa Booking.com

    Halimbawa, maaaring kailanganin naming iproseso ang history ng reservation mo, ang detalye ng isa o higit pa sa reservation na ito at nauugnay na payment information.

Para maproseso ang iyong personal data tulad ng nakaraang inilarawan, umaasa ang Booking.com sa ilang legal basis sa mga naaangkop na regulasyon sa privacy. Ito ay naka-summarize tulad ng sumusunod:

Layunin ng pagproseso ng personal data
Legal basis at mga comment
A. Trip reservations

B. Customer service
Dito, umaasa ang Booking.com sa legal basis na ang pagproseso ng personal data ay kinakailangan para sa performance ng kontrata na kinasasangkutan mo, lalo na sa pag-finalize at pamamahala ng iyong trip reservation.

Kung hindi ibinigay ang kinakailangang personal data, hindi kayang i-finalize ng Booking.com ang trip reservation sa trip provider, at hindi rin kami makakapagbigay ng customer service sa iyo tungkol dito.
C. Mga user account

D. Marketing activities

E. Pakikipag-ugnayan sa iyo:

F. Market research

G. Pag-improve ng aming services

H. Pagpapakita ng pricing na naaangkop sa iyo

I. Customer reviews at ibang impormasyon na kaugnay ng destinasyon

J. Call monitoring

K. Pag-promote ng ligtas at mapagkakatiwalaang service at pag-iwas sa fraud
Maliban kung iba ang ibinigay sa overview na ito, ang pagkolekta at pagproseso ng iyong personal data para sa mga layuning ito ay batay sa mga lehitimong interes ng Booking.com o ng third-party.Bago namin iproseso ang personal data para maisakatuparan ang mga lehitimong interes ng Booking.com o ng third-party, babalansehin ng Booking.com ang iyong mga karapatan at interes para protektahan ang personal data sa karapatan at interes ng Booking.com o ng mga third-party.

Kasama sa mga lehitimong interes, halimbawa, ang pag-iwas sa financial na pinsala mula sa online fraud, pagbabahagi ng mga experience ng mga tao sa mga prospective na traveler at pagpapaalam sa mga tao tungkol sa mga offer na sa tingin namin ay maaaring maging interesado ka.

Sa hindi malamang pagkakataon na magproseso ang Booking.com ng mga special category ng personal data sa context ng layunin K, umaasa kami, kung naaangkop, sa katotohanang nauugnay ang pagproseso sa personal data na hayagang isinasapubliko ng indibidwal o dahil sa iba pang legal na batayan na maaaring masuri sa panahong iyon.
L. Mga legal na layuninUmaasa rin ang Booking.com, kung saan naaangkop, sa pagsunod sa mga legal na obligasyon (tulad ng mga legal request ng nagpapatupad ng batas).
Lahat ng category ng layuninBilang pangwakas, kapag kailangan sa ilalim ng naaangkop na batas, kukuhanin ng Booking.com ang consent mo bago iproseso ang iyong personal data, kasama ang para sa mga layunin ng direct marketing, o kung hindi man kapag kinakailangan ng batas.

Kung gusto mong tutulan ang pagpoproseso na itinakda sa ilalim ng C hanggang L at walang direktang option para mag-opt out ka (halimbawa: sa iyong account settings), kontakin kami tulad ng inilarawan sa section na Ang mga karapatan mo.

Bumalik sa itaas

Paano namin ibinabahagi ang personal data sa loob ng Booking.com

Para suportahan ang paggamit ng Booking.com services, maaaring ibahagi ang iyong detalye sa loob ng mga group entity ng Booking.com at iba pang company ng Booking Holdings Inc. na inilarawan sa section na “Ang aming company at kung paano kami sumusunod sa mga batas sa privacy.”

Paano namin ibinabahagi ang personal data sa loob ng Booking Holdings Inc. group (BHI)

Maaaring makatanggap kami ng personal data tungkol sa iyo mula sa ibang company sa ilalim ng BHI group (tulad ng Agoda o OpenTable), o ibahagi ang iyong personal data sa kanila para sa mga sumusunod na layunin:

  1. Para magbigay ng mga service (kasama ang paggawa, pamamahala, at pag-manage ng mga reservation o pag-aasikaso ng payments)
  2. Para magbigay ng customer service
  3. Para ma-detect, maiwasan, at imbestigahan ang mga fraudulent o ibang illegal activity at data breaches — maaaring kailanganin ng mga company sa loob ng BHI na makipagpalitan ng personal data tungkol sa ilang partikular na tao para matiyak na protektado ang lahat ng user ng platform, halimbawa para sa mga tangka ng online fraud.
  4. Para sa layuning analytical at pag-improve ng product, kung saan pinahihintulutan ng naaangkop na batas
  5. Para magbigay ng mga personalized offer o magpadala sa iyo ng marketing communications kung saan pinahihintulutan
  6. Para sa hosting, technical support, overall maintenance, at pagpapanatili ng seguridad ng naibahaging data
  7. Para masiguro ang compliance sa mga naaangkop na batas

Kung naaangkop at maliban na lang kung iba ang tinukoy, para sa mga layuning A hanggang F, umaasa kami sa aming mga lehitimong interes para magbahagi at tumanggap ng personal data. Para sa layuning G, umaasa kami, kung saan naaangkop, sa compliance sa mga legal na obligasyon (tulad ng mga legal request ng nagpapatupad ng batas). Tinitiyak din namin na ang daloy ng data sa pagitan ng mga company sa BHI group ay sumusunod sa naaangkop na batas, kabilang ang pagkuha ng iyong consent kung saan kinakailangan bago ibahagi ang iyong personal data sa iba pang company ng BHI group.

Paano namin ibinabahagi ang personal data sa mga third party

Sa ilang pagkakataon, ibabahagi namin ang iyong personal data sa mga third party. Kasama sa mga third party na ito:

Ang na-book mong trip provider

Para makumpleto ang iyong trip reservation, kailangan naming i-transfer ang nauugnay na reservation details sa trip provider na pinili mo.

Depende sa trip reservation at sa trip provider, maaaring kasama sa mga detalyeng ibabahagi namin ang iyong pangalan, contact at payment details, ang mga pangalan ng taong kasama mo, at anumang iba pang nauugnay na impormasyon (tulad ng check-in/check-out dates) kasama ang preferences na inilagay mo nang gawin ang iyong trip reservation.

Sa ilang pagkakataon, nagbibigay rin kami ng ilang summary information tungkol sa iyo sa trip provider. Puwedeng kasama rito ang:

  • Kung na-verify ang iyong account
  • Kung nag-book ka na sa trip provider sa nakaraan
  • Ang bilang ng mga nakumpletong reservation na ginawa mo sa amin
  • Ang kawalan ng mga report sa Booking.com tungkol sa maling pag-asal na kinasasangkutan mo
  • Ang percentage ng mga reservation na puwedeng na-cancel mo sa nakaraan sa aming platform
  • Kung nagbigay ka ng reviews tungkol sa mga nakaraang reservation mo

Kung may tanong ka tungkol sa iyong trip, maaari naming kontakin ang trip provider para asikasuhin ang request mo. Maliban kung ginawa ang payment sa Booking.com mismo sa panahon ng reservation process, kailangan naming ipasa ang credit card details mo sa trip provider na pinili mo para sa pagproseso ng payment.

Para malutas ang mga posibleng claim o dispute na nauugnay sa trip o anumang iba pang uri ng issue sa customer service, maaari naming ibigay sa trip provider, kung kinakailangan, ang contact details mo at iba pang impormasyon tungkol sa reservation, claim, o dispute. Maaaring kasama rito, bilang halimbawa, ang iyong email address at kopya ng reservation confirmation para i-confirm na nagawa ang trip reservation o para ma-confirm ang mga dahilan ng cancellation nito.

Ipoproseso pa ng mga trip provider ang iyong personal data sa labas ng kontrol ng Booking.com, para maghanda para sa mga darating at papaalis na guest, bilang halimbawa. Maaari ding humingi ang mga trip provider ng karagdagang personal data, halimbawa, para magbigay ng mga karagdagang service at para sumunod sa mga local requirement at restriction. Kung available, basahin ang Privacy notice ng trip provider para maintindihan kung paano nila pinoproseso ang iyong personal data.

Strategic partners

Marami kaming mga katrabahong strategic partner sa buong mundo. Ang strategic partners na ito ang nagdi-distribute o naga-advertise ng Booking.com services, kasama na ang services at products ng aming mga trip provider. Depende sa strategic partner, maaari kang gumawa ng trip reservation sa pamamagitan ng:

  • website namin na in-operate sa pakikipagtulungan sa strategic partner; o
  • mga website o mobile app ng strategic partners.

Para sa nauna, makakatanggap ang strategic partners ng ilang personal data na nauugnay sa iyong partikular na reservation at mga interaction mo sa mga website na ito. Para ito sa lehitimong interes ng Booking.com o ng aming strategic partners.

Para sa huli, ang ilang personal data na ibibigay mo sa kanila, tulad ng iyong pangalan at email address, ang address mo, payment details, at ibang nauugnay na impormasyon, ay ipapadala sa amin para ma-finalize at ma-manage ang iyong trip reservation. Sa strategic partners na ito, maaari kaming kumilos bilang mga joint controller para sa pagproseso ng partikular na personal data. Kapag kumilos kami bilang mga joint controller, ipapaalam ito sa iyo, kasama na kung aling joint controller ang tutugon sa iyong partikular na request na gamitin ang mga karapatan. Maaari kaming makipagtulungan sa aming mga joint controller para matiyak ang sapat na tugon sa iyong request.

Para mga layunin ng pag-detect at pag-iwas sa fraud, maaaring makipagpalitan kami ng impormasyon tungkol sa aming mga user sa strategic partners — pero kung kailan lubhang kinakailangan lang.

Mga connectivity provider

Maraming trip provider ang nakikipagkontrata sa mga partikular na third-party company (madalas na tinutukoy bilang "mga connectivity provider") para i-automate ang routing ng reservation information mula sa Booking.com at iba pang miyembro ng travel industry patungo sa kanila.

Ang mga connectivity provider ay kumikilos sa ngalan ng mga trip provider (sa halip na Booking.com) at nagpapasa sa kanila ng reservation information para i-manage nila ang kanilang reservations sa kanilang mga system.

