Ano ang ginagawa namin
1. Mga accommodation
1A. Mga kahulugan at Kung sino kami
Ang ilang salitang makikita mo ay may mga napakapartikular na kahulugan, kaya tingnan ang “dictionary ng Booking.com” sa aming Terms ng Service.
Kapag nag-book ka ng Accommodation, nagbibigay at responsable ang Booking.com B.V. para sa Platform — pero hindi para sa Travel Experience mismo (tingnan ang 1B sa ibaba). Ang Booking.com B.V. ay company na kasama sa ilalim ng mga batas ng Netherlands (registered address: Oosterdokskade 163, 1011 DL, Amsterdam, The Netherlands; Chamber of Commerce number: 31047344; VAT number: NL805734958B01).
1B. Paano gumagana ang service namin?
Ginagawa naming madali para sa ‘yo na magkumpara ng mga Booking mula sa maraming hotel, property owner, at ibang Service Provider.
Kapag gumawa ka ng Booking sa aming Platform, pumapasok ka sa kontrata kasama ng Service Provider (maliban na lang kung iba ang nakasaad).
Ang impormasyon sa aming Platform ay batay sa kung ano ang sinasabi sa amin ng mga Service Provider. Ginagawa namin ang lahat ng makakaya namin para panatilihing updated ang mga bagay sa lahat ng oras, pero sa katotohanan ay maaaring magtagal ng ilang oras para mag-update, halimbawa, ng mga text description at listahan ng facilities na ibinibigay ng mga Accommodation.
1C. Sino ang mga katrabaho namin?
Ang mga Service Provider lang na may contractual relationship sa amin ang ipapakita sa aming Platform. Maaari din silang mag-alok ng Mga Travel Experience sa labas ng aming Platform.
Hindi kami mismo ang nagmamay-ari ng anumang Accommodation — magkahiwalay na kumpanya ang bawat Service Provider na sumang-ayong magtrabaho sa amin sa partikular na paraan.
Sinasabi sa ‘yo ng aming Platform kung gaano karaming Accommodation ang puwede mong i-book sa amin sa buong mundo — at ipinapakita ng aming search results page kung gaano karami sa mga ito ang maaaring tama para sa ‘yo, batay sa kung anong sinabi mo sa amin.
1D. Paano kami kumikita ng pera?
Hindi kami bumibili o nagbebenta (muli) ng anumang produkto o service. Kapag natapos na ang stay mo, babayaran lang kami ng Service Provider ng commission.
Kung may badge na nagsasabing “Ad” ang pangalawang Accommodation sa iyong mga resulta ng paghahanap, nangangahulugan ito na nagbayad ang Service Provider para lumabas ito roon, bilang bahagi ng aming programang “Booking Network Sponsored Ads”.
1E. Ang aming mga recommendation system
Paano ginagamit ng Booking.com ang mga recommendation system
Nararapat na matuklasan ang lahat ng magagandang property. Iyon ang dahilan kung bakit gumagamit kami ng mga “recommendation” system para magpakita ng impormasyon sa aming Platform sa paraang makakatulong sa iyong matuklasan ang mga property na sa tingin namin ay magugustuhan mo. Halimbawa, sa landing page na “Mga Stay”, makakakita ka ng ilang recommendation system, kabilang ang:
- Mga trending na destinasyon. Mga destinasyon na maaaring gusto mong puntahan, batay sa Mga Booking na ginawa ng ibang mga traveler na ang mga hinahanap ay katulad ng sa iyo.
- Mga bahay na gusto ng mga guest. Mga bahay na property na may matataas na review score.
- Naghahanap ng perfect na stay? Mga property (kumpara sa mga destinasyon) na maaaring gusto mong mag-stay, batay sa Mga Booking na ginawa ng ibang mga guest na ang mga hinahanap ay katulad ng sa iyo.
Isa ring recommendation system ang aming mga resulta ng paghahanap. Sa katunayan, ito ang recommendation system na pinakamadalas na ginagamit ng aming mga customer, kaya tingnan ang “Ang aming default ranking at mga option” sa pag-sort sa ibaba.
Nagbibigay ang lahat ng recommendation system na ginagamit namin ng mga rekomendasyong batay sa isa o higit pa sa sumusunod na factor:
- Kung ano ang sinasabi mo sa amin sa form ng paghahanap: destinasyon, dates, bilang ng guest, at iba pa.
- Anumang impormasyon na aming nakalap batay sa kung paano ka nakikipag-ugnayan sa aming Platform: ang iyong mga nakaraang paghahanap sa aming Platform, ang bansa kung nasaan ka habang nagba-browse, at iba pa.
- Ang performance ng Accommodation sa aming Platform:
- ang click-through rate nito (kung gaano karami ang taong nag-click dito)
- gross bookings nito (kung gaano karami ang booking na ginawa sa Accommodation na iyon)
- net bookings nito (kung gaano karami ang booking na ginawa sa Accommodation na iyon, na hindi kasama ang dami nang na-cancel)
- Impormasyon tungkol sa availability ng Accommodation, mga pricing score, review score, at iba pa.
Para gawing mas madali hangga't maaari para sa iyo na maghanap at mag-book ng Accommodation, ang bawat factor ay puwedeng maging mas (o mas kaunti) mahalaga sa iba't ibang kaso, depende sa kung ano ang tingin namin na makakagawa ng listahan ng mga property na maaaring gusto mong i-book.
Ang aming mga default na option sa ranking at sorting
Isa ring recommendation system ang aming mga resulta ng paghahanap. Ipinapakita nito ang lahat ng Accommodation (mga hotel, apartment, at iba pa) na tumutugma sa hinahanap mo. Kung gusto mo, puwede kang gumamit ng mga filter para bawasan ang mga resulta mo.
Para makita ang lahat ng booking option na inaalok ng isang Accommodation, i-click lang ito.
Sa unang beses na matanggap mo ang mga resulta ng hinanap mo, nakaayos (“inayos”) ang mga ito ayon sa “Ang aming top picks” (tinatawag na “Kasikatan” sa aming app):
- Para lumabas nang mataas sa page, kailangang maganda ang resulta ng Accommodation sa bawat isa sa tatlong bagay na ito:
- Click-through rate. Kung gaano karami ang taong nag-click dito
- Gross bookings. Kung gaano karaming booking ang ginawa sa Accommodation na iyon
- Net bookings. Kung gaano karami ang booking na ginawa sa Accommodation na iyon, na hindi kasama ang dami nang na-cancel.
- Gaya ng inaasahan mo, depende ang mga numerong iyon sa maraming factor, tulad ng review scores, availability, policies, pricing, quality ng content (halimbawa: photos), at iba pang feature.
- Puwedeng maimpluwensiyahan din ng ibang bagay ang ranking ng Accommodation — halimbawa, kung gaano karaming commission ang ibinabayad nila sa amin sa Mga Booking, kung gaano sila kabilis magbayad nito, kung bahagi ito ng aming Genius program o Preferred Partner(+) Program, at sa ilang partikular na mga lugar*, kung inaayos namin ang kanilang mga pagbabayad.
- Magiging factor din ang anumang impormasyong nakalap namin batay sa kung paano ka nakikipag-ugnayan sa aming Platform (kabilang ang sinasabi mo sa amin).
* Sa ngayon, maga-apply lang ang ranking factor na ito sa mga Accommodation sa US na na-book ng mga customer na nasa US.
Marami sa mga factor sa itaas ang nakakatulong sa aming recommendation system na magpasya kung aling Mga Accommodation ang maaaring pinakanakakahikayat at nauugnay sa iyo. Ang ilan ay gumaganap ng maliit na papel sa desisyon na iyon, habang gumaganap ng malaking papel ang iba — at puwedeng magbago ang kahalagahan ng bawat factor, depende sa mga feature ng Accommodation, at sa kung paano mo ginagamit at ng ibang tao ang aming Platform.
Halimbawa, kadalasang may malaking papel sa mga desisyon ang click-through rate at bilang ng Booking ng Accommodation. Iyon ay dahil direktang sumasalamin ang mga ito sa pangkalahatang appeal ng Accommodation, at kung gaano nasiyahan ang mga guest nito sa kung ano ang inaalok nito.
