Pumunta na sa main content

Narito kami para tumulong

Mga travel restriction at advisory ng gobyerno

I-check ang travel restrictions bago mag-book at mag-travel sa isang accommodation. Puwede lang payagan ang pag-travel sa ilang kadahilanan pero hindi pinapayagan ang tourist travel. Para matulungan ka, naglagay kami ng mga pampublikong available na link sa mga website ng gobyerno sa buong mundo. Tandaan na hindi lahat ng bansa ay makikita sa ibaba. Kung may bansang hindi kasama sa overview na ito, hindi ibig sabihin na walang travel restriction na ipinapatupad dito, at inirerekomenda naming maghanap ka ng impormasyon tungkol sa anumang bansa na pinaplano mong puntahan. Wala kaming pananagutan sa nilalaman ng mga public (government) website na makikita sa ibaba. Patuloy na nagbabago ang mga ginagawang aksyon ng gobyerno, kaya i-check itong palagi para sa mga update at magbatay sa iyong pambansa at lokal na gobyerno para sa pinakabagong impormasyon.

Mga booking condition

Para sa mga booking na ginawa sa o pagkatapos ng Abril 6, 2020, pinapayuhan ka naming tingnan ang panganib na dulot ng Coronavirus (COVID-19) at nauugnay na mga hakbang ng gobyerno. Kung hindi ka mag-book ng flexible rate, maaaring hindi ka makakuha ng refund. Accommodation ang bahala sa iyong cancellation request batay sa napili mong policy at mandatory consumer law, kung saan naaangkop. Sa panahon ng walang kasiguraduhan, inirerekomenda naming mag-book ng option na may libreng cancellation. Kung magbago ang mga plano mo, puwede kang mag-cancel nang libre hanggang sa mag-expire ang libreng cancellation.

Accommodation ng Booking.com

Paano ako makakakuha ng tulong para sa isang existing na reservation sa Booking.com?

Naiintindihan namin na dahil sa Coronavirus (COVID-19) at epekto nito sa kalusugan, maaaring gustuhin mong baguhin ang iyong mga plano. Para sa karagdagang suporta, mag-sign in gamit ang iyong Booking.com account at bisitahin ang aming Customer Service Help Center.

Paano ako magka-cancel ng booking ko sa sitwasyong ito?

Para makakuha ng kumpletong suporta, mag-sign in gamit ang Booking.com account mo. Kung wala kang account, puwede mong gamitin ang iyong booking confirmation number at PIN code para mag-sign in sa desktop computer o laptop.

  • Kung hindi na libre ang pag-cancel ng booking mo o hindi refundable, maaaring may bayarang cancellation fee. Puwede ring piliin ng mga accommodation na palitan ang dates mo nang walang bayad, kaya makakabuting kontakin ang property para malaman kung posible ito.
  • Kung apektado ang reservation mo ng mga pangyayaring may kaugnayan sa Coronavirus (COVID-19) katulad ng mga pagsasara ng border o limitadong pag-travel na ipinapatupad ng mga otoridad, pero hindi na libre ang pag-cancel nito o hindi refundable, mag-sign in para i-check ang options para ma-manage ang reservation.

Ano ang cancellation policy kaugnay ng Coronavirus (COVID-19)?

Maaari kang mag-cancel dahil sa mga pangyayaring may kinalaman sa Coronavirus (COVID-19). Pero dedepende ito sa ilang factor, kasama na ang iyong destinasyon, date na ginawa mo ang booking, date ng pag-alis, date na dumating ka sa accommodation, bansang pinanggalingan, at dahilan ng pag-travel.

  • Kung pasok ang cancellation mo sa category na ito, obligado ang accommodation na magbigay ng refund, mag-alok ng libreng pagpalit ng date, magbigay credit para sa susunod na stay.
  • Mag-sign in at piliin ang booking para makita ang options mo.

Bakit walang epekto ang Coronavirus sa general policy para sa Booking.com?

Nakadepende ang cancellation dahil sa Coronavirus sa ilang factor, kasama na ang lugar na pupuntahan mo, bansang pinanggalingan, arrival date, at dahilan ng pag-travel.

Na-set ng accommodation na na-book mo ang individual reservation policies. Dahil dito, hindi nararapat na magsagawa ng universal na pagbabago sa aming policy.

Puwede ko bang ilipat ang booking ko sa ibang date?

Nakadepende ang paglipat ng booking mo sa ibang date sa policies ng reservation. Mag-sign in gamit ang iyong Booking.com account o confirmation number at PIN, piliin ang booking na gustong baguhin, at tingnan ang options na available para sa ‘yo.

Puwede mo ring kontakin ang accommodation para mag-request ng pagpalit ng date.