Mga third-party service provider

Gumagamit kami ng mga service provider para suportahan kami sa pagbibigay ng aming trip services. Kasama sa services na ibinibigay ng mga third-party company na ito ang:

  • Customer support
  • Industry/market research
  • Pag-detect at pag-iwas sa fraud (kabilang ang anti-fraud screening)
  • Pag-asikaso sa mga claim para sa coverage ng insurance
  • Pagproseso ng payment
  • Gumagamit kami ng mga third party para iproseso ang payments, asikasuhin ang chargebacks, o magbigay ng billing collection services. Ang mga payment service provider ay maaaring, sa ilang kaso, gamitin ang iyong personal data para sa kanilang sariling mga layunin, tulad ng pag-detect at pag-iwas sa mga tangka ng fraud at para sumunod sa mga legal na obligasyon na naaangkop sa kanila.
  • Kapag may ni-request na chargeback para sa iyong trip reservation, kahit mula sa iyo o sa may-ari ng credit card na ginamit para ma-book ang reservation, kailangan naming ibahagi ang ilan sa reservation details sa payment service provider at sa nauugnay na service organization sa pananalapi para maasikaso nila ang chargeback. Maaaring kasama rito ang kopya ng iyong reservation confirmation o ang IP address na ginamit para gawin ang reservation.
  • Maaari din kaming magbahagi ng impormasyon na nauugnay sa financial institutions, kung lubhang kinakailangan para sa mga layunin ng pag-detect at pag-iwas sa fraud, para maiwasan ang mapanlokong paggamit ng ninakaw na credit card.
  • Marketing services
  • Maaari naming ibahagi ang ilan sa iyong personal data (tulad ng mga identifier) ​​sa advertising partners, bilang bahagi ng marketing ng aming trip services sa pamamagitan ng mga third party (para masigurong naipapakita sa tamang audience ang nauugnay na advertisements).
  • Gumagamit kami ng mga technique tulad ng hashing ng partikular na personal data (halimbawa: ang email address o phone number mo) para paganahin ang pagtugma sa data sa isa o higit pa sa kanilang mga database. Nililimitahan ng mga naturang technique kung ano ang maaaring gawin ng tumatanggap na third-party company sa personal data na pinili naming ibahagi sa kanila.
  • Kapag nagbabahagi ng mga insight ng audience sa mga advertising partner at iba pang third party, tinitiyak namin na ang iyong personal data ay na-aggregate at pseudonymized, kaya hindi ka direktang makilala ng mga advertising partner at iba pang party (halimbawa: sa pamamagitan ng paggamit ng na-verify na mga data clean room). Ginagamit ang mga pseudonymized na insight na ito para bumuo ng mga na-customize na media proposal at pitch para sa aming mga partner.
  • Bilang bahagi ng proseso ng pag-verify ng account, maaari naming ibahagi sa third party ang ilan sa iyong account data (tulad ng iyong pangalan, email address, phone number, passport number, physical address), naka-link na social media account, passport o iba pang identification document. Maaaring gumamit ang third party ng detection system para i-verify na ikaw ay tunay na tao at hindi bot. Automated ang prosesong ito, at hindi pinapanatili ang data nang higit sa kung ano ang kinakailangan para sa pag-verify.
Iba pang professional third party

Sa ilang pagkakataon (tulad ng mga dispute o legal claim o bilang bahagi ng mga activity sa pag-audit), maaaring kailangan naming ibahagi ang iyong personal data sa mga representative ng mga professional na service organization. Puwedeng kasama sa mga representative na ito ang mga legal counsel sa mga law firm pati na rin ang auditors. Ibinabahagi lang namin ang iyong personal data sa hangganang kinakailangan at naaayon sa kontrata at iba pang obligasyong naaangkop sa kanila.

Mga may kakayahang otoridad

Sinusunod namin ang mga partikular na protocol kapag nag-request sa amin ang mga agency ng tagapagpatupad ng batas at iba pang kinatawan ng gobyerno na ipaalam namin sa kanila ang personal data tungkol sa isa o mas marami pang traveler na may kaugnayan sa posibleng criminal na usapin. Maaari din naming ipaalam ang personal data sa mga agency ng tagapagpatupad ng batas kaugnay ng mga posibleng kaso ng fraud.

Sinusunod namin ang mga katulad na protocol kung saan, halimbawa, ang EU at mga local na batas, ay may karagdagang utos sa amin na magbahagi ng personal data sa may kakayahang otoridad tulad ng tax authority. Maaaring kailanganin naming ibunyag ang personal data sa:

  • Sumunod sa legal na obligasyon, halimbawa, sa ilalim ng mga naaangkop na batas sa short-term rental
  • Protektahan at ipagtanggol ang aming mga karapatan o ang mga karapatan at interes ng aming business partners.
Iba pang business partner

Maaari kaming magbahagi ng personal data sa ilang sitwasyon sa iba pang business partner. Kasama rito ang:

  • Mga insurance company - Kung may ginawang insurance claim na may kaugnayan sa iyo at sa trip provider, maaari kaming magbigay ng kinakailangang data (kasama ang personal data) sa insurance company at sa kanilang mga itinalagang representative para sa karagdagang pagproseso.
  • Iba pang trip provider - Maaari kaming magpakita sa iyo ng “Partner offer.” Kapag nag-book ka ng accommodation na may markang “Partner offer”, ang reservation mo ay aasikasuhin ng trip provider na hiwalay mula sa accommodation na iyong na-book. Bilang bahagi ng reservation process, kailangan naming magbahagi ng ilang nauugnay na personal data sa trip provider na ito. Kung nag-book ka ng “Partner Offer”, i-review ang impormasyong ibinigay sa reservation process o i-check ang iyong reservation confirmation para sa iba pang impormasyon tungkol sa trip provider at kung paano pa nila pinoproseso ang iyong personal data.
Mga pag-iingat sa mga international transfer ng personal data

Ang Booking.com ay business na nag-uugnay sa mga traveler at partner sa buong mundo. Ang data na kinokolekta namin mula sa iyo, ayon sa isinalarawan sa Privacy notice na ito, ay maaaring accessible mula sa, i-transfer, o itago sa mga bansa na maaaring walang parehong batas sa data protection tulad ng bansa kung saan mo unang ibinigay ang impormasyon. Sa anumang pagkakataon, naga-apply kami ng mga naaangkop na pag-iingat para masiguro na ang mga cross-border transfer ng personal data ay sumusunod sa naaangkop na batas at sinisikap na masiguro na patuloy na makakatanggap ng katulad na antas ng proteksyon ang data mo.

Sa partikular, kung nasa European Economic Area (EEA) ka at inilipat ang iyong personal data sa mga third-party service provider sa mga bansang hindi itinuturing na sapat ng European Commission (EC), gumagawa at nagpapatupad kami ng naaangkop na contractual, organizational, at technical na hakbang sa mga third-party company na ito. Ginagawa ito sa paggamit ng mga Standard Contractual Clause ayon sa inaprubahan ng EC, sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga bansa kung saan maaaring i-transfer ang data, at sa pagpapataw ng mga partikular na technical at organizational na hakbang.

Sa ilang pagkakataon, inililipat namin ang iyong data sa labas ng EEA dahil kinakailangan ito para tapusin o isagawa ang kontrata namin sa iyo. Halimbawa, kung gumawa ka ng trip reservation na kinasasangkutan ng trip provider o strategic partner na nago-operate sa labas ng EEA, malamang na kailanganin namin na mag-transfer ng data tungkol sa partikular na reservation mo sa labas ng EEA.

Para sa mga pag-transfer ng iyong personal data sa labas ng United Kingdom (UK), maga-apply kami ng mga katumbas na mechanism at naaangkop na pag-iingat para sa UK.

Para sa mga transfer sa loob ng mga group entity ng Booking.com, ipinatupad namin ang Binding Corporate Rules (BCRs) bilang karagdagang pag-iingat para masiguro na mananatiling may angkop na proteksyon ang data mo kapag na-transfer sa labas ng EEA. Makakahanap ka ng impormasyon tungkol sa aming mga BCR dito.

Puwede kang humingi sa amin ng iba pang impormasyon tungkol sa aming mga naipatupad na pag-iingat sa pamamagitan ng pagkontak sa amin tulad ng inilarawan sa section na Ang mga karapatan mo.

Bumalik sa itaas

Impormasyon tungkol sa partikular na markets, products, at services

Depende sa uri ng product o service na ginagamit mo at iba pang factor tulad ng kung saan ka nakatira, maaaring magkaroon kami ng karagdagang impormasyon na puwedeng idagdag o ipalit sa impormasyon sa ibang bahagi ng notice na ito. I-review ang mga sumusunod na section na naga-apply sa ‘yo, para maunawaan nang buo.

Ground transportation

Kung ginagamit mo ang aming ground transportation services, naaangkop sa iyo ang impormasyon sa section na ito. Nagdaragdag ito sa, o pinapalitan ang, impormasyon sa ibang bahagi ng Privacy notice na ito.

Bilang karagdagan sa inilista namin sa section na Personal data na ibinibigay mo sa amin, para sa reservation ng car rental, maaaring hilingin din namin ang iyong home address, billing address, phone number, date at lugar ng kapanganakan, impormasyon sa passport at driver’s license, government-issued identification (kapag kinakailangan ng batas), at mga pangalan ng sinumang karagdagang driver. Para sa reservation ng private o public transportation, maaari naming hilingin ang iyong pick up at drop off address (kapag nag-book ka ng biyahe tulad ng sasakyan o airport transfer). Maaaring hilingin din namin sa iyo ang birthdate mo (o range ng edad para sa ilang public transportation ticket, halimbawa: mga ticket ng bata o senior) at mga pangalan ng sinumang karagdagang pasahero.

Bilang karagdagan sa kung ano ang inilarawan sa section ng Personal data na natatanggap namin mula sa ibang sources, car rental, mga private o public transportation company, maaari din nila kaming bigyan ng impormasyon tungkol sa ‘yo. Maaaring mangyari ito kung kailangan mo ng suporta o may mga tanong tungkol sa pending reservation, o kung may mga dispute o iba pang issue tungkol sa reservation.