Karaniwang nangangahulugan ang mataas na click-through rate na may magandang unang impression sa aming Platform ang Accommodation (halimbawa: sa pamamagitan ng mga larawan, amenity, o paglalarawan) — at nagpapahiwatig ang maraming Booking na talagang natutugunan nito ang mga kailangan ng maraming tao.
Pero gumaganap din ng papel ang iba pang factor. Halimbawa, maaari kaming magbigay ng preference sa Mga Accommodation na bahagi ng aming Genius program — o mag-alok ng iba-iba at madaling gamitin na mga policy sa pagbayad. Kung sa bagay, iminumungkahi ng mga factor na ito na nauunawaan ng Mga Accommodation na ito kung gaano kahalaga ang service at kaginhawaan para sa aming mga customer.
Naiimpluwensyahan din ang aming mga rekomendasyon ng kung paano ginagamit ng ibang mga customer na may katulad na preference ang aming Platform. Halimbawa, kung:
- Madalas na nagbu-book ang Person A ng Mga Accommodation sa Paris, Barcelona at Rome, at
- Madalas na nagbu-book ang Person B ng Mga Accommodation sa Paris, Barcelona, Rome, Berlin at Madrid
...maaaring hulaan ng aming recommendation system na magiging interesado rin ang Person A sa mga property sa Berlin at Madrid.
Kung may badge na nagsasabing “Ad” ang pangalawang Accommodation sa iyong mga resulta ng paghahanap, nangangahulugan ito na nagbayad ang Service Provider para lumabas ito roon, bilang bahagi ng aming programang “Booking Network Sponsored Ads”.
Kung gugustuhin mong huwag naming ayusin ang iyong mga resulta ng paghahanap sa aming default na paraan, puwede mong i-sort ang mga ito sa iba pang paraan, gaya ng:
- Unahin ang bahay at apartment. Lumalabas nang mas mataas ang mga bahay at apartment kaysa sa mga hotel at ibang uri ng Accommodation.
- Presyo (unahin ang pinakamababa). Lumalabas nang mas mataas ang mga Accommodation na mayroong mas mababang presyo.
- Unahin ang Genius discount. Lumalabas nang mas mataas ang mga Genius Accommodation kaysa sa ibang Accommodation.
- Property rating (mula mataas pababa). Lumalabas nang mas mataas ang mga Accommodation na mayroong mas maraming star* at/o mas mataas na quality ratings*.
- Property rating (mula mababa pataas). Lumalabas nang mas mataas ang mga Accommodation na mayroong mas kaunting star* at/o mas mababang quality ratings*.
- Nangunguna sa review (tinatawag na “Best reviewed” sa aming app). Lumalabas nang mas mataas ang mga Accommodation na mayroong mas mataas na review score*. Kung makakita ka ng anumang sitwasyon na hindi ganito, ito ay dahil lang ginagamit din namin bilang factor ang reliability (halimbawa: bilang ng review). Halimbawa, ang isang Accommodation na may 1,000 review at average score na 8.2 ay maaaring lumabas nang mas mataas sa Accommodation na may limang review at average score na 8.3.
- Layo mula sa (X). Lumalabas nang mas mataas sa page ang mga Accommodation na mas malapit sa X (halimbawa: ang city center). (Kapag sinabi naming “malapit”, ang ibig sabihin namin ay “malapit kapag gamit ang diretsong linya”.)
- Property rating. Lumalabas nang mas mataas ang mga Accommodation na may mas maraming star. Sa bawat segment (5 star, 4 star, at iba pa), lumalabas nang mas mataas ang mga mayroong mas mababang presyo.
- Best reviewed at pinakamababang presyo. Lumalabas nang mas mataas ang mga Accommodation na mayroong mas mataas na review score. Sa bawat 0.5 na segment (sa pagitan ng 10 at 9.5, sa pagitan ng 9.5 at 9, atbp.), lumalabas nang mas mataas ang mga mayroong mas mababang presyo.
* Tingnan ang “Mga star rating, review score, at quality rating” (1J) sa ibaba.
Tandaan na anumang option sa pag-sort ang piliin mo, maaari pa ring maimpluwensiyahan ang mga bagay ng mga factor na inilarawan namin sa “Ang aming top picks”. Halimbawa, maaaring maging "tiebreaker" ang mga factor na iyon ng dalawa o higit pang Accommodation na lalabas sa parehong spot kung wala ito. Gayunpaman, pangpangalawa lang ang mga factor na “Ang aming top picks” — dahil ginagamit lang ang mga ito kung saan kailangan nating magpasya kung alin sa dalawang property ang uunahin.
Mga personal na rekomendasyon
Gumagawa ang ilan sa aming mga recommendation system ng mga personal na rekomendasyon batay sa kung paano ka nakipag-ugnayan sa mga Booking.com system tulad ng Mga Destination Postcard, Mga Kalapit na destinasyon, at aming mga resulta ng paghahanap. Kung nakabase ka sa European Economic Area, puwede mong baguhin ang iyong mga setting para hindi ka mabigyan ng aming mga recommendation system ng mga personal na rekomendasyon. Para gawin iyon — kung gumagamit ka ng:
- Aming desktop o mobile website: i-click ang “I-manage ang mga personalized na rekomendasyon” sa footer
- Aming app: i-tap ang “I-manage ang mga personalized na rekomendasyon” sa banner.
Kahit na gawin mo iyon, maaari pa rin kaming mag-retain ng ilang impormasyon tungkol sa iyo para mabigyan ka namin ng mas maginhawang experience. Maaaring impormasyon ito na iyong ibinigay (halimbawa: iyong phone number o email address), o ang aming nakalap batay sa kung paano ka nakikipag-ugnayan sa aming Platform.
Maga-apply ang iyong preference (tungkol sa mga personal na rekomendasyon) sa anumang device kung saan ka nag-sign in sa iyong Booking.com account. Kung hindi ka naka-sign in sa iyong account, hindi maga-apply ang iyong preference sa iba pang device: mase-save ito bilang bahagi ng iyong “cookies”, at kapag nag-expire ang cookie na iyon, gayundin ang iyong preference.
1F. Mga review
Ang bawat review score ay mula 1–10. Para makuha ang kabuuang score na nakikita mo, dinadagdag namin ang lahat ng review score na natanggap namin at hinahati ang kabuuan ayon sa bilang ng review score na natanggap namin. Bukod pa rito, puwedeng magbigay ang mga guest ng hiwalay na “subscores” para sa mga partikular na aspeto ng Travel Experience, tulad ng: lokasyon, kalinisan, staff, ginhawa, facilities, pagkasulit, at libreng WiFi. Tandaang hiwalay na ipinapasa ng mga guest ang kanilang mga subscore at kabuuang score, kaya walang direktang link sa mga ito.
Maaari mong i-review ang Accommodation na na-book sa pamamagitan ng aming Platform kung nag-stay ka roon, o kung dumating ka sa Accommodation pero hindi ka talaga nag-stay roon. Para mag-edit ng review na naipasa mo na, makipag-ugnayan sa aming Customer Service team.
Mayroon kaming mga tao at automated system na dalubhasa sa pag-detect ng pekeng reviews na naipasa sa aming Platform. Kung may mahanap kami, binubura namin ito, at kung kinakailangan, gumagawa ng aksyon laban sa taong responsable rito.
Puwedeng i-report ito sa aming Customer Service team ng sinumang makakita ng anumang problema, at iimbestigahan ito ng aming Fraud team.
Kung maaari, ipa-publish namin ang bawat consumer review na matatanggap namin, positibo o negatibo man, maliban kung nilalabag nito ang aming Mga Pamantayan at Guideline ng Content.
Para siguraduhing may kaugnayan ang mga review, maaari lang naming tanggapin ang mga review na ipinasa sa loob ng 3 buwan mula sa pag-check out, at maaari naming itigil ang pagpapakita ng mga review kapag nagtagal na ang mga ito nang 36 buwan — o kung nagkaroon ng pagpapalit ng may-ari ang Accommodation.
Maaaring sumagot ang Accommodation sa review kung gugustuhin nito.
Kapag nakakita ka ng maraming review, nasa itaas ang mga pinakabago, na nakadepende sa ilang iba pang factor (kung ano ang wika ng review, kung score lang ito o may mga comment din, at iba pa). Para siguraduhing unang lalabas ang mga pinakanakakatulong na review, puwedeng maging mas (o mas kaunti) mahalaga ang bawat factor — depende sa kung paano nagbabago ang aming Platform sa paglipas ng panahon, halimbawa.
