Mga guideline ng content

Pagkamuhi, diskriminasyon, at harassment
Hindi pinahihintulutan ang hate speech at wikang may diskriminasyon sa Booking.com. Gusto naming maramdaman ng lahat ng aming guest at partner na ligtas at iginagalang sila, kaya hindi namin pinapayagan ang:
Content na nagpo-promote ng karahasan, wikang may diskriminasyon, o pagkamuhi laban sa tao o grupo batay sa kung sino sila – kabilang dito ang anumang anyo ng diskriminasyon batay sa sumusunod na katangian: edad, kapansanan, ethnicity, gender identity at expression, nationality, lahi, immigration status, relihiyon, kasarian, sexual orientation, veteran status, caste, political opinion, at seryosong karamdaman.
Content na nangha-harass, nambu-bully, o nagbabanta sa iba (o nag-uudyok sa iba na lumahok sa activities na ito) – ligtas na lugar dapat ang Booking.com para sa lahat ng aming user, kaya naman magkakaroon kami ng matatag na paninindigan kaugnay ng anumang content na maaaring ituring na nananakot, nagbabanta, bastos, o naninira.
Marahas, mapanakit, at restricted na content
Hindi lugar ang Booking.com para sa marahas o mapanakit na content, o content na itinuturing na legally restricted batay sa mga lokal na batas. Hindi namin pinapayagan ang:
Content na nagpo-promote, nagsusulong, o nanghihikayat ng anumang uri ng karahasan laban sa iba – kabilang dito ang mga banta ng karahasan, pagrerekomenda ng karahasan, o anumang deklarasyon na gumawa ng karahasan.
Content na malaswa, mapanakit, o hindi naaangkop para sa lahat ng audience.
Content na nag-aalok, nagbebenta, naga-advertise, o nagsusulong sa pagbebenta ng regulated o restricted goods at services.
Content na may kaugnayan sa terorismo – kasama ang content na nagpo-promote, sumusuporta, nag-uudyok ng pagkilos ng terorismo, o sumusuporta o kumakatawan sa anumang teroristang organisasyon, mga lider nito o kaugnay na mararahas na aktibidad. Dagdag pa rito, hindi namin pinapayagan ang content na tingin namin, sa aming sariling pagpapasya at sa pagsunod sa Consolidated United Nations Security Council Sanctions List, na nagpo-promote, sumusuporta, o nag-uudyok sa lubos na karahasan, o sumusuporta sa o kumakatawan sa anumang organisasyong kasali sa lubos na karahasan.
Animal welfare
Hindi pinahihintulutan ng Booking.com ang animal cruelty. Inaasahan mula sa mga guest, partner, at empleyado ang paggalang sa domestic animals at wildlife, at itaguyod ang mga kondisyon ng pamumuhay ng mga hayop na naaayon sa aming Animal Welfare Guidelines.
Hindi namin pinapayagan ang:
Content na nagpapakita o nagpo-promote ng direktang pakikipag-ugnayan sa mga ligaw na hayop
Content na nagpapakita o nagpo-promote ng mga hayop na nakakulong na may masamang kondisyon para sa kalusugan
Content na nauugnay sa activities, entertainment, o sport events na kilalang nagdudulot ng pagkabalisa at kapahamakan sa mga hayop
Likas na sexual ang content
Hindi namin pinapayagan ang content na naglalaman ng tahasang sexual na material, nudity, o pornographic acts. Kasama rito ang anumang content na tulad ng text, digital, at animated images na sumusuporta, nagpo-promote, o naglalarawan ng sexual exploitation sa bata o sexualized content ng pinaghihinalanag menor de edad (kilala rin bilang Child Sexual Abuse Material o CSAM).
Mahalagang resource sa Booking.com ang photos at images. Para makatulong sa ating community, kailangang maging kapaki-pakinabang, nagbibigay-kaalaman, at nauugnay sa actual na travel experience ang mga ito.
Hindi namin pinapayagan ang:
Mga image na hindi nauugnay sa actual na travel experience
Mga image na sumasalungat sa mga policy, pamantayan, o guideline na kasama rito.
Gayundin, kailangang nababasa at nauugnay sa travel experience ang nakasulat na content. Hindi namin pinapayagan ang content na hindi naiintindihan, magkakaugnay, o walang grammatical sense.
Intellectual property
Ginagalang ng Booking.com ang intellectual property rights at inaasahan nito ang mga guest at partner na gawin din ito. Ang aming policy ay para:
I-review ang mga kaso ng naabisuhang intellectual property infringement at kumilos para alisin ang mga pagkakataon ng paglabag o pinaghihinalaang paglabag sa content
I-disable ang mga account o higpitan sa ibang paraan ang pag-access ng mga user na paulit-ulit na lumalabag sa intellectual property rights ng iba
Kung gusto mong mag-report ng paglabag sa copyright, puwede mo itong gawin gamit ang aming reporting form para sa paglabag sa copyright.
Personal at iba pang confidential data
Sineseryoso ng Booking.com ang mga obligasyon nito sa privacy at data protection, alinsunod sa aming naga-apply na Privacy statement.
Hindi namin pinapayagan ang content na maaaring maglagay sa privacy ng aming mga guest at iba pang data subject sa mas malaking panganib. Halimbawa, ang mga guest o partner ay nagkamali sa pagbabahagi ng personal data ng ibang tao, kabilang ang, pero hindi limitado sa, sensitibo o special-category personal data. Kasama rin dito ang credit card numbers, national identification numbers, driver at ibang license numbers, mga address, o anumang iba pang impormasyon na hindi naa-access nang naka-public.
Layunin ng Booking.com na protektahan ang aming mga guest at partner mula sa reviews na hindi batay sa karanasan ng tunay na customer, o content na walang kaugnayan sa paksa o karanasan sa pag-travel.
Hindi namin pinapayagan ang:
Content na hindi nauugnay sa Booking.com, sa stay, o actual na travel experience
Content na puwedeng manlinlang o mandaya sa mga user ng Booking.com
Sinuman sa aming mga guest o partner na mag-represent ng kanilang sarili sa maling paraan o magpapanggap bilang ibang tao
Sa Booking.com, naniniwala kaming higit na nakakatulong ang mga contribution kapag ang mga ito ay tapat, walang kinikilingan, at naglalaman ng makatuwirang impormasyon. Sa partikular, dapat magpakita ang reviews na ginawa sa Booking.com ng mga tunay na karanasan ng guest.
Hindi namin pinapayagan ang:
Content na ginawa lang para sa layunin ng self-promotion, advertising, o iba pang commercial content
Commercial content na nagpo-promote o naga-advertise ng mga partikular na service
Content na may kasamang contact details o impormasyong ginawa para i-promote o i-advertise ang mga partikular na service
Partner na magre-review ng sarili nitong listing, business, o accommodation
Pinapahalagahan namin ang opinyon ng aming mga contributor. Kaya naman ang customer lang na nag-book sa Booking.com ang makakapagsulat ng review. Kung dumating ang guest sa accommodation, makakapagbigay siya ng review, kahit na hindi niya nakumpleto ang kanyang stay. Gayunpaman, kung na-cancel ang reservation bago ang araw ng check-in, hindi makakatanggap ang guest ng review questionnaire.
Kung naisulat ang review sa ilalim ng mga sitwasyong ito, pinapayagan namin ang:
Mga review na naglalaman ng kritikal na impormasyon na magkakaroon ng kaugnayan para sa guest sa hinaharap
Mga review na naglalaman ng feedback tungkol sa komunikasyon sa pagitan ng accommodation at ng guest
Mga review na nauugnay sa travel experience