Bilang karagdagan sa kung ano ang inilarawan sa section na Paano namin ibinabahagi ang personal data sa mga third party kung bahagi ng aming pre-registration scheme ang car rental company na napili mo sa aming platform, masasama sa detalyeng ibabahagi namin ang iyong email address, home address, phone number, date at lugar ng kapanganakan, at impormasyon sa passport at driver’s license, kung ibinigay mo ang impormasyong ito sa amin. Sa pagbibigay ng dagdag na pre-registration information, mas gaganda ang iyong pick-up experience, pero optional lang ito at makukuha mo pa rin ang iyong car rental kahit na hindi ka magbigay ng anumang pre-registration information.

Tandaan na, minsan, sa direksyon ng ground transportation provider, kakailanganin naming ibahagi ang iyong personal data sa mga party na may kaugnayan sa trip provider para ma-finalize at mapamahalaan ang iyong reservation. Maaaring kabilang sa mga party na ito ang iba pang entity ng corporate group ng provider o mga service provider, driver o end fleet na nag-aasikaso ng data sa ngalan ng provider.

Maaari ding humingi ang mga car rental company ng karagdagang personal data, halimbawa, para magbigay ng mga karagdagang service, o para sumunod sa local restrictions. Tandaan na ang anumang impormasyong direkta mong ibibigay sa company/mga company na naglalaan ng iyong sasakyan at/o kaugnay na product ay itatabi at gagamitin alinsunod sa sarili nilang (mga) privacy statement, at Terms at conditions.

Maaari ding humingi ang mga car rental company ng karagdagang personal data, halimbawa, para magbigay ng mga karagdagang service, o para sumunod sa local restrictions. Tandaan na ang anumang impormasyong direkta mong ibibigay sa company/mga company na naglalaan ng iyong sasakyan at/o kaugnay na product ay itatabi at gagamitin alinsunod sa sarili nilang (mga) Privacy statement, at Terms at conditions.

Bumalik sa itaas

Insurance

Kung bumili ka ng insurance product habang ginagamit ang aming platform, naaangkop sa iyo ang impormasyon sa section na ito. Nagdaragdag ito sa, o pinapalitan ang, impormasyon sa ibang bahagi ng Privacy notice na ito. Kung nakatira ka sa US at bumili ka ng insurance product, ang aming section sa US insurance ang naaangkop sa iyo, sa halip.

Maaaring may iba’t ibang party, tulad ng mga intermediary, underwriter, at iba pang agent na kasali sa pag-alok ng insurance. Kapag sangkot ang Booking.com Distribution B.V., kikilos ito bilang intermediary at authorized agent o itinalagang representative (depende sa jurisdiction) sa ngalan ng insurer, sa pamamagitan ng pag-alok ng insurance products at services sa mga customer ng Booking.com.

I-review ang impormasyong ibinigay habang nasa reservation process, para sa iba pang impormasyon tungkol sa amin at mga party na nakikipagtulungan sa amin para maalok sa iyo ang products at services na ito. Makikita ang detalye ng insurance sa insurance policy at mga kaugnay na dokumentong ibinigay sa iyo.

Kapag nag-aalok ng insurance, maaaring kailanganin naming gumamit at magbahagi ng personal data na nauugnay sa insurance product. Ang data na ito ay may kaugnayan sa iyo bilang posible o mismong policyholder, sa mga beneficiary sa ilalim ng policy, sa mga miyembro ng pamilya, mga taong nag-claim, at ibang party na kabilang sa claim:

  • Para magbigay ng offers, maglaan ng insurance coverage, at mag-asikaso ng mga insurance claim, maaaring ibahagi sa iba pang entity ng Booking.com ang ilang personal data na ibinigay sa amin sa reservation process (“General Order Data”). Maaaring hilingin din sa iyo na magbigay ng karagdagang impormasyon, tulad ng mga pangalan ng miyembro ng pamilya o ibang beneficiary o detalye tungkol sa claim (“Insurance-specific Data”).
  • Kung gumawa ka ng claim sa ilalim ng insurance policy, maaaring direktang pangasiwaan ng insurer ang claim na ito. Ibig sabihin nito, maaaring hilingin sa iyo na magbigay ng personal data para maipasa ang claim nang direkta sa kanila. Ipapaalam ng insurer sa iyo ang tungkol sa pagkolekta sa iyong impormasyon sa panahong gagawin iyon. Kapag inasikaso ng insurer ang iyong claim, maaari kaming tumanggap ng impormasyon tungkol sa status ng iyong claim para makapagbigay sa iyo ng customer support services.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa relasyon ng Booking.com at Booking.com Distribution B.V., at para gamitin ang mga karapatan mo sa personal data na kinokolekta gamit ang mga Booking.com platform, kontakin kami tulad ng inilarawan sa section na Ang mga karapatan mo.

Maaaring panatilihin ang mga recording ng tawag na kaugnay ng insurance nang hangang 12 buwan para sumunod sa mga provision na partikular sa mga batas at regulasyong nauugnay sa insurance. Kung bumili ka ng insurance product sa pamamagitan ng phone, maaari naming i-verify at kumpirmahin ang iyong pagbili ng insurance kung sakaling magkaroon ng mga dispute.

Bumalik sa itaas

US Insurance

Kung bumili ka ng insurance product habang ginagamit ang aming platform at nakatira ka sa US, naga-apply sa ‘yo ang section na ito. Nadadagdag ito, o pumapalit, sa mga nauugnay na impormasyon sa ibang bahagi ng privacy notice na ito. Kung hindi ka nakatira sa US at bumili ka ng insurance product, ang section ng Insurance ang naga-apply sa ‘yo.

Kapag tinutukoy namin ang personal data sa section na ito ng Privacy notice, ang ibig sabihin nito ay pareho sa personal information sa ilalim ng batas ng California at hindi pampublikong personal information sa ilalim ng, halimbawa, Gramm-Leach-Bliley Act.

Karaniwan naming kinokolekta ang personal data bilang bahagi ng pagbibigay ng aming mga insurance product. Kami, kasama ng aming nakakontratang insurer, ay bawat isa sa amin ay responsable para sa pagtukoy kung paano pangangasiwaan ang iyong personal data para sa aming mga kaukulang proseso ng business. Alinsunod dito, kung ipinaalam mo sa amin ang personal data kaugnay ng pagbili ng insurance product, hinihikayat ka naming i-review din ang Privacy notice ng insurer para maunawaan kung paano nila pangangasiwaan ang iyong personal data.

  1. Mga responsableng party

    Ang mga entity ng Booking.com na responsable sa pag-aalok ng mga option sa insurance product sa aming platform, at sa nauugnay na pagproseso ng iyong personal data, ay ang Booking.com B.V. at Booking.com Distribution Insurance Solutions, LLC (“BDIS”).

    Ang Booking.com Distribution B.V. (“BDBV”) ay ang itinalagang company manager ng BDIS. Makikita ang mga detalye ng insurer sa insurance policy at kaugnay na dokumento na ibinigay sa iyo kapag binili mo ang iyong insurance sa aming platform.

    Ang mga insurance product na binili mo ay ipinamamahagi ng BDIS. Ang BDIS ay Delaware Limited Liability Company na naka-register para magsagawa ng business sa lahat ng estado pati na rin sa District of Columbia; at, lisensyadong producer ng insurance sa lahat ng estado at sa District of Columbia. May resident license ang BDIS sa Connecticut, na may mga office sa Connecticut sa 800 Connecticut Ave., Norwalk, CT 06854. Ang BDIS Connecticut Resident Producer License Number ay 3002601274.

    Kung saan BDIS ang distributor, na nag-aalok ng insurance products at services ng insurer sa mga customer ng Booking.com na nakatira sa US, nagsisilbi itong controller para sa anumang pagproseso ng personal data na ginagawa nito sa labas ng Booking.com B.V. systems. Nagsisilbing controller ang Booking.com B.V. para sa anumang personal data na kinokolekta nito sa aming platform para sa mga layunin ng insurance.

  2. Personal data na kinokolekta namin

    Bilang karagdagan sa inilista namin sa section na Personal data na ibinibigay mo sa amin, para mag-alok sa iyo ng insurance na maaari din naming kolektahin:

    • Mga individual na detalye: pangalan, address (at proof ng address), ibang contact details, gender, marital status, detalye ng pamilya, date at lugar ng kapanganakan, professional o impormasyon na may kaugnayan sa trabaho (halimbawa: employer at business travel details, job title, at kasaysayan ng trabaho), kaugnayan sa policyholder, insured, beneficiary o claimant, mga larawan, visual information (halimbawa: anumang photo na-upload mo sa iyong account);
    • Mga Unique Identification na detalye: mga identification number na na-issue ng mga kinatawan o agency ng gobyerno (halimbawa: social security number o national insurance number, passport number, ID number, taxpayer identification number, driver’s license number);
    • Financial information: payment card number at information, bank account numbers at account details, kita, at iba pang financial information;
    • Insured na panganib: impormasyon tungkol sa insured na panganib, na naglalaman ng personal data at maaaring kasama, hanggang sa nauugnay lang na panganib na naka-insure:
      • Health data: kasalukuyan o dating physical o mental medical conditions, status sa kalusugan, impormasyon sa pinsala o kapansanan, mga isinagawang medical procedure, mga nauugnay na personal na gawi (halimbawa: paninigarilyo o pag-inom ng alak), prescription information, medical history;
      • Data ng mga criminal record: mga criminal conviction, kasama ang mga pagkakasala sa pagmamaneho; at
      • Iba pang special category ng personal data: lahi o etnikong pinagmulan, biometric data (halimbawa mula sa passport o dokumento ng identity na ginagamit para makilala ang may hawak ng passport o dokumento);
    • Policy information: impormasyon tungkol sa mga quote na iyong natatanggap at ang mga policy na iyong nakuha;
    • Credit at anti-fraud data: kasaysayan ng credit at credit score, impormasyon tungkol sa mga napatunayang fraud, paratang ng mga krimen at detalye ng parusang natanggap mula sa iba't ibang database laban sa fraud at mga parusa, mga regulator o ahensya ng tagapagpatupad ng batas;
    • Mga nakaraang claim: impormasyon tungkol sa mga nakaraang claim, na maaaring kasama ang health data, data ng mga criminal record at iba pang special category ng personal data (tulad ng inilalarawan sa kahulugan ng Insured na panganib);
    • Mga kasalukuyang claim: impormasyon tungkol sa mga kasalukuyang claim, na maaaring kasama ang health data, data ng mga criminal record at iba pang special category ng personal data (tulad ng inilalarawan sa kahulugan ng Insured na panganib);
    • Marketing data: nagbigay man ng consent o hindi ang individual na tumanggap ng marketing mula sa amin at/o mula sa mga third party at/o ang kanilang preferences sa marketing; at
    • Website at paggamit ng komunikasyon: tulad ng internet at iba pang impormasyon sa activity ng electronic network, computer, device at connection information (halimbawa: IP address, uri ng browser, domain name, operating system, natatanging device identifier), mga detalye ng iyong mga pagbisita sa aming mga website o app at impormasyong nakolekta sa pamamagitan ng mga cookie at iba pang tracking technology, kasama ang traffic data, location data, mga web log at iba pang communication data, at ang mga mapagkukunan na iyong ina-access.
    • Impormasyon sa background checking: tulad ng pagsasama sa listahan ng mga parusa o public list ng mga disqualified na director, ang pagkakaroon ng nauna o pinaghihinalaang criminal offenses, o confirmation ng malinis na crimininal records, at impormasyon kaugnay ng mga politically exposed person (“PEPs”).
    • Inferences (halimbawa: analytics at preferences)
    • Mga comment, feedback, o iba pang impormasyon na ibinigay sa amin: tulad ng mga social media interaction sa aming social media presence, mga comment na ibinigay sa mga form ng feedback o survey, at mga tanong o impormasyong ipinadala sa aming mga support service.
  3. Mga recipient ng iyong personal data