Kung gugustuhin mong huwag naming ayusin ang iyong mga resulta ng paghahanap sa aming default na paraan, puwede mong i-sort ang mga ito sa iba pang paraan, gaya ng:
- Unahin ang pinakabago
- Unahin ang pinakaluma
- Mga pinakamataas na score
- Mga pinakamababang score
Ipinapakita namin ang ilang review score mula sa ibang kilalang travel websites. Gagawin namin itong malinaw kapag ginawa namin.
Maaaring naglalaman ang reviews ng mga translation na pinapagana ng Google, hindi ng Booking.com. Itinatanggi ng Google ang lahat ng warranty na nauugnay sa mga translation, ipinahayag man o ipinahiwatig, kabilang ang anumang warranty ng accuracy, reliability, at anumang implied warranty ng merchantability, pagiging tama para sa partikular na layunin, at non-infringement.
1G. Mga Presyo
Ang mga rate na ipinapakita sa Platform namin ay na-set ng mga Service Provider. Maaaring i-finance namin ang mga reward o iba pang benefit mula sa sariling naming bulsa.
Kapag gumawa ka ng Booking, sumasang-ayon kang bayaran ang halaga ng Travel Experience mismo at anumang iba pang charge at tax na maaaring mag-apply (halimbawa: para sa anumang extra). Maaaring mag-iba ang taxes at fees para sa iba't ibang dahilan, tulad ng lokasyon ng Service Provider, ang uri ng kuwarto na pinili, at ang bilang ng mga guest. Sinasabi sa ‘yo ng price description kung kasama o hindi ang anumang tax at charge. Makakahanap ka ng iba pang impormasyon tungkol sa presyo habang nagbu-book ka.
Nagbibigay ang aming Platform ng mga paglalarawan ng anumang equipment at facilities na inaalok ng mga Service Provider (batay sa kung ano ang sinabi nila sa amin). Sinasabi rin nito sa ‘yo kung magkano ang extrang gastos para rito, kung mayroon.
1H. Payments
May tatlong paraan na maaari mong gamitin para magbayad ng Booking mo:
- Icha-charge ka ng Service Provider sa Accommodation.
- Icha-charge ka nang maaga ng Service Provider. Kukunin namin (o ng aming affiliate) ang mga detalye ng Payment Method mo at ifo-forward ang mga ito sa Service Provider.
- Isinasaayos namin nang maaga ang payment mo sa Service Provider. Kukunin namin (o ng aming affiliate) ang mga detalye ng Payment Method mo at sisiguraduhing mababayaran ang Service Provider.
Kung mag-cancel ka ng Booking o hindi ka magpakita, magiging depende sa cancellation/no-show policy ng Service Provider ang anumang cancellation/no-show fee at refund.
1I. Uri ng host
Hinihiling namin sa mga Service Provider, nasaan man sila sa mundo, na sabihin sa amin kung kumikilos sila bilang “private host” o bilang “professional host”, ayon sa tinukoy ng EU law.
Iniaatas ng EU consumer law na kailangan naming sabihin ito sa ‘yo. Kung nasa European Economic Area (EEA), Switzerland o United Kingdom ka, maaaring makita mo na ang ilang Accommodation sa aming search results ay mayroong label na “mina-manage ng private host”, at description ng kung ano ang ibig sabihin noon. Ang lahat ng ibang Accommodation, sa hangganan ng aming kaalaman, ay mina-manage ng mga “professional host”.
Walang kaugnayan ang label na ito sa tax, kabilang ang VAT, at iba pang “indirect tax” na kaugnay ng added value, sales, o consumption.
1J. Mga star rating, review score, at quality rating
Hindi kami nagtatakda ng mga star rating. Depende sa local regulations, itinatakda ang mga ito (a) ng mga Service Provider mismo o (b) ng mga independent na third party (halimbawa: mga organisasyong nagbibigay ng rating sa mga hotel). Sa parehong sitwasyon, ipinapakita ng mga star rating kung kamusta ang mga Accommodation pagdating sa — kasama ng iba pa — value, facilities, at available na service. Hindi namin iginigiit ang aming sariling mga pamantayan para sa mga star rating, at hindi namin nire-review ang mga star rating na ito, pero kapag nalaman namin na hindi accurate ang star rating, hihilingin namin sa Service Provider na patunayan na karapat-dapat sila rito o ia-adjust ito.
Ano ang itsura ng star rating: 1–5 na dilaw na star sa tabi ng pangalan ng property.
Hindi kami nagtatakda ng mga review score. Ang mga customer namin ang gumagawa nito. Tingnan ang “Mga review” (1F) sa itaas.
Ano ang itsura ng review score: asul na square na may puting numero sa loob (1–10).
Nagtatakda kami ng mga quality rating. Para matulungan ang mga customer na mahanap ang tamang Accommodation para sa kanila, nagtatakda kami ng mga quality rating sa ilang Accommodation sa aming Platform. Ang bawat rating ay batay sa 400+ na feature, na mahahati sa limang major na category:
- mga facility/amenity/service
- “property configuration” (halimbawa: laki ng unit, bilang ng kuwarto, at occupancy)
- bilang at quality ng photos na na-upload ng Service Provider
- average na review score (at mga subscore na alam naming nakakatulong sa mga customer, tulad ng kalinisan)
- kabuuang historical na data ng Booking (halimbawa, para masuri ang mga star rating ng Accommodation).
Ginagamit namin ang mga feature na ito para malaman ang mga statistical pattern, at nagsasagawa kami ng analysis gamit ang machine learning. Automatic itong nagka-calculate ng quality rating na mula 1 hanggang 5.
Ano ang itsura ng quality rating: 1–5 na dilaw na square sa tabi ng pangalan ng property.
1K. Tulong at abiso — kung may mangyaring hindi inaasahan
Kung mayroon kang anumang tanong, o may hindi mangyari ayon sa plano, makipag-ugnayan lang sa amin. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-access sa iyong Booking, o sa pamamagitan ng aming app, o sa pamamagitan ng aming Help Center (kung saan mahahanap mo rin ang ilang nakakatulong na FAQs). Tinutugunan namin ang mga reklamo sa lalong madaling panahon, at itinuturing namin bilang may pinakamataas na priority ang mga pinaka-urgent
Matutulungan mo kaming matulungan ka sa lalong madaling panahon — sa pamamagitan ng pagbigay ng:
- Booking confirmation number mo, Booking.com PIN code mo, contact details mo, at ang email address na ginamit mo noong nag-book ka ng stay
- summary ng sitwasyon kung saan kailangan mo ng tulong, kabilang ang kung paano mo gustong tulungan ka namin.
- anumang supporting document (bank statement, photos, mga resibo, at iba pa).
Anuman ang issue, gagawin namin ang aming makakaya para matulungan ka.
- Ano ang mangyayari kung mali ang presyo ng Booking? Minsan (napakabihira), maaaring makakita ka ng malinaw na maling presyo sa aming Platform. Kung mangyari iyon, at kung gagawin mo ang iyong Booking bago namin itama ang pagkakamali, maaaring i-cancel ang iyong Booking, at ire-refund namin ang anumang binayaran mo.
- Ganap ba kaming nagtatanggal ng mga Service Provider mula sa aming platform? Oo. Magagawa namin iyon kung matuklasan namin na nilabag nila ang kanilang mga contractual obligation, bilang halimbawa, o nagbigay sila ng hindi accurate na description ng kanilang Accommodation (at hindi ito naitama nang hiniling namin sa kanila).
Para sa iba pang impormasyon, tingnan ang “Paano kung magkaproblema?” (A15) at “Naaangkop na batas at forum” (A19) sa aming Terms ng Service.
1L. Overbooking
Kapag na-confirm na ang Booking mo, kailangang sundin ito ng iyong Service Provider. Kung “overbooked” ang Service Provider, responsable sila para sa paghahanap ng solusyon sa lalong madaling panahon — pero binibigyan namin sila ng mga guideline, pati praktikal na tulong.
Kung hindi nila maibigay sa iyo ang option na na-book mo at hindi sila makapag-alok sa iyo ng angkop na alternatibo:
- magagawa mong i-cancel ang iyong Booking nang walang bayad (na may refund ng anumang binayaran mo)
- kung gusto mo, tutulungan ka naming pumili ng alternative Accommodation na may katulad na kategorya at presyo sa aming Platform (kung available) — at kung medyo mas mahal ito, ire-refund namin ang pagkakaiba kapag ipinadala mo sa amin ang invoice na iyong nakuha mula sa iyong bagong Service Provider.
