Pumunta na sa main content
Accommodation Flights Car rentals Airport taxis

Tungkol sa Booking.com™

Itinatag noong 1996 sa Amsterdam, nagsimula ang Booking.com na isang maliit na Dutch start-up at ngayon ay isa na sa mga pinakamalaking travel e-commerce company sa mundo. Bahagi ng Booking Holdings Inc. (NASDAQ: BKNG), may mahigit sa 17,000 empleyado na ang Booking.com sa 198 opisina sa 70 bansa sa buong mundo.

Dahil sa aming misyon na tulungan ang mga tao na ma-experience ang mundo, nag-invest ang Booking.com sa digital technology para maiwasan ang hirap sa pagta-travel. Sa Booking.com, tinutulungan namin ang mga traveler na makita ang pinakamalawak na selection ng naggagandahang lugar para makapag-stay, kasama diyan ang apartments, vacation homes, at family-run B&Bs hanggang 5-star luxury resorts, tree houses, at kahit pa igloos. Available ang website at mobile apps ng Booking.com sa mahigit 40 wika, nag-aalok ng 29,034,651 total reported listing, at nasa 144,765 destinasyon. sa 229 bansa at teritoryo sa buong mundo.

Bawat araw, mahigit sa 1,550,000 room night ang naire-reserve sa aming platform. Kaya kahit bumibiyahe para sa trabaho o bakasyon, mabilis at madali lang makakapag-book ang mga customer ng gusto nilang accommodation gamit ang Booking.com, wala pa itong booking fees at sinamahan pa ng price match guarantee. Sa tulong ng aming customer experience team, puwedeng makipag-ugnayan ang mga customer sa Booking.com para sa 24/7 na tulong at suporta sa mahigit 40 na wika, mapa-gabi o umaga man.

Ang Booking.com B.V. ay matatagpuan sa Amsterdam, the Netherlands at sinusuportahan ng 198 tanggapan sa mahigit 60 bansa: Accra - Amman - Amsterdam - Antalya - Athens - Atlanta - Auckland - Bangalore - Bangkok - Barcelona - Beijing - Berlin - Bilbao - Bogotá - Bolzano - Bordeaux - Boston - Bratislava - Brisbane - Bristol - Brussels - Bucharest - Budapest - Buenos Aires - Cairo - Calgary - Cambridge - Cancún - Cape Town - Casablanca - Catania - Chengdu - Chicago - Colombo - Copenhagen - Dallas - Denver - Dubai - Dublin - Dubrovnik - Dusseldorf - Edinburgh - Faro - Florence - Frankfurt am Main - Freiburg im Breisgau - Fukuoka - Grand Rapids - Guadalajara - Guangzhou - Haikou - Hamburg - Hanoi - Helsinki - Heraklion - Ho Chi Minh City - Hong Kong - Honolulu - Houston - Innsbruck - Istanbul - İzmir - Jakarta - Jeddah - Jeju - Johannesburg - Kiev - Koh Samui - Krakow - Kuala Lumpur - Kuta (Bali) - Las Palmas de Gran Canaria - Las Vegas - Lille - Lima - Limassol - Lisbon - Ljubljana - London - Los Angeles - Lyon - Madrid - Málaga - Manchester - Maynila - Marrakech - Melbourne - Mexico City - Miami - Milan - Montpellier - Montréal - Moscow - Mumbai - Munich - Naha - Nairobi - Natal - New Delhi - New Orleans - New York - Nice - Norwalk - Orlando - Osaka - Oslo - Palma de Mallorca - Panama City - Paris - Phoenix - Phuket - Porto Alegre - Prague - Qingdao - Rennes - Reykjavík - Riga - Rimini - Rio de Janeiro - Rome - Saint Petersburg - Sallanches - Salzburg - San Diego - San Francisco - San Jose - San Juan - Santiago - Santo Domingo - São Paulo - Sapporo - Seattle - Seoul - Seville - Shanghai - Siem Reap - Singapore - Sochi - Sofia - Sorrento - Split - Stockholm - Strasbourg - Sydney - Taipei - Tallinn - Tbilisi - Tel Aviv - Thessaloníki - Tokyo - Toronto - Trabzon - Vancouver - Venice - Verona - Vienna - Vilnius - Warsaw - Washington - Xi'an - Yangon - Yogyakarta - Zagreb - Zurich.

Ang Booking.com B.V. ay nakarehistro sa trade register ng Konseho ng Kalakalan (Chamber of Commerce) sa Amsterdam, the Netherlands sa ilalim ng registration number 31047344. Ang VAT registration number ay NL805734958B01. Ang registration number na kasama sa Dutch Data Protection Authority ay 1288246.

Ano ang maibibigay ng Booking.com

Magandang pagpipilian
Naka-stay ka man sa isang sosyal na city apartment, o isang magarbong beach resort, o kumportableng B&B sa may countryside, bibigyan ka ng Booking.com ng napakalawak at iba't ibang uri ng accommodation - sa iisang lugar lang.

Mababang rates
Ginagarantiya ng Booking.com na maibibigay sa 'yo ang best available rates. At dahil may price match guarantee kami, makakasiguro ka na makukuha mo lagi ang pinakamagandang deal.

Mabilis na confirmation
Instant ang confirmation ng bawat reservation sa Booking.com. Kapag nakita mo na ang accommodation na gusto mo, ilang click na lang ang kailangan mo.

Walang reservation fee
Wala kaming sinisingil na booking fee o dinadagdag na kahit anong administrative charges. At sa napakaraming pagkakataon, puwedeng ma-cancel nang libre ang booking mo.

Secure ang booking
Libu-libong transaction ang mina-manage namin araw-araw gamit ang aming secure platform, at ginagawa namin ang lahat para masigurado ang privacy mo. Para sa iba pang detalye, tingnan ang aming Privacy Statement.

24/7 na support
Kahit na kaka-book mo pa lang o ini-enjoy na ang iyong trip, palaging nakaantabay ang aming customer experience team para sagutin ang mga tanong mo at suportahan ka sa mahigit 40 na wika. Siguruhin lang na tingnan ang aming FAQ para sa travelers.

Maghatid ng business sa aming accommodation partners

Sa Booking.com, naniniwala kami na lahat ng magagandang accommodation ay dapat na mapansin. Kaya naman ginawa naming mas mabilis at madali para sa accommodation providers sa buong mundo na i-market ang kanilang property, makahanap ng bagong guests, at palaguin pa ang kanilang business gamit ang aming platform.

Para sa ibang impormasyon at pagpapalista ng accommodation mo sa Booking.com, tingnan ang aming Accommodation Partner Program.