    Maaaring ibahagi namin ang ilang element ng iyong personal data sa mga third party, na posibleng ituring bilang pagbebenta ng iyong personal data sa ilalim ng mga batas sa privacy ng US State. Maaaring kasama rito ang impormasyong nauugnay sa mga inference at analytics. Maaaring ibahagi rin namin ang iyong personal data sa mga service provider na tumutulong sa amin sa pag-deliver ng marketing messages o advertisements.

    Bilang karagdagan sa impormasyong ibinigay sa mga section sa “Paano namin ibinabahagi ang personal data...”, maaari naming ibahagi ang iyong personal data sa mga sumusunod na category ng mga recipient kung saan kinakailangan para mag-alok, mangasiwa, at pamahalaan ang insurance products at services na ibinigay sa iyo:

    • Mga market participant ng insurance: kung kinakailangan para mag-alok, mangasiwa at pamahalaan ang insurance products at services ng insurance na ibinibigay sa iyo, tulad ng mga insurer at insurance underwriter, reinsurer, agent, broker, producer, at adjuster ng claim. Ang insurance underwriter ay ang insurer na nag-underwrite ng iyong insurance statement at pinangalanan sa iyong policy document.
    • Mga agency sa pagsusuri at pamamahala sa risk: tulad ng reference sa credit, criminal record, pag-iwas sa panloloko, pag-validate ng data at iba pang agency ng professional na pagpapayo, kung saan kinakailangan para maiwasan at matukoy ang fraud sa industriya ng insurance at gumawa ng mga hakbang para masuri ang risk na may kaugnayan sa prospective o kasalukuyang mga policy at service ng insurance;
    • Mga legal adviser, adjuster ng claim, at mga imbestigador ng claim: kung saan kinakailangan para mag-imbestiga, hatulan o ipagtanggol ang mga legal claim, mga insurance claim, o iba pang claim na katulad nito;
    • Mga medical professional: halimbawa: kung saan nagbibigay ka ng health information na may kaugnayan sa claim laban sa iyong insurance policy;
    • Mga kinatawan na tagapagpatupad ng batas: kung kinakailangan para maasikaso ang pagpigil o pagtuklas ng krimen o ang pagdakip o pag-uusig sa mga nagkasala;
    • Mga public authority, regulator, at kinatawan ng gobyerno: kung kinakailangan para makasunod tayo sa ating mga legal at regulatory obligation;
    • Mga third-party supplier: kung saan namin na-outsource ang aming mga operasyon sa pagproseso sa mga supplier na nagpoproseso ng personal data sa ngalan namin. Mananatili sa ilalim ng aming kontrol ang mga operasyong ito sa pagproseso at isasagawa nang naaayon sa aming mga standard sa seguridad at mahigpit na mga instruction;
    • Mga kapalit ng business: kung saan ang Booking.com o ang insurance products at services ay ibinebenta, nakuha ng o pinagsama sa ibang organisasyon, sa kabuuan o bahagi. Kung saan ang personal data ay ibinahagi sa mga sitwasyong ito na patuloy na gagamitin nang naaayon sa Privacy notice na ito;
  4. Paano napoproseso ang iyong personal data at ginagamit para sa insurance products at services

    Kapag nag-aalok ng insurance, ang BDIS ay maaaring kailanganing gumamit at magbahagi ng personal data na nauugnay sa pag-underwrite at ibenta ang insurance product. Ang listahan ng information na ito ay may kaugnayan sa iyo bilang posible o mismong policyholder, at sa mga beneficiary sa ilalim ng policy, mga miyembro ng pamilya, taong nag-claim, at ibang party na kabahagi ng claim.

    Para makapag-transact sa insurance, magbigay ng mga alok, makapag-ayos ng insurance coverage at pangasiwaan ang mga insurance claim (kung saan nauugnay), ang iyong personal data na ibinigay mo sa amin sa proseso ng booking, ay ibinahagi sa BDIS, na posibleng iba pang party na pinapanatili ng Booking.com, mga third-party administrator ng mga claim, at ang insurer na nagbibigay ng policy. Maaaring kabilang dito ang alinman sa mga detalye sa section 2 at travel details. Maaari ding hilingin ang karagdagang impormasyon para maibigay ang insurance coverage at services at para makapag-issue ng policy at/o pangasiwaan ang insurance claim, kasama ang mga pangalan ng mga miyembro ng pamilya, medical information at record, at/o iba pang impormasyon ng mga beneficiary, pati na rin ang iba pang impormasyong kinakailangan para maisagawa o suportahan ang imbestigasyon sa insurance claim (“Insurance-Specific Data”).

    Kung gumawa ka ng claim sa ilalim ng insurance policy, maaaring direktang pangasiwaan ng BDIS, ng insurer, o third-party administrator ang claim na ito. Ibig sabihin, maaaring hilingin sa iyo na magbigay ng personal data para maipasa ang claim nang direkta sa adjuster ng claim. Ipapaalam ng insurer sa iyo ayon sa panahon ng pagkolekta sa iyong impormasyon. Kapag inasikaso ang iyong claim ng insurer, maaaring tumanggap ang BDIS at/o BDBV ng impormasyon tungkol sa status ng iyong claim para makapagbigay sa iyo ng customer support services.

    Bilang karagdagan sa mga layuning inilarawan sa Mga layunin ng pagkolekta at pagproseso ng iyong personal data, ginagamit namin ang impormasyong kinokolekta namin tungkol sa iyo kaugnay ng insurance products at services para:

    • Mag-alok, mangasiwa, at i-manage ang insurance products at services na ibinibigay sa iyo, kasama ang pagbibigay ng mga initial at renewal quotation at impormasyon sa pangangalaga ng client;
    • Magsagawa ng angkop na pagsisikap, identity, credit reference, bankruptcy, mga parusa, pag-validate ng data, anti-money laundering, "Know Your Customer" at iba pang pagtanggap sa negosyo, pagsusuri at pag-check ng ahensya sa pamamahala ng panganib;
    • I-apply ang mga patakaran sa eligibility na partikular na produkto ng insurer para payagan silang suriin ang mga panganib na nauugnay sa iyong prospective o kasalukuyang insurance policy;
    • Iproseso ang payments, kasama ang iyong payments para sa insurance premium at anumang adjustment;
    • Suportahan o tulungan ang insurer na pangasiwaan, imbestigahan, at ayusin ang mga claim o reklamo kaugnay ng mga insurance policy at/o mga ibinigay na service;
    • Inaasikaso ang pag-iwas, pagtuklas, at imbestigasyon sa krimen at ang pagdakip o pag-uusig sa mga nagkasala;
    • Ipatupad ang aming mga kasunduan, subaybayan ang mga may utang, at bawiin ang anumang natitirang utang na may kaugnayan sa mga insurance product at service na ibinigay;
    • Tuparin ang mga legal at regulatory na obligasyon, lutasin ang mga dispute at subaybayan ang parehong compliance;
    • Support at/o tulungan ang mga insurer sa pagsasagawa ng analytics para sa mga layunin at trend sa modeling ng panganib;
    • Magsagawa ng market research at i-canvas ang iyong mga pananaw tungkol sa insurance products at services para bumuo at mapabuti ang aming products at services sa pangkalahatan;
    • Mag-research, mag-audit, mag-ulat at para sa iba pang layunin ng pagpapatakbo ng business, kasama ang pagtukoy sa pagiging epektibo ng aming mga promotional campaign at pag-evaluate sa performance ng business; at
    • Magsagawa ng benchmarking, modeling, market research at mga pagsusuri ng data na nauugnay sa pagbuo ng mga bago at umiiral na proseso, product, at service.
  5. Epekto ng pagkabigong magbigay ng impormasyon

    Kinakailangan mong magbigay ng anumang personal data na makatuwirang hinihiling namin (sa form na katanggap-tanggap sa amin) para matugunan ang aming mga obligasyon kaugnay ng mga insurance product at service na ibinibigay namin sa iyo, kabilang ang anumang legal at regulatory obligation. Kung ang impormasyong ibinigay ay hindi kumpleto at/o hindi tumpak, maaaring hindi namin ialok ang mga insurance product at/o service sa iyo at/o maaari naming i-terminate ang mga service na ibinigay nang may agarang epekto. Ito ay dahil maaaring kailanganin naming gawin ito alinsunod sa mga naaangkop na batas, patakaran, at regulasyon ng federal at state ng lahat ng estado.

  6. Para sa California Residents – California Law

    Service Provider

    Maaari kaming kumilos bilang mga service provider sa ilalim ng California Consumer Protection Act (CCPA). Nangangahulugan ito na maaaring kinokolekta at ginagamit namin ang Personal Information sa ngalan ng ibang company (halimbawa, kung saan nagbibigay ang BDIS ng mga insurance product at service sa mga third-party insurer at producer). Kung saan ang iyong Personal Information ay pinoproseso namin na kumikilos bilang service provider, ipapaliwanag ng Privacy notice ng ibang company ang privacy practices nito. Tandaan na sa ilang pagkakataon, maaaring kumilos ang BDIS at iba pang Booking.com company o business unit bilang service provider para sa iba pang miyembro ng Booking.com, at sa mga pagkakataong iyon, naga-apply ang section na ito ng Privacy notice. Kung nag-request ka sa amin na gamitin ang iyong mga karapatan kung saan kami ay gumaganap bilang service provider sa ilalim ng CCPA, maaaring kailanganin naming ipaalam ang iyong request sa nauugnay na company.