Pagdating sa mga refund...
- Kung inasikaso ng Service Provider ang payment mo, susubukan naming siguruhing ire-refund ka nila sa lalong madaling panahon.
- Kung inasikaso namin ang payment mo, kami mismo ang magbibigay sa ‘yo ng refund. Sa 90% ng pagkakataon, dapat nasa account mo ang pera sa loob ng limang working day mula sa oras ng:
- pag-cancel ng original na Booking mo, o
- pag-verify namin ng invoice na ipinadala mo sa amin (para ipakita na nag-stay ka sa ibang lugar).
2. Mga attraction
2A. Mga kahulugan at Kung sino kami
Ang ilang salitang makikita mo ay may mga napakapartikular na kahulugan, kaya tingnan ang “dictionary ng Booking.com” sa aming Terms ng Service.
Kapag nag-book ka ng Attraction, nagbibigay at responsable ang Booking.com B.V. para sa Platform — pero hindi para sa Travel Experience mismo (tingnan ang 2B sa ibaba). Ang Booking.com B.V. ay company na kasama sa ilalim ng mga batas ng Netherlands (registered address: Oosterdokskade 163, 1011 DL, Amsterdam, The Netherlands; Chamber of Commerce number: 31047344; VAT number: NL805734958B01).
2B. Paano gumagana ang service namin?
Nagbibigay kami ng lugar para maghanap at mag-book ka ng mga Attraction service.
Kapag gumawa ka ng Booking sa aming Platform, pumapasok ka sa kontrata kasama ng Service Provider — o sa kumpanya na kumikilos bilang intermediary/reseller.
Ang impormasyon sa aming Platform ay batay sa kung ano ang sinasabi sa amin ng mga Service Provider at/o Third-Party Aggregator. Ginagawa namin ang lahat ng makakaya namin para panatilihing updated ang mga bagay sa lahat ng oras.
2C. Sino ang mga katrabaho namin?
May contractual relationships kami sa iba't ibang Third-Party Aggregator Ang mga Service Provider lang na may direktang ugnayan sa kanila ang ipapakita sa aming Platform.
Sa ilang pagkakataon, kumikilos ang mga Third-Party Aggregator na iyon bilang mga intermediary sa mga Service Provider — at sa ilang pagkakataon, bumibili sila ng mga Attraction service at ibinebentang muli ang mga ito.
Maaaring parehong nag-aalok din ang Service Providers at Third-Party Aggregator ng mga Travel Experience sa labas ng aming Platform (kaya maaaring hindi inaalok ng mga Third-Party Aggregator ang lahat sa aming Platform).
Sinasabi sa ‘yo ng aming Platform kung gaano karaming Attraction ang puwede mong i-book sa amin sa buong mundo — at ipinapakita ng aming search results page kung gaano karami sa mga ito ang maaaring tama para sa ‘yo, batay sa kung anong sinabi mo sa amin.
2D. Paano kami kumikita ng pera?
Hindi kami bumibili o nagbebenta (muli) ng anumang produkto o service — kapag gumawa ka ng Booking, binabayaran lang kami ng Third-Party Aggregator ng commission.
At hindi kami nagcha-charge ng anumang booking fee.
2E. Ang aming mga recommendation system
Paano ginagamit ng Booking.com ang mga recommendation system
Gumagamit kami ng mga recommendation system para piliin at/o i-rank ang impormasyon sa aming Platform para matulungan kang tumuklas ng Mga Travel Experience na sa tingin namin ay magugustuhan mo. Halimbawa, kapag binisita mo ang aming landing page na “Mga Attraction”, makakakita ka ng ilang recommendation system, kabilang ang:
- Mga kalapit na destinasyon. Mga Attraction na malapit sa iyo, batay sa kung nasaan ka habang nagba-browse.
Isa ring recommendation system ang aming mga resulta ng paghahanap. Sa katunayan, ito ang recommendation system na pinakamadalas na ginagamit ng aming mga customer, kaya tingnan ang “Ang aming default ranking at mga option” sa pag-sort sa ibaba.
Nagbibigay ang lahat ng recommendation system na ginagamit namin ng mga recommendation batay sa isa o higit pa sa sumusunod na pangunahing mga factor:
- Kung ano ang sinasabi mo sa amin sa form ng paghahanap: destinasyon, dates, at iba pa.
- Anumang impormasyon na aming nakalap batay sa kung paano ka nakikipag-ugnayan sa aming Platform: ang iyong mga nakaraang paghahanap sa aming Platform, saang bansa ka naroroon habang nagba-browse, at iba pa.
Para gawing mas madali hangga't maaari para sa iyo na maghanap at mag-book ng Attraction, ang bawat factor ay puwedeng maging mas (o mas kaunti) mahalaga sa iba't ibang kaso, depende sa kung ano ang sa tingin namin ang napalaki ng posibilidad na makagawa ng listahan ng mga property na maaaring gusto mong i-book.
Ang aming default Ranking — at sorting options
Sa unang beses na matanggap mo ang mga resulta ng paghahanap mo, nakaayos (“inayos”) ang mga ito ayon sa “Ang aming top picks”, na nagrerekomenda ng Mga Attraction sa sumusunod na paraan:
- Lalabas nang mas mataas sa page ang Attraction service kung maraming tao ang nag-click dito (sa search results) at nag-book nito (sa susunod na page). Gaya ng inaasahan mo, maaaring mas piliin ng mga tao ang mga may pinakamagagandang review, availability, policy, at presyo.
- Kung kaya namin, magpe-personalize rin namin ang mga resulta mo, batay sa:
- Ang search history mo sa aming Platform. Kung naka-sign in ka, at hindi ito ang unang beses mo rito, maaaring baguhin namin ang ranking batay sa mga dating pinili mo.
- Anumang iba pang Booking na mayroon ka. Kung, bilang halimbawa, nananatili ka sa malapit na hotel na na-book mo sa pamamagitan ng Booking.com, maaaring baguhin namin ang ranking batay sa kung saan ka naka-stay, gaano katagal ka naka-stay, at kung sino ang kasama mo.
Marami sa mga factor sa itaas ang nakakatulong sa aming recommendation system na magpasya kung aling Mga Accommodation ang maaaring pinakanakakahikayat at nauugnay sa iyo. Ang ilan ay gumaganap ng maliit na papel sa desisyon na iyon, habang gumaganap ng malaking papel ang iba — at puwedeng magbago ang kahalagahan ng bawat factor, depende sa mga feature ng Accommodation, at sa kung paano mo ginagamit at ng ibang tao ang aming Platform.
Halimbawa, kadalasang may malaking papel sa mga desisyon ang click-through rate at bilang ng Booking ng Accommodation. Iyon ay dahil direktang sumasalamin ang mga ito sa pangkalahatang appeal ng Accommodation, at kung gaano nasiyahan ang mga guest nito sa kung ano ang inaalok nito.
Karaniwang nangangahulugan ang mataas na click-through rate na may magandang unang impression sa aming Platform ang Accommodation (halimbawa: sa pamamagitan ng mga larawan, amenity, o paglalarawan) — at nagpapahiwatig ang maraming Booking na talagang natutugunan nito ang mga kailangan ng maraming tao.
Makakaapekto rin sa aming mga rekomendasyon ang distansya mula sa Accommodation na iyong na-book sa Booking.com (kung mayroon man).
Kung nag-click ka sa anumang Mga Attraction sa nakaraan, makakaapekto rin iyon sa aming mga rekomendasyon, para gawing mas madali para sa iyo na mahanap muli ang mga ito sa aming Platform.
Kung mas gugustuhin mong hindi namin unahin ang Mga Attraction batay sa mga factor na nabanggit sa itaas, maaari mong i-sort ang iyong mga resulta sa ibang paraan, gaya ng:
- Pinakasikat. Lalabas nang mas mataas sa page ang mga Attraction service na na-book nang maraming beses sa nakaraang 30 araw.
- Pinakamababang presyo. Lalabas nang mas mataas sa page ang mga Attraction service na mas mababa ang presyo kaysa sa mga Attraction service na mas mataas ang presyo.