May karagdagan ba akong babayaran kung ililipat ko sa ibang date ang aking reservation?

Kung papalitan mo ang iyong date at may availability ang accommodation, maaaring may pagkakaiba sa presyo (mas mataas o mas mababa). Maaaring dahil ito sa seasonality o pagkaka-iba ng rates sa weekdays kumpara sa weekends.

Kung mas mataas ang rate, kailangan mong bayaran ang pagkakaiba sa pagitan ng original na presyo at sa presyo ng bagong dates mo. Kung mas mababa ito, ipapakita ang pagkakaiba ng presyo sa booking mo.

Paano ko ika-cancel o ipo-postpone ang reservation na ginawa sa pamamagitan ng Agoda?

Kung gumawa ka ng reservation sa aming sister company na Agoda, dapat kang pumunta sa kanilang sariling website at apps para sa payo kung paano gumawa ng anumang changes.

Pumunta sa Agoda para sa karagdagang impormasyon.

Puwede ko bang ibigay sa iba ang reservation ko?

Direktang kontakin ang property kung gusto mong ilipat ang reservation mo sa ibang tao.

May sariling policy ang bawat accommodation pagdating sa ganitong uri ng pagbabago sa reservation at mabibigyan ka nila ng impormasyon tungkol sa policies na ‘yun.

Attractions ng Booking.com

Paano ako makakakuha ng tulong para sa isang existing na reservation sa Booking.com?

Naiintindihan namin na dahil sa Coronavirus (COVID-19) at epekto nito sa kalusugan, maaaring gustuhin mong baguhin ang iyong mga plano. Para sa karagdagang suporta, mag-sign in gamit ang iyong Booking.com account at bisitahin ang aming Customer Service Help Center.

Ano ang kailangan kong gawin sa mga papalapit kong ticket para sa isang attraction?

Bilang unang hakbang, tingnan kung posible pa rin ang pagbisita mo. I-check ang website ng attraction provider at mga local authority para sa impormasyon tungkol sa kasalukuyang mga restriction.

Kung imposible na ang pagbisita mo, puwede mong i-cancel ang iyong attraction booking dito. Para sa anumang tanong, kontakin ang aming customer service team.

Car rental ng Booking.com

Magrerenta ng sasakyan mula sa Booking.com at iniisip kung paano maaaring maapektuhan ng Coronavirus ang booking mo? Narito ang pinakabagong impormasyon sa puwede mong gawin kung gusto mong magrenta ng sasakyan, o kung kailangan mong baguhin o i-cancel ang iyong travel plans.

Para sa updated na impormasyon sa Coronavirus at pinakabagong travel advice, tingnan ang iyong national government website o ang World Health Organization.

Para sa impormasyon sa ginagawa ng mga car rental company para maprotektahan ang customers at staff, tingnan ang aming car rental safety guide.

Naka-book na ng car rental?

Puwede mong baguhin ang iyong booking kahit kailan

Kung nakapag-book ka na, puwede mong palitan ang oras at/o lugar.

  • Maaaring sa susunod ka na pumunta – i-postpone ang rental mo.
  • Puwede kang pumunta sa ibang lugar – pumili ng sasakyan sa ibang destinasyon.

Anuman ang maging desisyon mo, puwede mong baguhin ang iyong booking online, o sa pagkontak sa amin.

Wala kang babayarang anumang admin fees sa pagbabago ng booking mo pero maaaring maapektuhan nito ang presyo ng rental.

Puwede mong i-cancel ang booking mo

Kung ikaw – o ang car rental mo – ay nasa isang lugar na naapektuhan ng travel restrictions, gagawin namin ang lahat para makatulong. Kontakin kami bago magsimula ang car rental mo.

Kung hindi ka direktang apektado ng Coronavirus (COVID-19):

  • Puwede mong i-cancel nang libre ang karamihan ng Booking.com car rental bookings, basta maabisuhan mo kami nang 'di bababa sa 48 oras.
  • Kung nagbayad ka ng deposit, o nag-book ng Dollar/Thrifty car, medyo maiiba ang mga patakaran.

Para sa detalye, tingnan ang iyong rental terms: i-access ang booking mo, ilagay ang iyong email address at car reservation number, pagkatapos ay mag-scroll down at i-click ang "Terms at Conditions" ng rental company. Makikita mo ang cancellation policy sa ilalim ng "Mahalagang Impormasyon."

Para mag-cancel, i-access lang ang booking mo online, o kontakin kami.

Kung nagdadalawang-isip sa travel plans mo, tandaan na puwede mong palitan ang oras o lokasyon ng car rental mo nang libre.

Nag-iisip na mag-book ng sasakyan?