    Personal Information na Hindi Ma-cover ng California Section ng Privacy Notice na ito

    Nagtatakda ang sumusunod ng ilan sa mga category ng Personal Information na hindi napapailalim sa CCPA, at kaya naman ay hindi mako-cover ng section ng Notice na ito. Tandaan na ang ibang section ng Notice ay maaari pa ring mag-apply bilang karagdagan sa iba pang Privacy notice na maaari naming ilabas sa pagtugon sa aming partikular na kaugnayan sa iyo, kasama ang mga Privacy notice na ipinadala sa mga individual.

    • Health o medical information na kinokolekta namin at napapailalim sa Health Insurance Portability and Accountability Act of 1996 (“HIPAA”), ang California Confidentiality of Medical Information Act o ang Health Information Technology para sa Economic and Clinical Health Act. Para sa ganitong uri ng data, ang hiwalay na privacy notice ng HIPAA ay ibinibigay sa ilang partikular na individual customer ayon sa kinakailangan sa ilalim ng mga naaangkop na batas, patakaran, at regulasyon.
    • Ang impormasyon na kinokolekta namin kaugnay ng pag-issue ng mga financial product o service sa iyo na pangunahing gagamitin para sa iyong personal, pamilya, o household na layunin at napapailalim sa Gramm-Leach-Bliley Act (“GLBA”) o California Financial Information Privacy Act. Halimbawa, kung saan pinangangasiwaan namin ang claim para sa iyo bilang individual. Tandaan na ang pagbubukod na ito ay maaaring hindi naga-apply sa lahat ng iyong Personal Information, kabilang ang personal information na nakolekta bago ka maging customer.
    • Ang impormasyong kinokolekta namin at ibinibigay para sa paggamit na napapailalim sa Fair Credit Reporting Act.
    • Ang impormasyong kinokolekta namin bilang record ng motor vehicle at iyon ay napapailalim sa Driver's Privacy Protection Act of 1994.
    • Ang impormasyong available sa public mula sa mga record ng pamahalaan at impormasyon na mayroon kaming makatuwirang batayan para maniwala na ayon sa batas ay ginawa mong available sa general public o ng malawak na ipinamamahaging media, o ng tao kung kanino mo ipinaalam ang impormasyon at hindi ito pinaghihigpitan sa partikular na audience.
    • Deidentified o aggregated information.

    Mga Category ng Personal Information na Kinokolekta at Ipinaalam

    Tinutukoy ng mga sumusunod ang mga category ng Personal Information na maaaring kolektahin namin tungkol sa iyo. Tandaan na ang aming pagkolekta, paggamit at pagbubunyag ng Personal Information tungkol sa iyo ay mag-iiba depende sa mga pangyayari at katangian ng aming mga pakikipag-ugnayan o relasyon sa iyo.

    Depende kung paano mo ginagamit ang aming mga insurance product at service, kami, ang insurer o ang third-party claims administrative company ay maaaring kolektahin (o maaari mong ibigay) ang mga sumusunod na category ng Personal Information:

    • Mga identifier, tulad ng tunay na pangalan, alyas, job title, address, email address, birthdate, policy number, impormasyon sa suweldo, social security number, driver’s license number, iba pang identifier ng gobyerno, credit card number, at tax ID.
    • Mga Online Identifier, tulad ng mga natatanging personal na identifier, device ID, ad ID, IP address, at data ng cookie.
    • Mga Record ng Customer o Claimant, tulad ng paper o electronic na mga record ng customer o claimant na naglalaman ng Personal Information, pati na rin ang impormasyong ibinigay ng insurance broker/agent o reinsurer para sa mga layunin ng underwriting at impormasyong kasama sa listahan ng mga claim, tulad ng pangalan, signature, physical characteristics o paglalarawan, address, phone number, edukasyon, kasalukuyang trabaho, kasaysayan ng trabaho, social security number, passport number, driver’s license o state identification card number, insurance policy number, bank account number, payment card number, gender, taas, timbang, medical information (kasama ang mga report at mga medical bill), health insurance information, mga detalye tungkol sa home address, mga arrangement sa seguridad at travel plan, mga record ng personal na ari-arian, mga produkto o service na binili o nakuha.
    • Financial Information, tulad ng iyong bank account o credit card number at ibang payment details.
    • Mga Katangian ng Mga Protected Classification sa ilalim ng Batas ng California, tulad ng edad (40 taong gulang o mas matanda), lahi, national ancestry, bansang pinagmulan, citizenship, relihiyon o paniniwala, status sa kasal, pagbubuntis, medical condition, physical o mental disability, sex, sexual orientation, at veteran o military status.
    • Paggamit ng Data, tulad ng Internet o iba pang electronic network activity information tungkol sa pakikipag-ugnayan ng California Resident sa mga portal, mga website sa Internet, mga application, o mga ad, kabilang ang, pero hindi limitado sa, browsing history, clickstream data, history ng paghahanap, at nilalaman ng mga public post.
    • Biometric Information, tulad ng individual na biological o behavioral na katangian kasama ang mga pagsukat ng physical characteristics tulad ng taas, timbang, at blood pressure, pagtulog, kalusugan, o exercise data na naglalaman ng identifying information.
    • Education Information, tulad ng mga record ng edukasyon na direktang nauugnay sa student na pinapanatili ng educational institution o party na kumikilos sa ngalan nito, tulad ng mga grade, transcript, class list, student schedule, student identification code, at student disciplinary record.
    • Geolocation Data, tulad ng physical location o mga paggalaw.
    • Audio, Video, at Iba Pang Electronic Data, tulad ng impormasyon sa audio kabilang ang mga pag-record ng tawag, video at photo, mga naka-record na meeting at webinar, at CCTV footage para ma-secure ang ating mga office at lugar.
    • Professional o Employment-related Information, tulad ng employment history, mga qualification, licensing, at disciplinary record.
    • Inferences at Preferences, tulad ng mga interference na nakuha mula sa alinman sa impormasyon na inilarawan sa section na ito tungkol sa consumer kasama ang mga interference na sumasalamin sa mga preference, katangian, pag-uugali at kakayahan ng consumer.
    • Sensitive Personal Information, tulad ng social security number, driver’s license number, lahi o etnikong pinagmulan, religious o philosophical na paniniwala, medical condition, at physical o mental disability.

    Mga Source ng Personal Information

    Karaniwan kaming nangongolekta ng Personal Information mula sa mga sumusunod na category ng mga source:

    • Direkta mula sa iyo at automatic;
    • Mga affiliate, sister company, at subsidiary namin;
    • Mga corporate policyholder; at
    • Mga vendor at service provider (halimbawa: mga third-party administrator) namin.

    Mga Layunin para sa Pagkolekta at Pagpapaalam ng Personal Information

    Bilang karagdagan sa mga layuning inilarawan sa Mga layunin ng pagkolekta at pagproseso ng iyong personal data, kinokolekta namin at kung hindi man ay pinoproseso namin ang personal information na kinokolekta namin para sa mga sumusunod na layunin ng business o commercial:

    • Mga inference;
    • Maghanap ng mga lokasyon kapag ni-request;

    Kung gusto mo ng higit pang impormasyon tungkol sa mga recipient ng iyong personal information, tingnan din ang mga section sa Paano namin ibinabahagi ang personal data.

    Sensitive Personal Information

    Ginagamit at ipinapaalam lang namin ang sensitive personal information na pinahihintulutan ng batas at bilang makatuwirang kinakailangan at katumbas: (i) para maisagawa ang aming mga service na hiniling mo; (ii) para makatulong na siguruhin ang seguridad at integridad, kabilang ang pagpigil, pagtuklas, at pagsisiyasat ng mga insidente sa seguridad; (iii) para makita, maiwasan at tumugon sa malisyoso, fraudulent, mapanlinlang, o ilegal na gawain; (iv) para i-verify o mapanatili ang kalidad at kaligtasan ng aming mga service; (v) para sa compliance sa aming mga legal na obligasyon; (vi) sa aming mga service provider na nagsasagawa ng mga service sa ngalan namin; at (vii) para sa mga layunin maliban sa pag-interfere ng mga katangian tungkol sa iyo.

    Retention ng Personal Information

    Pinapanatili namin ang Personal Information na kinokolekta namin bilang makatuwirang kinakailangan lang para sa mga layuning inilarawan sa notice na ito o kung hindi man ay ipinaalam sa iyo sa oras ng collection. Halimbawa, pananatilihin namin ang ilang partikular na identifiers hangga't kinakailangan na sumunod sa aming mga obligasyon sa tax, accounting at recordkeeping, para mangasiwa ng ilang partikular na policies at coverage, at para sa research, pagpapaunlad at mga layuning pangkaligtasan, pati na rin sa karagdagang panahon, kung kinakailangan, para protektahan, ipagtanggol o itatag ang ating mga karapatan, ipagtanggol laban sa mga potential na claim, at para sumunod sa ating mga legal na obligasyon. Paminsan-minsan, maaari din naming muling ipakilala ang iyong Personal Information, panatilihin ito at gamitin ito para sa layunin ng business bilang compliance sa CCPA.