Anumang option sa pag-sort ang piliin mo, mababawasan mo ang mga resulta gamit ang mga filter — tulad ng:
- Category. I-click ang, halimbawa, “Mga Tour” o “Mga Museum” kung gusto mo lang makakita ng mga tour at museum — at wala ng iba.
- Presyo. I-click ang isa o higit pang range ng presyo kung gusto mo lang makakita ng mga Attraction service na kasya sa budget.
- Libreng cancellation. I-click ito kung gusto mo lang makakita ng mga Attraction service na puwede mong i-cancel nang libre.
- Lungsod. I-click ang pangalan ng lungsod kung gusto mo lang makakita ang mga Attraction service na nasa lungsod na iyon.
Mga personal na rekomendasyon
Gumagawa ang ilan sa aming mga recommendation system ng mga personal na rekomendasyon, batay sa kung paano ka nakipag-ugnayan sa mga Booking.com system tulad ng “Ang aming top picks” sa mga resulta ng paghahanap. Kung nakabase ka sa European Economic Area, puwede mong baguhin ang iyong mga setting para hindi ka mabigyan ng aming mga recommendation system ng mga personal na rekomendasyon.
- Aming desktop o mobile website: i-click ang “I-manage ang mga personalized na rekomendasyon” sa footer
- Aming app: i-tap ang “I-manage ang mga personalized na rekomendasyon” sa banner.
Kahit na gawin mo iyon, maaari pa rin kaming mag-retain ng ilang impormasyon tungkol sa iyo para mabigyan ka namin ng mas maginhawang experience. Maaaring impormasyon ito na iyong ibinigay (halimbawa: iyong phone number o email address), o ang aming nakalap batay sa kung paano ka nakikipag-ugnayan sa aming Platform.
Maga-apply ang iyong preference (tungkol sa mga personal na rekomendasyon) sa anumang device kung saan ka nag-sign in sa iyong Booking.com account. Kung hindi ka naka-sign in sa iyong account, hindi maga-apply ang iyong preference sa iba pang device: mase-save ito bilang bahagi ng iyong “cookies”, at kapag nag-expire ang cookie na iyon, gayundin ang iyong preference.
2F. Mga review
Kapag nakakuha ka ng maraming review, ira-rank ang mga ito ayon sa “Pinaka-relevant” (nakaayos ayon sa date, kasama ang mga review na may naka-prioritize na mga comment). Para siguraduhing unang lalabas ang mga pinakanakakatulong na review, puwedeng maging mas (o mas kaunti) mahalaga ang bawat factor — depende sa kung paano nagbabago ang aming Platform sa paglipas ng panahon, halimbawa.
Kung gugustuhin mong huwag naming ayusin ang mga review sa aming default na paraan, puwede mong i-sort ang mga ito batay sa iba pang mga factor, gaya ng:
- Unahin ang pinakabago
- Unahin ang pinakaluma
Dapat sumunod ang lahat ng review sa aming Mga Pamantayan at Guideline ng Content.
2G. Mga Presyo
Ang mga rate na ipinapakita sa aming Platform ay na-set ng mga Service Provider at/o Third-Party Aggregator — pero maaaring i-finance namin ang mga reward o iba pang benefit mula sa sarili naming bulsa.
Kapag gumawa ka ng Booking, sumasang-ayon kang bayaran ang halaga ng Travel Experience mismo at anumang ibang charge na maaaring mag-apply (halimbawa: para sa anumang extra, insurance, o tax). Sinasabi sa ‘yo ng price description kung kasama o hindi ang anumang tax at charge. Makakahanap ka ng iba pang impormasyon tungkol sa presyo habang nagbu-book ka.
Nagbibigay ang aming Platform ng description ng anumang equipment na inaalok ng mga Service Provider (batay sa kung ano ang sinabi nila sa amin). Sinasabi rin nito sa ‘yo kung magkano ang gastos para sa mga ito.
Ang currency conversion ay para sa pagbibigay ng impormasyon lang; maaaring iba ang mga actual rate.
2H. Payments
Kapag gumawa ka ng Booking sa aming Platform, aasikasuhin ng Booking.com ang payment mo. Para sa mga detalye, tingnan ang “Payment” (A7) sa aming Terms ng Service.
2I. Tulong at abiso — kung may mangyaring hindi inaasahan
Kung mayroon kang anumang tanong, o may hindi mangyari ayon sa plano, makipag-ugnayan lang sa amin. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-access sa iyong Booking, o sa pamamagitan ng aming app, o sa pamamagitan ng aming Help Center (kung saan mahahanap mo rin ang ilang kapaki-pakinabang na FAQs).
Matutulungan mo kaming matulungan ka sa lalong madaling panahon — sa pamamagitan ng pagbigay ng:
- Booking confirmation number mo, PIN mo, contact details mo, at ang email address na ginamit mo noong ginawa mo ang iyong Booking
- summary ng issue, kabilang ang kung paano mo nais na tulungan ka namin
- anumang supporting document (bank statement, photos, mga resibo, at iba pa).
Anuman ang issue, gagawin namin ang aming makakaya para matulungan ka.
Para sa iba pang impormasyon, tingnan ang “Paano kung magkaproblema?” (A15) at “Naaangkop na batas at forum” (A19) sa aming Terms ng Service.
3. Car rentals
3A. Mga kahulugan at Kung sino kami
Ang ilang salitang makikita mo ay may mga napakapartikular na kahulugan, kaya tingnan ang “dictionary ng Booking.com” sa aming Terms ng Service.
Kapag nag-book ka ng Car Rental, nagbibigay at responsable ang Booking.com Transport Limited para sa Platform — pero hindi para sa Travel Experience mismo (tingnan ang 3B sa ibaba). Ang Booking.com Transport Limited ay company na naka-register sa England at Wales (company number: 05179829, registered office: 6 Goods Yard Street, Manchester, M3 3BG, United Kingdom).
3B. Paano gumagana ang service namin?
Ginagawa naming madali para sa ‘yo na magkumpara ng mga Booking mula sa maraming iba't ibang car rental company. Ang impormasyon sa aming Platform ay batay sa kung ano ang sinasabi sa amin ng mga Service Provider. Ginagawa namin ang lahat ng makakaya namin para panatilihing updated ang mga bagay sa lahat ng oras.
Sinasabi sa ‘yo ng aming Platform kung gaano karaming Rental ang puwede mong i-book sa amin sa buong mundo — at ipinapakita ng aming search results page kung gaano karami sa mga ito ang maaaring tama para sa ‘yo, batay sa kung anong sinabi mo sa amin.
Kapag nag-book ka ng sasakyan mo, pumapasok ka sa kontrata kasama namin: sumasang-ayon kaming asikasuhin at i-manage* ang Booking mo.
Kapag pumirma ka ng iyong Rental Agreement sa counter, pumapasok ka sa isang kontrata kasama ng rental company: sumasang-ayon silang ibigay ang sasakyan. Sa puntong ito, nakita at tinanggap mo na ang lahat ng mahalagang terms (habang binu-book mo ang sasakyan).
*Narito kami para subukang tulungan ka kung kailangan mong baguhin o i-cancel ang Booking mo, o kung may anumang tanong ka — bago, sa panahon ng, o pagkatapos ng iyong Car Rental.
3C. Sino ang mga katrabaho namin?
Pinagkakatiwalaang partner ang bawat rental company sa aming Platform, na pumasa sa lahat ng aming test bago kami nagsimulang magtrabaho kasama nila. Ang mga Service Provider lang na may contractual relationship sa amin ang ipapakita sa aming Platform. Gayunpaman, maaaring nag-aalok din sila ng mga Travel Experience sa labas ng aming Platform (kaya maaaring hindi nila inaalok ang lahat sa aming Platform).
May specialist team pa nga kami na bumibisita sa mga rental company bago sila lumabas sa aming Platform.
Professional trader ang lahat ng Service Provider sa aming Platform.
3D. Paano kami kumikita ng pera?
Kumikita kami ng pera kapag nahanap namin ang Car Rental na para sa iyo. May dalawang paraan kung paano namin ginagawa ito:
- sumasang-ayon kami sa commission mula sa rental company para sa aming services; o
- sumasang-ayon kami sa net rate mula sa rental company at ia-apply ang sarili naming markup.
Sa alinmang paraan, nilalayon naming mag-alok sa aming mga customer ng maraming pagpipilian sa competitive na mga presyo. Dagdag dito, libre ang aming Platform para magamit mo.
