Hanapin ang "National Travel Support" label sa mga local na accommodation o gamitin ang filter na "Ipakita lang ang mga National Travel Support accommodation."
Nakakita ng gusto mong accommodation? Kumpletuhin lang ang iyong booking gaya ng dati at automatic na maga-apply ng 20% discount.
Makakakuha ka ng coupons na magagamit sa local area sa panahon ng stay mo.
Sinigurado naming nakakasunod ang lahat ng kasaling accommodation sa official requirements ng campaign pagdating sa kalusugan at kaligtasan. Kapag nagta-travel, hinihiling din naming sundin mo ang guidelines mula sa National Travel Support Office.
Ano ang maximum na halaga ng discount?
Hanggang JPY 3,000 kada tao, kada gabi ang ibinibigay naming discount.
Paano ko malalaman kung aling mga accommodation ang kasama sa National Travel Support Campaign?
Mayroong "National Travel Support" badge sa kanilang property page at listing sa search results ang mga kasaling accommodation.
Ano ang available na payment options?
Available ang lahat ng karaniwang payment method, pero dapat mong piliin na magbayad nang maaga sa pagkumpleto ng booking para ma-apply ang discount. Hindi eligible para sa discount ang mga booking na ginawa gamit ang "Magbayad sa accommodation" na option.
Naga-apply ba na karagdagan sa National Travel Support discount ang Booking.com discounts katulad ng Genius?
Oo, naga-apply ang lahat ng existing na Booking.com discount, at kina-calculate ito bago i-apply ang National Travel Support discount.
Eligible ba para sa discount ang mga booking na ginawa bago ang National Travel Support Campaign?
Hindi. Ang mga booking lang na ginawa mula Enero 10, 2023 hanggang Hunyo 30, 2023 ang eligible sa National Travel Support discount.
Ano ang maximum na halaga ng National Travel Support coupon?
Puwede kang makakuha ng coupons na nagkakahalaga ng JPY 2,000 sa weeknights at JPY 1,000 sa weekends at public holidays, kada tao, kada gabi.