    Pagbubunyag ng Personal Information sa Mga Third Party at Iba pang Recipient

    Kasama sa mga category ng Personal Information na aming ipinaalam para sa layunin ng business sa naunang labindalawang (12) buwan:

    • Mga identifier (halimbawa: iyong pangalan, account number, email address, IP address, unique personal identifier)
    • Financial, medical, o health insurance information (halimbawa: iyong bank account number, payment card number o medical information — kung ikaw ang nagbigay o ibinigay sa ngalan mo)
    • Mga katangian ng pinoprotektahang classifications sa ilalim ng California o federal law (halimbawa: iyong gender, relihiyon o sexual orientation)
    • Commercial information (halimbawa: purchase information o purchase history mo)
    • Internet o ibang electronic network activity information (halimbawa: impormasyon tungkol sa paggamit mo ng website o app)
    • Geolocation data (halimbawa: physical location mo)
    • Visual information (halimbawa: anumang photograph na in-upload mo sa iyong account)
    • Inferences (halimbawa: analytics at preferences)
    • Professional o employment-related information (halimbawa: employer at business travel details)
    • Sensitive information (halimbawa: driver’s license, state identification o passport number, mga detalye ng pag-sign in sa account, mga komunikasyon sa pagitan mo at ng Trip Provider sa pamamagitan ng Booking.com)

    Kung gusto mo ng karagdagang impormasyon tungkol sa mga category na nakaraang nabanggit, ang mga partikular na uri ng personal information na kinokolekta namin, o ang mga layunin kung bakit namin kinokolekta ang mga ito, basahin din ang mga section na Personal data na kinokolekta at pinoproseso namin at Mga layunin ng pagkolekta at pagproseso ng iyong personal data.

    Ang mga category ng mga third party at iba pang recipient kung saan maaari naming ipinaalam ang personal information para sa layunin ng business ay maaaring kasama ang:

    • Mga agent at broker;
    • Mga insurer;
    • Mga reinsurer;

    Maaari naming “ibahagi” ang mga sumusunod na category ng Personal Information: mga online identifier, at paggamit ng data. Ipinaalam namin ang impormasyong ito sa mga third-party advertising network, analytics provider, at social network para sa layunin ng marketing at advertising.

  7. Ang mga karapatan mo

    Kung nakatira ka sa US (maliban sa California), at gustong maunawaan at gamitin ang iyong mga karapatan, tingnan ang aming section sa US (maliban sa California).

    Para maunawaan at gamitin ang iyong mga karapatan sa ilalim ng batas ng California, tingnan ang aming section sa California.

    Bumalik sa itaas

US (maliban sa California)

Kung nakatira ka sa US (maliban sa California), naaangkop sa iyo ang impormasyon sa section na ito. Nagdaragdag ito sa, o pinapalitan ang, impormasyon sa ibang bahagi ng Privacy notice na ito.

Bilang karagdagan sa mga category ng personal data na maaari naming kolektahin tungkol sa iyo na nakalista sa section na Personal data na kinokolekta at pinoproseso namin, gusto naming ipaalam sa iyo na kasama sa iba pang category ang:

  • Geolocation data (halimbawa: physical location mo)
  • Inferences (halimbawa: analytics at preferences)
  • Sensitive data (status sa pagiging citizen o immigration, data na nagbubunyag sa iyong lahi o etnikong pinagmulan, religious na paniniwala, mental o physical health diagnosis, o sexual orientation) na ibinigay mo

Maaaring ibahagi namin ang ilang element ng iyong personal data sa mga third party, na posibleng ituring bilang pagbebenta ng iyong personal data sa ilalim ng mga batas sa privacy ng US State. Maaaring kasama sa pagbebenta ng personal data na ito ang impormasyong nauugnay sa mga inference.

Genius Reward Visa Signature® Credit Card

Kung mag-a-apply ka para sa Genius Reward Visa Signature® Credit Card (“card”), ibabahagi namin ang ilang personal data sa Imprint Payments, Inc. para sa layunin ng pagbibigay sa iyo ng travel credits gaya ng tinukoy sa terms at conditions na matatanggap mo kapag nag-apply ka para sa card (“terms ng card”). Ang Imprint Payments, Inc, bilang recipient ng iyong personal data, ay namamahala sa aming co-branded na programa ng credit card at kumikilos bilang independent controller.

Para sa layunin ng paggawad sa iyo ng mga reward sa ilalim ng programang ito, ibabahagi namin sa Imprint Payments, Inc. ang:

  • Impormasyong nauugnay sa lahat ng trip reservation na ginawa gamit ang iyong card o mga nauugnay na karagdagang card sa Booking.com;
  • Impormasyong nauugnay sa lahat ng trip reservation na ginawa mo habang naka-log in sa iyong Booking.com account, anuman ang paraan ng pagbabayad na ginamit.

Ang application para sa card na ito ay boluntaryo at napapailalim sa pag-apruba alinsunod sa terms ng card. Kung gagamitin mo ang iyong karapatang burahin ang iyong Booking.com account, hindi maaapektuhan ang iyong mga karapatan bilang card cardholder. Gayunpaman, hindi ka makakatanggap ng mga reward sa ilalim ng programang ito. Maaari kang mag-withdraw mula sa programa, tulad ng nakabalangkas sa terms ng card.

Maaari mong piliin kung paano namin ginagamit ang iyong personal data, tulad ng inilarawan sa section na Ang mga karapatan mo, at iba pang karapatan tulad ng sumusunod:

Karapatan
Description
Mag-opt out sa pagbebenta ng dataPuwede mong hilingin sa amin na huwag ibenta ang iyong personal data sa mga third party.
Mag-opt out sa targeted advertisingPuwede mong hilingin sa amin na huwag gamitin ang iyong personal data para sa targeted advertising.
Mag-opt out sa profilingPuwede mong hilingin sa amin na huwag gamitin ang iyong personal data para sa profiling na maaaring magkaroon ng legal na epekto o iba pang malaking epekto sa iyo.

Kung magulang, legal guardian, o authorized agent ka ng consumer at gusto mong gumamit ng mga karapatan sa ngalan ng consumer, kontakin kami tulad ng inilarawan sa section na Ang mga karapatan mo. Maaaring kailangan naming i-verify ang identity at authorization mo bago kumpletuhin ang request.

Kapag ginamit mo ang iyong mga karapatan, magsasagawa kami ng pag-verify ng iyong identity batay sa kung tumutugma ang pangalan at email address na ibinigay mo sa request sa data na iyong ibinibigay kapag ginagamit ang aming services at iba pang detalye ng verification. Maaari mong pahintulutan ang ibang indbidwal na gumamit ng mga karapatang mag-opt out sa ngalan mo. Kung makatanggap kami ng ganoong request, magpapadala kami ng email para i-confirm na in-authorize mo ang nag-request na kumilos para sa iyo.

Bumalik sa itaas

Paano namin pinoprotektahan ang personal data

Pinagsasama namin ang mga tao, proseso, at technology para protektahan ang iyong personal data at igalang ang iyong privacy.

Kasama rito, bukod sa iba pang bagay, na kami ay:

  • Magpapanatili ng comprehensive framework ng mga security policy, procedure, at protocol
  • Gagamit ng mga tauhan na nakatuon sa cybersecurity at data protection
  • Pananatilihing alerto ang mga staff sa mga panganib sa security sa pamamagitan ng patuloy na security training at awareness activities
  • Gagamit ng up-to-date na security technologies tulad ng encryption at data leakage prevention para makatulong sa pagbabantay laban sa unauthorized disclosure o pagkasira ng data
  • Magpapanatili ng mga inventory para pangasiwaan ang mga proseso, system, at data asset
  • Gumamit ng higit sa isang system para sa pag-iwas/pagtuklas ng fraud at patuloy na pag-monitor sa system, kasama ang para sa mga layunin sa seguridad
  • Gagamit ng identity at access management at iba pang logical at physical access restriction para makontrol na ang mga naka-authorize na personnel lang ang makaka-access ng personal data
  • Magpapanatili at magte-test ng mga protocol para tumugon sa mga report tungkol sa mga posibleng insidente at data breach
  • Paulit-ulit na pagsasagawa ng pag-verify ng at pagpapahusay ng aming mga security system, procedure, at protocol
  • Magpapataw ng mga katumbas na hakbang sa mga third party na aming itinatalaga

Gumagamit kami ng retention practices para mapanatili at, kung posible sa ilalim ng naaangkop na batas, mag-dispose ng personal data. Sa pangkalahatan, itinatago namin ang iyong personal data hangga't kinakailangan para:

  • I-enable ka na gamitin ang aming services o para ibigay ang aming services sa iyo
  • Pigilan at ma-detect ang mga pagtatangka sa online fraud at/o iba pang iligal na gawain
  • Sumunod sa mga legal na obligasyon tulad ng mula sa mga batas sa accounting at tax
  • Malutas ang anumang dispute at legal claim
Paano mo mas mapoprotektahan ang iyong personal data sa Booking.com

Hindi man mandatory para sa iyo ang paggamit sa platform ng Booking.com, inirerekomenda namin na:

  1. Gumawa ng account kung saan available sa aming platform. Sa paggamit ng account, puwede mong protektahan ang access sa iyong data, tulad ng reservation history mo at Wallet mo, halimbawa, gamit ang malakas na password pati na rin ang two-factor authentication.
  2. Gumamit ng mga unique password para sa bawat online service, kasama ang Booking.com account mo. Kung paulit-ulit mong gagamitin ang combination ng mga user name at password sa maraming service na available, at makaranas ang isa sa mga service na ito ng data leak, karaniwang sinusubukan ng mga malicious actor na gamitin ang parehong mga combination para makakuha ng access sa iyong mga user account sa iba pang online service. Kapag na-detect namin ang naturang malicious attacks na nakakaapekto sa mga traveler, mabilis kaming nagsasagawa ng mga countermeasure tulad ng pag-block sa mga account na nasa panganib at pag-alerto sa mga may hawak ng account.
  3. Basahin (at sundin ang gabay mula sa) mga article na maaari naming gawing available sa iyo tungkol sa pag-iwas sa online na fraud at data protection. Karaniwang may kinalaman sa social engineering at “phishing” schemes ang mga pagtatangka sa online fraud. Halimbawa, nagpapanggap ang mga fraudster na partikular na accommodation at humihingi ng bayad sa traveler kung saan hindi ito kinakailangan. Dapat kang makipag-ugnayan sa Customer Service kung pinaghihinalaan mo na mayroong posibleng tangka ng fraud kaugnay ng iyong reservation.

Bumalik sa itaas

Paano namin ginagamit ang cookies at ibang tracking technologies

Sa tuwing gagamitin mo ang aming services, kabilang ang amin mobile app, maaari kaming gumamit ng cookies at iba pang tracking technology, na sama-sama naming tinutukoy bilang, “cookies”. Ang section na ito ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa kung paano namin ginagamit ang cookies.

Ano ang cookies?