3E. Ang aming mga recommendation system
Paano ginagamit ng Booking.com ang mga recommendation system
Gumagamit kami ng mga recommendation system para piliin at/o i-rank ang impormasyon sa aming Platform para matulungan kang tumuklas ng Mga Travel Experience na sa tingin namin ay magugustuhan mo. Halimbawa, kapag binisita mo ang aming landing page na “Mga car rental”, makakakita ka ng ilang recommendation system, kabilang ang:
- Mga sikat na car rental brand. Mga car rental company na may pinakamaraming Booking.
Isa ring recommendation system ang aming mga resulta ng paghahanap. Sa katunayan, ito ang recommendation system na pinakamadalas na ginagamit ng aming mga customer, kaya tingnan ang “Ang aming default ranking at mga option” sa pag-sort sa ibaba.
Nagbibigay ang lahat ng recommendation system na ginagamit namin ng mga rekomendasyong batay sa isa o higit pa sa sumusunod na factor:
- Kung ano ang sinasabi mo sa amin sa form ng paghahanap: lokasyon, dates, at iba pa.
- Anumang impormasyon na aming nakalap batay sa kung paano ka nakikipag-ugnayan sa aming Platform: ang iyong mga nakaraang paghahanap sa aming Platform, saang bansa ka naroroon habang nagba-browse, at iba pa.
- Ang performance ng iba't ibang Service Provider.
Para gawing mas madali hangga't maaari para sa iyo na maghanap at mag-book ng sasakyan, ang bawat factor ay puwedeng maging mas (o mas kaunti) mahalaga sa iba't ibang kaso, depende sa kung ano ang sa tingin namin ang napalaki ng posibilidad na makagawa ng listahan ng mga sasakyan na maaaring gusto mong i-book.
Ang aming mga default na option sa ranking at sorting
Ipinapakita ng aming search results ang lahat ng car rental Booking na tumutugma sa hinahanap mo.
Sa unang beses na matanggap mo ang mga resulta ng paghahanap mo, nakaayos (“inayos”) ang mga ito ayon sa “Inirerekomenda”:
- Nirerekomendang (default na ranking). Alam namin kung ano ang talagang mahalaga sa isang taong nagre-rent ng sasakyan. Kaya, sa itaas ng aming search results, makikita mo ang mga sasakyang sa tingin namin ay magugustuhan mo, batay sa algorithm na palaging nagbabago na sinusukat ang lahat ng uri ng factor (presyo, mga rating, laki, kita, specs ng sasakyan, at iba pa).
Nagbabago sa lahat ng oras ang magkaugnay na kahalagahan ng bawat factor, para siguraduhing nagrerekomenda kami ng mga pinakabagay na sasakyan.
Marami sa mga factor sa itaas ang nakakatulong sa aming recommendation system na magpasya kung aling mga sasakyan ang maaaring pinakanakakahikayat at nauugnay sa iyo. Ang ilan ay gumaganap ng maliit na papel sa desisyon na iyon, habang gumaganap ng malaking papel ang iba — at puwedeng magbago ang kahalagahan ng bawat factor, depende sa mga feature ng bawat sasakyan, at sa kung paano mo ginagamit at ng ibang mga tao ang aming Platform.
Halimbawa, kadalasang may malaking papel sa mga desisyon ang click-through rate at bilang ng mga booking ng sasakyan. Iyon ay dahil direktang sumasalamin ang mga ito sa pangkalahatang appeal ng sasakyan, at kung gaano nasiyahan ang aming mga customer kapag nakakuha sila ng higit pang detalye tungkol dito.
Karaniwang nangangahulugan ang mataas na click-through rate na may magandang unang impression sa aming Platform ang sasakyan (halimbawa: sa pamamagitan ng presyo, lokasyon ng pick-up, o car rental company), at nagpapahiwatig ang maraming booking na talagang natutugunan nito ang mga kinakailangan ng maraming tao.
Pero gumaganap din ng papel ang iba pang factor. Halimbawa, maaari kaming magbigay ng preference sa mga sasakyan mula sa car rental company na bahagi ng aming Genius program — o mag-alok ng iba-iba at madaling gamitin na mga policy sa pagbayad. Kung sa bagay, iminumungkahi ng mga factor na ito na nauunawaan ng mga car rental company na ito kung gaano kahalaga ang service at kaginhawaan para sa aming mga customer.
Kung mas gugustuhin mong hindi namin unahin ang mga sasakyan batay sa mga factor na nabanggit sa itaas, maaari mong i-sort ang iyong mga resulta sa ibang paraan, gaya ng:
- Presyo (unahin ang pinakamababa). Ipinapakita ang mga resulta ayon sa pagkakasunod-sunod ng presyo nang nauuna ang pinakamurang option...maganda at simple.
- Rating. Ito ang factor na talagang kinokontrol ng aming mga customer: naka-rank ang mga sasakyan batay sa kanilang customer rating, nang nauuna ang pinakamataas. Diretsong nanggaling ang ratings na iyon mula sa “welcome home survey” na ipinapadala namin sa lahat pagkatapos ng kanilang rental, na humihiling sa kanilang bigyan ang kanilang car rental company ng mga marka na 10 ang pinakamataas, sa mga pinakamahalagang aspeto (matulunging staff, kondisyon ng sasakyan, pagkasulit, at iba pa).
Kung piliin mo ang “Presyo (unahin ang pinakamababa)” o “Rating”, maiimpluwensiyahan pa rin ng mga factor ang mga bagay na inilarawan sa “Inirerekomenda”. Halimbawa, maaaring maging pangalawang “tiebreaker” ang mga factor na iyon ng dalawa o higit pang sasakyan na lalabas sa parehong spot kung wala ito. Gayunpaman, pangpangalawa lang ang mga factor na “Inirerekomenda” — dahil ginagamit lang ang mga ito kung saan kailangan nating magpasya kung alin sa dalawang sasakyan ang uunahin.
Anumang option sa pag-sort ang piliin mo, magagamit mo ang mga filter para mabawasan ang mga resulta mo.
3F. Mga review
Pagkatapos ng Rental mo, hihilingin sa iyong mag-iwan ng review, na maaaring:
- i-upload sa aming Platform para matulungan ang ibang customer na gumawa ng tamang desisyon para sa kanila*
- gamitin para sa mga layunin ng marketing (sa aming Platform, sa social media, sa mga newsletter, atbp.)*
- ibahagi sa iyong rental company para matulungan sila (at kami) na makapagbigay ng mas maayos pang service**.
Pina-publish namin ang bawat consumer review na matatanggap namin, positibo o negatibo man, maliban kung nilalabag nito ang aming Mga Pamantayan at Guideline ng Content.
Kapag may maraming review, ipapakita namin ang mga pinakabago sa itaas. Mangyaring tandaan na sa aming app, ipinapakita lang namin ang mga score at hindi ang mga comment.
* Hindi namin gagamitin ang buong pangalan mo o address.
** Para tulungang mapabuti ang rental company, kakailanganin naming sabihin sa kanila kung tungkol sa aling Rental ang review.
3G. Mga Presyo
Ang mga rate na ipinapakita sa aming Platform ay na-set namin o ng mga Service Provider — pero maaaring i-finance namin ang mga reward o iba pang benefit mula sa sarili naming bulsa.
Kapag gumawa ka ng Booking, sumasang-ayon kang bayaran ang halaga ng Travel Experience mismo at anumang ibang charge na maaaring mag-apply (halimbawa: para sa anumang extra, insurance, o tax). Maaaring mag-iba ang taxes at fees para sa iba't ibang dahilan, tulad ng lokasyon ng Service Provider, lokasyon ng pick-up, o kung ano ang pinaplano mong gawin sa iyong Rental. Sinasabi sa ‘yo ng price description kung ano ang mga tax (kung mayroon man) na kasama. Makakahanap ka ng iba pang impormasyon tungkol sa presyo habang nagbu-book ka.
Nagbibigay ang aming Platform ng description ng anumang equipment na inaalok ng mga Service Provider (batay sa kung ano ang sinabi nila sa amin). Sinasabi rin nito sa ‘yo kung magkano ang gastos para sa mga ito.
Ang currency conversion ay para sa pagbibigay ng impormasyon lang; maaaring iba ang mga actual rate.