Sa sobrang dami ng Booking.com car rental bookings, puwede kang mag-cancel nang libre hanggang 48 oras bago mo kunin ang sasakyan. Kaya kung pinag-iisipan mong magrenta ng sasakyan, puwede kang mag-book nito ngayon, at baguhin o i-cancel na lang sa ibang panahon.

Bumili ng Full Protection Insurance?

Sa pag-cancel ng iyong rental, automatic na maka-cancel ang iyong Full Protection Insurance kaya makakakuha ka ng refund ng insurance premium na binayaran mo.

  • Kung mag-cancel bago ang simula ng rental mo, mare-refund mo nang buo ang iyong premium.
  • Kung mag-cancel ka pagkatapos ng simula ng rental mo, makakakuha ka ng partial refund (basta nag-cancel ka nang wala pang 14 araw pagkatapos bumili ng insurance). Halimbawa, kung mag-cancel ka sa ika-apat na araw ng iyong walong araw na rental, makukuha mo pabalik ang kalahati ng iyong insurance premium.

Nag-expire o pa-expire na ang driver’s license?

Puwedeng maging mahirap ang pag-renew ng driver’s license habang may Coronavirus (COVID-19), kaya naman sumang-ayon ang iba’t ibang gobyerno na i-extend ang validity ng napakaraming lisensya na pa-expire ng 2020. Kapag kinuha mo ang sasakyan, ia-apply ng counter staff ang sumusunod na patakaran kapag nag-check sila ng lisensya mo.

Kung may driver’s license kang na-issue sa UK o sa anumang EU na bansa maliban sa Italy:

  • Kung nag-expire ang lisensya mo sa pagitan ng Pebrero 1 at Agosto 31, 2020, mananatili itong valid ng pitong buwan pagkaraan ng expiry date nito.

Kung mayroon kang Italian driver’s license:

  • Kung nag-expire ang lisensya mo ng Enero 31, 2020, hindi na ito valid.
  • Kung nag-expire ang lisensya mo ng Hunyo, Hulyo, o Agosto ng 2020, mananatili itong valid ng pitong buwan pa pagkaraan ng expiry date nito.
  • Kung nag-expire/pa-expire ang lisensya mo sa iba pang date sa 2020, mananatili itong valid hanggang Disyembre 31, 2020.

Booking.com airport taxis

Narito ang pinakabagong impormasyon sa pag-book, pagbago, o pag-cancel ng transportation sa amin sa panahon ng Coronavirus (COVID-19).

Kasabay ng pagbabago ng global situation, gusto naming siguraduhin sa 'yo na para sa amin, wala nang mas mahalaga sa kaligtasan at kapakanan ng aming customers.

Kaya naman nakikipagtulungan kami sa aming taxi partners sa buong mundo para suportahan sila sa pagsunod sa pinakabagong government advice sa pagpapanatili ng mga malinis at hygienic na environment para sa customers.

Para sa iyong kaalaman, hinihiling namin sa lahat ng customer na magsuot ng face mask kapag nagta-travel sa amin para sa mga dahilan kaugnay ng kalusugan at kaligtasan. Puwedeng tumanggi ang driver na isakay ka kung wala ka nito.

Gusto kong mag-book ng taxi, pero paano kung magbago ang mga plano ko?

Flexible ang lahat ng aming taxi options, kaya puwede mo itong i-book ngayon at baguhin o i-cancel sa susunod kung maapektuhan ang mga plano mo.

Hindi ako puwedeng mag-taxi dahil sa travel restrictions. Ano ang dapat kong gawin sa booking ko?

Kung hindi ka puwedeng mag-travel dahil sa local guidance o international restrictions, puwede mong baguhin o i-cancel ang taxi booking mo nang hanggang 24 oras bago ang pick-up.

Paano ko mababago ang taxi booking ko?

  • Mag-log in lang sa My booking gamit ang booking reference at email address na ginamit sa pag-book.
  • Puwede kang gumawa ng changes nang hanggang 24 oras bago ang pick-up.

Paano ko maka-cancel ang taxi booking ko?

Kung hindi mo na kailangan ng taxi, madalas na puwedeng mag-cancel nang libre.

  • Mag-log in lang sa My booking o sundan ang "Manage my booking" link sa confirmation email mo.
  • Kung darating ang taxi mo sa loob ng susunod na 24 oras, makipag-ugnayan gamit ang online contact form namin.

Kung i-cancel mo ang taxi nang 'di bababa sa 24 oras bago ang pick-up, makukuha mo ang buong refund sa loob ng 3–5 working days. Ibabalik ito sa original payment method na ginamit mo.

Pagkontak

Kung mayroon ka pang tanong tungkol sa taxi booking, gamitin ang online contact form namin. Available ang aming customer service team 24/7, at karaniwan silang sumasagot sa loob ng dalawang oras.