Ang cookie ng web browser ay maliit na text file na inilagay ng website sa data na automatic na itinatago ng web browser sa iyong computer o mobile device. Ine-enable nito ang software na magtago ng impormasyon tungkol sa content na tinitingnan at nakikipag-interact ka, halimbawa, para:

  • Tandaan ang iyong preferences, settings at reservation na maaaring hindi mo pa nakumpleto

  • Suriin kung paano mo ginagamit ang aming services

Gumagamit din kami ng iba pang uri ng cookies. Halimbawa, maaaring maglaman ang aming website, email, at mobile apps ng maliliit na transparent image file o mga linya ng code na nagre-record kung paano ka nakikipag-interact sa mga ito.

Para saan ginagamit ng cookies?

Maaaring hatiin ang cookies na ginagamit namin sa tatlong category ng layunin: functional cookies, analytical cookies, at marketing cookies.

Functional cookiesGumagamit kami ng functional cookies para i-enable ang aming mga website at mobile app para gumana nang maayos, makagawa ka ng account, makapag-sign in, at ma-manage ang iyong mga booking. Naaalala rin nila ang iyong napiling currency, wika, at mga nakaraang search. Dapat na ma-enable ang technical cookies na ito para magamit ang aming website at mga service.
Analytical cookiesGumagamit kami at ang aming mga partner ng analytical cookies para makakuha ng impormasyon tungkol sa iyong paggamit ng website at mobile app, na pagkatapos ay ginagamit para maunawaan kung paano ginagamit ng mga bisitang tulad mo ang aming platform at para ma-improve ang performance ng aming website at services.
Marketing cookiesGumagamit kami at ang aming mga partner ng marketing cookies, kasama ang social media cookies, para mangolekta ng impormasyon tungkol sa iyong browsing behavior na tumutulong sa amin at sa aming mga partner na magpasya kung aling products ang ipapakita sa iyo sa loob at labas ng aming website, para magpakita at magpadala ng personalized content at advertisements sa aming platform, iba pang website, at sa mga push message at email. Ang personalized content ay batay sa iyong browsing activities at sa services na na-book mo. Hahayaan ka ng cookies na ito na mag-share o mag-like ng mga page sa social media.

Nakikipagtulungan kami sa mga piling third-party company para mangolekta at magproseso ng data. Maaari kaming magbahagi minsan ng impormasyon (tulad ng iyong email address o phone number) sa ilang third party na ito para ma-link nila ang impormasyong iyon sa iba pang data na kanilang kinokolekta nang hiwalay (at karaniwang hiwalay sa Booking.com). Nakakatulong ito sa amin na makipag-ugnayan sa mga partikular na audience o maghatid ng mga naka-target na ad.

Ano ang mga mapagpipilian mo?

Kapag kinakailangan, nag-aalok kami sa iyo ng option na tanggihan ang analytical at marketing cookies. Papayagan ka rin ng karamihan sa mga browser na piliin kung aling cookies ang tatanggapin at alin ang tatanggihan. Tingnan ang help function ng browser mo para alamin ang detalye. Tandaan na kung pipiliin mong i-block ang ilan sa functional cookies, maaaring hindi mo magamit o mapakinabangan ang ilang feature ng aming services.

Bumalik sa itaas

Paano kami gumagamit ng artificial intelligence at gumagawa ng mga automated na desisyon

Palagi kaming naghahanap ng mga pagkakataon para magbago at ma-improve ang customer experience sa pamamagitan ng paggamit ng mga bagong technology tulad ng mga artificial intelligence (AI) system. Kasalukuyan naming ginagamit ang AI para sa mga sumusunod na layunin:

Pag-promote ng ligtas at mapagkakatiwalaang service at pag-iwas sa fraudSinusubaybayan ng mga machine learning AI system ang aming mga platform para sa mga tangka ng fraud, reklamo, at posibleng maling pag-asal ng traveler o trip provider sa mas mabilis na rate at mas mataas na accuracy kaysa sa manual na pag-monitor lamang nito. Nagsasagawa ang AI systems ng pag-scan ng mga transaction at content (kabilang ang content na ipinasa ng mga user, halimbawa, mga larawan) sa aming platform para sa mga indicator ng panganib. Ang mga transaction at content na natukoy bilang nagpapahiwatig ng mas mataas na panganib ng fraud ay naka-flag para sa pag-review ng tao at maaaring itago o alisin sa platform.
Ipinapakita sa iyo ang pinaka-nauugnay na contentGumagamit kami ng karagdagang AI system para mapahusay ang customer experience at personalization sa aming platform. Kasama rito ang paggamit ng AI para ma-predict ang optimal/pinakanauugnay na category ng products para sa iyo at dalhin ang pinakamahusay na mga option sa iyong pansin. Maaaring kasama rito ang pagpapadala sa iyo ng mga detalye ng trip na sa tingin namin ay magiging interesado ka, pagpapakita ng mga na-customized na pantulong na alok sa mga trip sa aming website, at ranking ng mga search result para ilagay ang pinakamagandang match sa itaas ng iyong feed.

Naglalaman ang aming page na “Ano ang ginagawa namin” ng iba pang impormasyon sa aming recommendation systems, kasama ang kung paano mo puwedeng i-manage ang iyong personalization preferences.
AI Trip Planner at interactive chatsMaaari naming gamitin ang AI para bumuo at mag-alok ng mga interactive chat (tulad ng Booking.com AI Trip Planner na nagbibigay-daan sayong magtanong tungkol sa trip o service at makatanggap ng AI-generated na mga nauugnay na sagot o itinerary suggestion. Gagamitin ng AI Trip Planner ang anumang personal data na ibinabahagi mo rito at ang history mo sa paghahanap at booking sa aming platform para gumawa ng mga personalized recommendation sa iyo.
Pagbubuod ng tawagBilang karagdagan sa aming normal na proseso ng pagre-record ng tawag, maaari naming gamitin ang AI para i-transcribe at i-summarize ang mga tawag para mapabuti ang kahusayan at bilis ng aming customer service para matulungan ka sa mga tanong tungkol sa iyong booking. Anumang personal data na ibinabahagi mo sa amin sa tawag, kasama ang iyong mga detalye ng booking, ay maaaring isama sa buod ng AI.
Intelligent Voice AssistanceDepende sa iyong lokasyon, kapag tinawagan mo kami, maaari kaming gumamit ng AI para mag-alok sa iyo ng option na tinatawag na Intelligent Voice Assistance para tumulong sa iyong tanong. Binibigyang-daan ka ng service na ito na magtanong tungkol sa iyong booking sa agent na pinapagana ng AI, na maaaring magbigay ng mga nauugnay na tugon at pagkilos para matulungan ka sa ilang partikular na pagkilos na nauugnay sa iyong booking. Gagamitin ng agent na ito na pinapagana ng AI ang anumang personal data na ibinabahagi mo dito at ang mga detalye ng iyong booking sa aming platform at sa ilang mga pinagkakatiwalaang third party na ginagamit namin para ibigay ang solusyong ito.
Pag-improve ng aming servicesGumagamit kami ng AI para pahusayin ang mga trip service alinsunod sa impormasyon na kasama sa section na Mga layunin ng pagkolekta at pagproseso ng iyong personal data. Kasama rito ang pagkilala sa trends, pagsubaybay sa pag-operate ng platform, pag-troubleshoot sa aming mga website at app, pati na rin ang pagkamit ng efficiency sa performance at paggastos.

Maaaring gamitin ang personal data para bumuo, magsanay at mag-fine-tune ng mga AI system gaya ng mga generative AI model. Binibigyang-daan ka ng mga model na ito na gamitin ang itong natural na wika para magtanong tungkol sa trip o service at makatanggap ng AI-generated na mga nauugnay na sagot o itinerary suggestion. Kapalit nito, sasanayin, maifa-fine tune, at gagamitin ang mga AI system para mapahusay ang bisa ng iba pang layunin na nakasaad sa Privacy notice na ito, kabilang ang mga AI system na nakalaan para mapanatili ang pagiging mapagkakatiwalaan ng aming platform.

Ginagamit din namin ang personal data na ibinibigay mo sa amin sa mga interactive na pakikipag-chat para bumuo, magsanay at mag-fine-tune ng mga AI system para pahusayin ang aming mga kakayahan sa pag-detect at pag-redact ng personal data. Pinapabuti nito ang aming services sa pamamagitan ng pagtulong sa amin na limitahan ang paggamit ng iyong personal data kapag mahigpit na kinakailangan, at para maiwasan namin ang pag-imbak ng anumang sensitive personal data na maaaring hindi mo sinasadyang ibigay sa amin.

Mayroon kaming legal basis para gumamit ng mga AI system alinsunod sa mga batas sa data protection. Ang legal basis ng paggamit ng AI ay karaniwang sumusunod sa pangkalahatang layunin ng pagproseso na itinakda sa section na Mga layunin ng pagkolekta at pagproseso ng iyong personal data:

  • Higit pa sa pag-iwas at pag-detect ng mga tangka ng fraud, maaari kaming magkaroon ng lehitimong interes sa pagbuo ng mga AI system para mabawasan ang aming mga gastos, ma-improve ang kahusayan at quality ng aming pagproseso, ma-improve ang aming mga teknolohiyang nagpapahusay sa privacy, at magbigay ng mas magandang products para sa aming mga customer. Isinasaalang-alang namin kung ang iyong mga karapatan at kalayaan ay hindi labis na nalalabag ng pagproseso ng iyong personal data at magpapatuloy lang kami kung ang lehitimong interes na ito ay hindi nasasapawan ang iyong mga karapatan.

  • Sa iba pang pagkakataon na kung saan maaari naming gamitin ang AI, hihingin namin ang iyong consent kung saan ito kinakailangan.

Ina-assess namin ang aming AI systems laban sa mga principle ng data protection, tulad ng pag-minimize, accuracy, at limitasyon sa layunin. Gumagawa kami ng mga hakbang para maiwasan ang pinsala at mga bias mula sa aming paggamit ng AI, halimbawa, sa pamamagitan ng:

  • Pagso-pseudonymize ng personal data

  • Pagbuo ng aming sariling mga system para bawasan ang pag-share ng data sa mga third party

  • Muling pag-assess ang aming paggamit ng mga AI system para masigurong patuloy na sapat na mabawasan ang mga panganib

Tingnan ang section na Paano namin pinoprotektahan ang iyong personal data para sa iba pang impormasyon tungkol sa mga pag-iingat na ipinapatupad namin, na maga-apply rin sa personal data na pinoproseso namin para ma-train o gamitin ang AI.