3H. Payments
Kapag nag-book ka ng Rental sa aming Platform, aasikasuhin ng Booking.com ang payment mo. Para sa mga detalye, tingnan ang “Payment” (A7) sa aming Terms ng Service.
3I. Tulong at abiso — kung may mangyaring hindi inaasahan
Kung mayroon kang anumang tanong, o may hindi mangyari ayon sa plano, Makipag-ugnayan lang sa amin. Kung tungkol ito sa isang bagay na nangyari sa panahon ng Rental mo, matutulungan ka namin nang mas mabilis kung ibigay mo ang:
- Booking reference number mo, at ang email address na ginamit mo noong nag-book ka ng sasakyan mo
- summary ng issue, kabilang ang kung paano mo nais na tulungan ka namin
- mga detalye ng anumang na-charge sa ‘yo
- anumang supporting document (bank statement, rental agreement, final invoice, damage documentation, photos, boarding pass, mga resibo, at iba pa).
Kung gagawin mo iyon, makikipag-ugnayan sa ‘yo ang isa sa aming agent sa lalong madaling panahon. Maaaring kailanganin ka nilang tanungin ng iba pang detalye.
Anuman ang issue, gagawin namin ang aming makakaya para matulungan ka.
Para sa iba pang impormasyon, tingnan ang “Paano kung magkaproblema?” (A15) at “Naaangkop na batas at forum” (A19) sa aming Terms ng Service.
4. Mga flight
4A. Mga kahulugan at Kung sino kami
Ang ilang salitang makikita mo ay may mga napakapartikular na kahulugan, kaya tingnan ang “dictionary ng Booking.com” sa aming Terms ng Service.
Kapag nag-book ka ng Flight, nagbibigay at responsable ang Booking.com B.V. para sa Platform — pero hindi para sa Travel Experience mismo (tingnan ang 4B sa ibaba). Ang Booking.com B.V. ay company na kasama sa ilalim ng mga batas ng Netherlands (registered address: Oosterdokskade 163, 1011 DL, Amsterdam, The Netherlands; Chamber of Commerce number: 31047344; VAT number: NL805734958B01).
4B. Paano gumagana ang service namin?
Nagbibigay kami ng lugar para maghanap at mag-book ka ng mga Flight.
Kapag gumawa ka ng Booking sa aming Platform, pumapasok ka sa kontrata kasama ng Service Provider at ng Third-Party Aggregator.
Ang impormasyon sa aming Platform ay batay sa kung ano ang sinasabi sa amin ng mga Service Provider at/o Third-Party Aggregator. Ginagawa namin ang lahat ng makakaya namin para panatilihing updated ang mga bagay sa lahat ng oras.
4C. Sino ang mga katrabaho namin?
May contractual relationships kami sa iba't ibang Third-Party Aggregator, na kumikilos bilang mga intermediary sa mga Service Provider. Ang mga Service Provider lang na may direktang ugnayan sa kanila ang ipapakita sa aming Platform.
Maaaring parehong nag-aalok din ang Service Providers at Third-Party Aggregator ng mga Travel Experience sa labas ng aming Platform (kaya maaaring hindi nila inaalok ang lahat sa aming Platform).
Sinasabi sa ‘yo ng aming Platform kung gaano karaming Flight ang puwede mong i-book sa amin sa buong mundo — at ipinapakita ng aming search results page kung gaano karami sa mga ito ang maaaring tama para sa ‘yo, batay sa kung anong sinabi mo sa amin.
4D. Paano kami kumikita ng pera?
Hindi kami bumibili o nagbebenta (muli) ng anumang produkto o service. Kapag nag-book ang mga tao ng Flights sa aming Platform, babayaran kami ng Third-Party Aggregator ng commission.
4E. Ang aming mga recommendation system
Paano ginagamit ng Booking.com ang mga recommendation system
Gumagamit kami ng mga recommendation system para piliin at/o i-rank ang available na impormasyon sa aming Platform para matulungan kang tumuklas ng mga destinasyon na sa tingin namin ay magugustuhan mo. Halimbawa, kapag binisita mo ang aming landing page na “Mga Flight”, makakakita ka ng ilang recommendation system, kabilang ang:
- Mga trending na lungsod. Mga destinasyong maaaring gusto mong puntahan, batay sa country na kinaroroonan mo habang nagba-browse.
Nakabatay ang mga recommendation system na ginagamit namin sa isa o higit pa sa mga pangunahing factor sa ibaba:
- Impormasyong sinasabi mo sa amin sa form ng paghahanap: ang destinasyong gusto mong puntahan, kung kailan mo gustong mag-travel, at iba pa.
- Anumang impormasyong nakalap namin batay sa kung paano ka nakikipag-ugnayan sa Booking.com Platform, halimbawa, ang iyong search history o ang bansang kinaroroonan mo habang nagba-browse.
Para gawing mas madali hangga't maaari para sa iyo na maghanap at mag-book ng Flight, ang bawat factor ay puwedeng maging mas (o mas kaunti) mahalaga sa iba't ibang kaso, depende sa kung ano ang sa tingin namin ang napalaki ng posibilidad na makagawa ng listahan ng Mga Flight na maaaring gusto mong i-book.
Isa ring recommendation system ang aming mga resulta ng paghahanap. Sa katunayan, ito ang recommendation system na pinakamadalas na ginagamit ng aming mga customer, kaya tingnan ang “Ang aming default ranking at mga option” sa pag-sort sa ibaba.
Ang aming mga default na option sa ranking at sorting
Ipinapakita ng aming search results ang lahat ng Flight na tumutugma sa hinahanap mo.
Sa unang beses na matanggap mo ang mga resulta ng paghahanap mo, nakaayos (“inayos”) ang mga ito ayon sa “Best”:
- Best (default na ranking). Para lumabas nang mataas sa page, kailangang maganda ang resulta ng Flight sa bawat isa sa mga area na ito: presyo, oras ng biyahe, bilang ng stop, at allowance sa bagahe.
Marami sa mga factor sa itaas ang nakakatulong sa aming recommendation system na magpasya kung aling Flight ang maaaring pinakanakakahikayat at nauugnay sa iyo. Ang ilan ay gumaganap ng maliit na papel sa desisyon na iyon, habang gumaganap ng malaking papel ang iba — at puwedeng magbago ang kahalagahan ng bawat factor, depende sa mga feature ng Flight, at sa kung paano mo ginagamit at ng ibang mga tao ang aming Platform.
Halimbawa, maaari kaming magbigay nang higit na kahalagahan sa kabuuang oras ng pag-travel (kaysa sa ginagawa namin sa bilang ng stop) kung nakikita naming mas nakakatugon ito sa aming mga traveler.
Kung gusto mo, puwede mong ayusin ang mga resulta mo sa ibang paraan:
- Pinakamura. Lalabas nang mas mataas ang mga Flight na may mas mabababang presyo.
- Pinakamabilis. Lalabas nang mas mataas ang mga Flight na may mas maiikling oras ng biyahe.
Kung piliin mo ang “Pinakamura” o “Pinakamabilis”, maiimpluwensiyahan pa rin ng mga factor na inilarawan sa “Best” ang mga resulta. Halimbawa, maaaring maging "tiebreaker" ang mga factor na iyon ng dalawa o higit pang Flight na lalabas sa parehong spot kung wala ito.
Anumang option sa pag-sort ang piliin mo, mababawasan mo ang mga resulta gamit ang mga filter — tulad ng:
- Mga stop. Mag-click ng option para sabihin sa amin kung titingnan mo ang mga flight na may isang stop (o maraming stop).
- Tagal. Gamitin ang slider para sabihin sa amin ang iyong maximum na travel time.
- Mga airline. I-click ang isa o higit pang pangalan para sabihin sa amin kung mula sa aling (mga) airline gusto mong piliin ang Flight mo.
4F. Mga Presyo
Ang mga rate na ipinapakita sa aming Platform ay na-set ng mga Service Provider at/o Third-Party Aggregator — pero maaaring i-finance namin ang mga reward o iba pang benefit mula sa sarili naming bulsa.
Kapag gumawa ka ng Booking, sumasang-ayon kang bayaran ang halaga ng Travel Experience mismo at anumang ibang charge na maaaring mag-apply (halimbawa: para sa anumang extra, insurance, o tax). Sinasabi sa ‘yo ng price description kung kasama o hindi ang anumang fee at charge. Makakahanap ka ng iba pang impormasyon tungkol sa presyo habang nagbu-book ka.
