Tungkol ang Traveller Review Awards 2024 ng Booking.com sa pagdiriwang ng lahat ng ginagawa para maglaan ng napakagandang stay o napakahusay na ride — ang maliit na karagdagang pagsisikap para gawing espesyal ang bawat sandali. Nasasabik kaming ipagdiwang ang napakahusay na hospitality at transportation services ng aming partners sa buong mundo. Sa lahat ng nanalong partner ngayong taon — congrats!
Salamat sa lahat ng Booking.com partner na nagsisikap na gumawa nang higit pa sa inaasahan para sa iyong guests at gawing 'di malilimutan ang kanilang mga experience, at sa customers na naglalaan ng oras para mag-iwan ng review at i-share ang kanilang napakagandang experience.
Paano ibinibigay ang Traveller Review Awards?
Batay sa pool nang higit sa 308 milyong verified customer review sa Booking.com — mayroon nang nanalo para sa ika-12 taon ng Traveller Review Awards.
Nakabatay ang review scores ng Traveller Review Awards 2024 sa average ng lahat ng guest review na na-publish sa aming website at app sa pagitan ng Disyembre 1, 2020 at Nobyembre 30, 2023. Na-calculate namin ang bawat final review score noong Disyembre 1, 2023 na batay sa mga review na natanggap sa nakaraang tatlong taon.
Sino ang puwedeng manalo ng mga award na ito?
Kasama ang lahat ng uri ng accommodation sa Traveller Review Awards 2024, hindi lang mga hotel — mula apartments at holiday homes hanggang cabins at villas. Bukod sa accommodation partners, ipinagdiriwang din namin ang pagsisikap ng car rental providers at airport taxi providers para tulungang makapunta ang customers sa kailangan nilang puntahan.
Ang Traveller Review Awards 2024
Mahigit 308 milyong verified review
1.48 milyong award winner
222 bansa at teritoryo
12 taon ng Traveller Review Awards ng Booking.com
Bakit dapat mag-book sa nanalo ng award?
Tungkol ang Traveller Review Awards sa pagdiriwang ng partners na nagsikap gumawa nang higit pa sa inaasahan para sa guests at gawing 'di malilimutan ang kanilang mga experience. Makukuha ng pinakamahuhusay na accommodation ang pinakamagagandang review. Pinakamatalinong paraan ang pagpili ng award-winning accommodation para masiguradong magiging katangi-tangi ng stay mo.
Congrats sa mga nanalo!
Hindi lang accommodation — makapunta rin doon gamit ang Booking.com
Mayroon kaming mahigit 70 milyong property review at galing ang mga ito sa mga totoo at verified na guest.
Paano ito gumagana?
1
Nagsisimula ito sa isang booking
Nagsisimula ito sa isang booking
Ang tanging paraan para makagawa ng isang review ay ang paggawa ng isang booking. Iyan ang paraan kaya namin nalalaman na ang mga review ay mula sa mga tunay na bisita na naglagi sa property.
2
Sinusundan ng pagbiyahe
Sinusundan ng pagbiyahe
Kapag naglagi ang bisita sa property, sinusuri nila kung gaano katahimik ang kuwarto, gaano kasarap ang pagkain, gaano kabait ang mga staff, at iba pa.
3
At pagkatapos, ang review
At pagkatapos, ang review
Matapos ang kanilang biyahe, sasabihin sa amin ng mga bisita ang kanilang palagay sa property. Tinitingnan namin ang bawat review kung may mga salitang hindi kanais-nais, at sinusuri kung totoong sinulat ito ng bisita bago namin ito ipakita sa Booking.com website.
Kapag nag-book ka sa amin at gusto mong mag-iwan ng review, kailangan mong mag-sign in muna.