Sa kasalukuyan, hindi kami gumagamit ng anumang automated lang na system, kasama ang mga gumagamit ng AI, para gumawa ng desisyon tungkol sa iyo na nagreresulta sa legal o katulad na matinding epekto sa iyo. Ipapaalam namin sa iyo kung magbabago ito at sisiguruhin namin na naipatupad namin ang mga angkop na hakbang para pangalagaan ang iyong mga karapatan at kalayaan.

Sa ilang pagkakataon, maaari naming kumpletuhin ang paggawa ng desisyon nang walang taong nagre-review pero pagkatapos lang naming ma-assess na hindi magreresulta ang desisyon sa matinding epekto sa iyo.

Sa mga pagkakataon na maaaring magkaroon ng matinding epekto sa indibidwal, halimbawa, sa pagsubaybay para sa mga tangka ng fraud, ang aming mga system ay maaaring mag-inform at tumulong gumawa ng desisyon pero anumang ganoong desisyon ay magkakaroon ng input ng tao. Ire-review ng miyembro ng aming team ang posibleng issue na natukoy ng system at gagawa siya ng may kaalamang desisyon.

Kung gusto mo ng karagdagang impormasyon tungkol sa aming paggamit ng mga AI system o gusto mong tumutol sa paggamit ng iyong personal data sa context ng AI, makipag-ugnayan sa amin tulad ng inilarawan sa section na Ang mga karapatan mo.

Bumalik sa itaas

Paano namin inaasikaso ang personal data ng mga minor

Hindi nilalayon na gamitin ng mga taong wala pang 18 taong gulang ang aming services. Hindi namin sinasadyang mangolekta ng personal data tungkol sa mga taong wala pa sa edad na iyon (sama-samang tinatawag na “mga minor”) maliban kung ang data na iyon ay ibinigay ng (at may consent ng) magulang o guardian. Kasama sa mga limitadong pangyayari kung saan maaaring kailanganin naming kolektahin mula sa mga magulang o guardian ang personal data ng mga minor ang:

  1. Bilang bahagi ng reservation

  2. Pagbili ng iba pang service na kaugnay ng pag-travel

  3. Iba pang bukod-tanging pangyayari (tulad ng features na para sa mga pamilya).

Kung malaman namin (halimbawa, sa pamamagitan ng request sa Customer Support) na naproseso namin ang personal data tungkol sa mga minor nang walang valid na consent ng magulang o guardian, tatanggalin namin ito.

Bumalik sa itaas

Ang mga karapatan mo

Gusto naming ikaw ang may kontrol sa kung paano namin gagamitin ang iyong personal data. Puwede mo itong gawin sa mga sumusunod na paraan:

Karapatan
Description
Pag-accessPuwede mong hilingin sa amin ang kopya ng personal data na pinanghahawakan namin tungkol sa iyo.
PagtamaPuwede mong ipaalam sa amin anumang oras ang mga pagbabago sa iyong personal data at hilingin sa amin na gawing tama ang ilang partikular na personal data na pinanghahawakan namin tungkol sa iyo.Puwede mong gawin nang direkta ang ilan sa mga pagbabagong ito kung mayroon kang account. Umaasa kami sa iyo na siguraduhing ang iyong personal information ay kumpleto, accurate, at updated.
PagburaMaaari mong hilingin sa amin na burahin ang personal data na pinanghahawakan namin tungkol sa iyo kapag, halimbawa, hindi na ito kailangan o hiniling namin ang iyong consent at binawi mo ito pagkatapos.
Pag-restrictSa ilang sitwasyon, puwede mong hilingin sa amin na i-block, o i-restrict ang pagproseso ng personal data na pinanghahawakan namin tungkol sa iyo at tutulan ang mga partikular na paraan kung paano namin ginagamit ang iyong personal data.
PortabilitySa ilang sitwasyon, puwede mo ring hilingin sa amin na bigyan ka ng partikular na personal data na ibinigay mo sa amin para sa posibleng pag-transmit sa third party.
Pagbawi ng consentKapag nakolekta at naproseso namin ang iyong personal data batay sa iyong consent, puwede mong bawiin ang ibinigay mong consent anumang oras, alinsunod sa naaangkop na batas.
PagtutolKapag pinoproseso namin ang iyong personal data na batay sa lehitimong interes o public interest, may karapatan kang tumutol sa paggamit ng iyong personal data anumang oras, depende sa naaangkop na batas.

Nag-aalok kami ng iba't ibang paraan para magamit mo ang iyong mga karapatan o maghain ng mga tanong at concern tungkol sa iyong personal data sa Booking.com:

Direkta mula sa iyong accountKung may account ka, puwede mong i-access ang karamihan sa iyong personal data sa aming mga website o mobile app. Karaniwan kang makakakita ng option para magdagdag, mag-update, o magtanggal ng impormasyon na mayroon kami tungkol sa iyo sa iyong account settings.
Gamit ang aming Data Subject Request formKung hindi ka makapagsagawa ng aksyon sa pamamagitan ng aming mga website o mobile app (halimbawa, dahil hindi naa-access online ang ilang personal data na mayroon kami tungkol sa iyo), madali mong maipapasa ang iyong request sa amin sa pamamagitan ng Data Subject Request form na ito.
Sa pamamagitan ng emailKung hindi ka makakagawa ng direktang aksyon mula sa iyong account o gamit ang aming form sa Data Subject Request (halimbawa: dahil hindi available ang partikular na option), pwede mong gamitin ang mga data subject rights na binanggit sa notice na ito sa pamamagitan ng pagkontak sa aming privacy team (kung saan kasama ang aming Data Protection Officer) sa pamamagitan ng email address na ibinigay sa section na Ang aming company at kung paano kami sumusunod sa privacy laws. Puwede mo kaming kontakin sa parehong paraan para sa anumang request o tanong na nauugnay sa privacy notice na ito o kung mayroon kang reklamo o concern tungkol sa pagproseso ng iyong personal data. Inirerekomenda namin na isama mo ang iyong residence kapag nakikipag-usap sa amin sa channel na ito para matulungan kaming pagbutihin ang sagot sa iyong request.
Sa pamamagitan ng postKung mas gusto mong gamitin ang iyong mga karapatan sa data subject sa pamamagitan ng post, i-address ito sa aming team sa privacy gamit ang postal address na ibinigay sa section na Ang aming company at kung paano kami sumusunod sa mga batas sa privacy. Bilang default, tutugon kami sa mga naturang request sa electronic na paraan.

Para protektahan ang iyong personal information, maaaring kailanganin naming i-verify ang identity mo bago kumpletuhin ang iyong request. Gagawin namin ito sa pamamagitan ng pagtatanong sa iyo tungkol sa mga nakaraan mong reservation sa amin. Sasagot kami sa iyong request nang walang hindi makatuwirang delay.

Kung hindi ka nasisiyahan sa aming sagot sa iyong request o may iba ka pang concern tungkol sa iyong personal data, puwede mo ring kontakin ang iyong otoridad sa pangangasiwa sa data protection

Para sa mga tanong tungkol sa reservation, kontakin ang aming Customer Service team sa pamamagitan ng aming contact page ng Customer Service.

Bumalik sa itaas

Ang aming company at kung paano kami sumusunod sa mga batas sa privacy

Kasama sa mga entity na may kaugnayan sa notice na ito ang:

Pangalan ng entity
Postal address
Contact details ng privacy email
Mga comment
Booking.com B.V.Oosterdokskade 163, 1011 DL Amsterdam, Netherlands.dataprotectionoffice@booking.comAng operator ng platform at controller para sa pagproseso ng personal data tulad ng inilalarawan sa Privacy notice na ito, maliban na lang kung iba ang malinaw na binanggit. Ito ang representative ng EU para sa Booking.com Transport Ltd. (BTL).
Booking.com Distribution B.V. (BDBV)Oosterdokskade 163, 1011 DL, Amsterdam, Netherlands.dataprotectionoffice@booking.comSister company ng Booking.com B.V.Magkatuwang ang Booking.com B.V. at BDBV para mag-alok sa mga customer ng iba’t ibang insurance product at service para sa trip reservations, halimbawa, ang room cancellation insurance. Kapag kumikilos ang BDBV bilang intermediary para sa insurance products at services sa pamamagitan ng Booking.com B.V., parehong may pananagutan ang dalawang company sa pagkolekta ng insurance-specific data at paglilipat nito mula sa Booking.com B.V. papuntang BDBV. Gayunman, kumikilos ang BDBV bilang tanging controller para sa anumang pagproseso sa labas ng mga Booking.com B.V. system.
Booking.com Transport Ltd. (BTL)The Goods Yard Building, 6 Goods Yard Street, Manchester, M3 3BG, United Kingdom.dataprotectionofficer@rentalcars.comSister company ng Booking.com B.V.Nakikipag-trade ang BTL bilang Rentalcars.com. Ito ang controller para sa anumang ground transportation service.

Ang contact details na nakalista ay paraan din para kontakin ang Data Protection Officer ng Booking.com.

Napapailalim ang Booking.com sa hanay ng mga batas at regulasyon, kasama ang mga nauugnay sa proteksyon ng personal data, at sa pagpapatupad nito sa pamamagitan ng pangangasiwa sa data protection at iba pang otoridad. Kasama ang iba pa, napapailalim ang Booking.com sa pangangasiwa ng Dutch Supervisory Authority (ang “Autoriteit Persoonsgegevens” (AP)), na nakabase sa Netherlands pati na ng Information Commissioner's Office (ICO) sa United Kingdom.

Maaaring kontakin ang Booking.com ng mga agency ng tagapagpatupad ng batas na naghahanap ng partikular na personal data, halimbawa, kaugnay ng kanilang mga imbestigasyon sa krimen o mga report na natatanggap nila tungkol sa mga nawawalang tao. Katulad nito, maaaring kontakin ng ibang agency at otoridad ang Booking.com para sa ad hoc o umuulit na mga request sa impormasyon, kaugnay ng mga batas sa short-term rental o mga batas sa consumer protection, bilang halimbawa. Ang mga authorized representative mula sa mga agency at iba pang otoridad ay dapat magpasa ng mga naturang request sa pamamagitan lang ng aming mga proseso ng Pagtugon sa Pagpapatupad ng Batas at gamit ang portal na ginawa naming available para sa mga layuning ito.

Bumalik sa itaas

gogless