Nagbibigay ang aming Platform ng description ng anumang equipment na inaalok ng mga Service Provider (batay sa kung ano ang sinabi nila sa amin). Sinasabi rin nito sa ‘yo kung magkano ang gastos para sa mga ito.
Ang currency conversion ay para sa pagbibigay ng impormasyon lang; maaaring iba ang mga actual rate.
4G. Payments
Kapag gumawa ka ng Booking sa aming Platform, maaaring asikasuhin namin o ng Third-Party Aggregator ang payment mo. Para sa mga detalye, tingnan ang “Payment” (A7) sa aming Terms ng Service.
4H. Tulong at abiso — kung may mangyaring hindi inaasahan
Kapag gumawa ka na ng Booking, makipag-ugnayan lang sa amin kung mayroon kang anumang tanong o may hindi mangyari ayon sa plano. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-access sa iyong Booking, o sa pamamagitan ng aming app, o sa pamamagitan ng aming Help Center (kung saan mahahanap mo rin ang ilang kapaki-pakinabang na FAQs).
Matutulungan mo kaming matulungan ka sa lalong madaling panahon — sa pamamagitan ng pagbigay ng:
- iyong Customer Reference number, Booking.com PIN, contact details, at email address na ginamit mo noong ginawa mo ang iyong Booking
- summary ng issue, kabilang ang kung paano mo nais na tulungan ka namin
- anumang supporting document (bank statement, photos, mga resibo, at iba pa).
Anuman ang issue, gagawin namin ang aming makakaya para matulungan ka.
Para sa iba pang impormasyon, tingnan ang “Paano kung magkaproblema?” (A15) at “Naaangkop na batas at forum” (A19) sa aming Terms ng Service.
5. Private at Public Transportation
5A. Mga kahulugan at Kung sino kami
Ang ilang salitang makikita mo ay may mga napakapartikular na kahulugan, kaya tingnan ang “dictionary ng Booking.com” sa aming Terms ng Service.
Kapag nag-book ka ng transportation service, nagbibigay at responsable ang Booking.com Transport Limited para sa Platform — pero hindi para sa Travel Experience mismo (tingnan ang 5B sa ibaba). Ang Booking.com Transport Limited ay company na naka-register sa England at Wales (company number: 05179829, registered office: 6 Goods Yard Street, Manchester, M3 3BG, United Kingdom).
5B. Paano gumagana ang service namin?
Ginagawa naming madali para sa ‘yo na magkumpara ng mga Booking mula sa mga public at private na ground transportation provider. Kapag naghanap ka, ifi-filter namin ang mga resulta para makita mo lang ang mga pinakabagay na sasakyan sa bawat category, batay sa kung anong sinabi mo sa amin.
Mga independent na kumpanya ang Mga Service Provider: hindi namin sila pag-aari, at hindi namin kinokontrol ang mga service na binu-book mo sa aming Platform. Ang impormasyon sa aming Platform ay batay sa kung ano ang sinasabi sa amin ng mga Service Provider. Ginagawa namin ang lahat ng makakaya namin para panatilihing updated ang mga bagay sa lahat ng oras.
Narito kami para magbigay ng tulong o suporta: bago, sa panahon ng o pagkatapos ng iyong trip. Tingnan sa ibaba ang “Tulong at abiso — kung may mangyaring hindi inaasahan” (5I).
5C. Sino ang mga katrabaho namin?
Ang mga Service Provider lang na may contractual relationship sa amin ang ipapakita sa aming Platform. Gayunpaman, maaaring nag-aalok din sila ng mga Travel Experience sa labas ng aming Platform (kaya maaaring hindi nila inaalok ang lahat sa aming Platform).
Professional trader ang lahat ng Service Provider sa aming Platform. Nagsasagawa kami ng mga regular na pagsusuri para siguraduhing patuloy silang nakakatugon sa mga kinakailangang pamantayan.
5D. Paano kami kumikita ng pera?
Hindi kami bumibili o nagbebenta (muli) ng anumang produkto o service — kapag gumawa ka ng Booking, nakikipagkasundo kami ng commission sa transport providers para sa aming mga service.
At hindi kami nagcha-charge ng anumang booking fee.
5E. Ang aming mga recommendation system
Paano ginagamit ng Booking.com ang mga recommendation system
Gumagamit kami ng mga recommendation system para piliin at/o i-rank ang impormasyon sa aming Platform para matulungan kang tumuklas ng mga transportation service na sa tingin namin ay magugustuhan mo.
Nakabatay ang mga recommendation system na ginagamit namin sa isa o nitong dalawang pangunahing factor sa ibaba:
- Kung ano ang sinasabi mo sa amin sa form ng paghahanap: destinasyon, dates, at iba pa.
- Ang performance ng iba't ibang transportation provider.
Nagbabago sa lahat ng oras ang magkaugnay na kahalagahan ng bawat factor.
Kapag naghanap ka sa aming Platform, ipinapakita namin ang mga pinakabagay na option sa itaas ng page. Ibig sabihin:
- Private Transportation. Nakabatay ang ranking sa presyo at kung ano ang pinakabagay para sa laki ng grupo ninyo — pati na rin availability (sa lokasyong iyon, sa oras na kailangan mo ito).
- Mga train at bus. Ipinapakita namin sa ‘yo ang pinakamagandang resulta para sa biyahe na gusto mong gawin, sa oras na gusto mong gawin ito.
5F. Mga review
Pagkatapos ng Biyahe mo, hihilingin sa iyong mag-iwan ng review, na maaaring:
- i-upload sa aming Platform para matulungan ang ibang customer na gumawa ng tamang desisyon para sa kanila*
- gamitin para sa mga layunin ng marketing (sa aming Platform, sa social media, sa mga newsletter, atbp.)*
- ibahagi sa iyong Service Provider para matulungan sila (at kami) na makapagbigay ng mas maayos pang service**.
Hindi kami nagpa-publish ng mga review na lumalabag sa aming Mga Pamantayan at Guideline ng Content.
* Hindi namin gagamitin ang buong pangalan mo o address.
** Para matulungan ang Service Provider na bumuti, kakailanganin naming sabihin sa kanila kung tungkol sa aling Biyahe ang review.
5G. Mga Presyo
Ang presyo ng bawat Booking sa Platform namin ay binubuo ng (a) ang base rate na na-set ng Service Provider at (b) ang commission namin, na pinagkasunduan namin kasama ng Service Provider. Maaaring i-finance rin namin ang mga reward o iba pang benefit mula sa sarili naming bulsa.
Kapag gumawa ka ng Booking, sumasang-ayon kang bayaran ang halaga ng Travel Experience mismo at anumang iba pang charge na maaaring mag-apply (halimbawa: para sa anumang toll o waiting fee). Maaaring mag-iba ang taxes at fees para sa iba't ibang dahilan, tulad ng lokasyon ng Service Provider. Kasama sa lahat ng presyo ang anumang tax at charge na naga-apply. Makakahanap ka ng iba pang impormasyon tungkol sa presyo habang nagbu-book ka.
Ang currency conversion ay para sa pagbibigay ng impormasyon lang; maaaring iba ang mga actual rate.
5H. Payments
Kapag nag-book ka ng bus, train, o Private Transportation sa aming Platform, aasikasuhin ng Booking.com ang payment mo. Para sa mga detalye, tingnan ang “Payment” (A7) sa aming Terms ng Service.
5I. Tulong at abiso — kung may mangyaring hindi inaasahan
Anuman ang issue, gagawin namin ang aming makakaya para matulungan ka.
Kaya kung mayroon kang anumang tanong, o may hindi mangyari ayon sa plano, Makipag-ugnayan sa amin. Kung tungkol ito sa isang bagay na nangyari sa Biyahe mo, pakibigay ang iyong Booking reference number, at contact details mo. Isinasaayos namin ang karamihan ng mga issue sa loob ng 14 araw — at matutulungan mo kaming pabilisin ang mga bagay sa pamamagitan ng pagbigay ng anumang may kaugnayang dokumento o ibang impormasyon sa unang beses na makipag-ugnayan ka.
Para sa iba pang impormasyon, tingnan ang “Paano kung magkaproblema?” (A15) at “Naaangkop na batas at forum” (A19) sa aming Terms ng Service.