Accommodation Flights Car rentals Airport taxis

Mga dapat gawin sa Paris

Attractions, tours, at activities sa Paris

Inirerekomendang museum sa Paris

Saan matatagpuan ang kultura at sining sa Paris

Ang pinakamagagandang lugar sa Paris

Maghanap ng magandang lugar para mag-stay sa Paris

Tungkol sa Paris

May kasamang tips kung kailan pinakamagandang bisitahin ang Paris

Bilang isang lugar kung saan isinilang ang Age of Enlightenment at ang constant trendsetter sa mundo ng fashion, isa ang Paris sa mga lungsod na dapat puntahan at makita. Sa isang bansa na kilala dahil sa masasarap nitong pagkain, magandang style, at mayamang kultura, tiyak na maihahatid ng capital ang lahat ng tatlong ito.

Nahahati ang lungsod sa 20 distrito (kilala bilang mga "arrondissement"), bawat isa ay may kanya-kanyang katangian. Kilala ang Le Marais (ang ikaapat na arrondissement) dahil sa mga luma at pasikut-sikot nitong mga daanan, puno ng mga traditional patisserie at mga eleganteng boutique. Tahanan din ang lugar na ito ng iconic na katedral ng Notre-Dame, na itinuturing na isa sa pinakamagagandang halimbawa ng French Gothic architecture.

Matatagpuan naman sa ikapitong arrondissement ang ilan sa mga pinakasikat na landmark ng Paris, kabilang ang Eiffel Tower, ang Les Invalides, at ang Musée d'Orsay. Marami ring mapupuntahan sa mga kalapit nitong distrito, katulad ng sikat na Champs-Elysées, Arc de Triomphe, at Opéra Garnier. Sa sentro ng Paris mo makikita ang sikat sa buong mundo na Musée du Louvre, kung saan matatagpuan ang libu-libong likhang-sining, kabilang na ang "Mona Lisa" ni da Vinci. Sa labas naman ng lungsod, puwede ring bisitahin ang kakaibang Catacombs, at ang Château de Versailles.

Ipinagmamalaki ng bawat lungsod sa France ang kanilang lutuin, at totoong-totoo ito sa Paris, kung saan matitikman ang pinakamasasarap na pagkain sa mundo. Makikita mo rito ang lahat mula sa mga 3-Michelin-starred establishments katulad ng Restaurant Guy Savoy, hanggang sa mga bistro katulad ng La Mascotte.

Naghahandog ng saya para sa mga bisita anuman ang kanilang edad, matatagpuan ang Disneyland Paris sa silangan ng lungsod, sa bayan ng Marne-la-Vallée, na madaling mapupuntahan sakay ng train.

Ngayong gabi

Mula ₱ 3,370 kada gabi

Susunod na weekend

Mula ₱ 7,235 kada gabi

Pinakasikat na panahon para bumisita Hulyo –Setyembre
Pinakamurang panahon para bumisita Enero –Marso
Lokal na currency € 1 = ₱ 57.15
Wika French
Average price sa weekend ₱ 8,187 kada gabi
Average price sa weekday ₱ 8,317 kada gabi
Karaniwang stay 2 gabi

Points of interest sa Paris

Mag-stay malapit sa top sightseeing spots sa Paris

Mga sikat na accommodation sa Paris

Mag-stay sa ilan sa mga best accommodation na ino-offer ng Paris

Ibang attractions at activities sa Paris

Marami pang puwedeng makita at gawin sa Paris