Booking.com Business Partner Account Terms of Use
Puwedeng mag-alok ng access sa online user accounts ang Booking.com sa mga business partner nito, kasama na ang Connect (extranet) at ang Affiliate Partner Center (tutukuyin bilang “Booking.com Services”). Ang mga individual na may access sa mga user account na ito, dahil sa kasunduan direkta sa Booking.com o sa ngalan ng business partner ng Booking.com (tutukuyin bilang “Master Agreement”), ay dapat na sumunod sa mga sumusnod na Terms of Use.
Sumasang-ayon ka na hindi mo gagamitin, pati na ang hindi pagpayag na gamitin ng mga third party ang Booking.com Services sa ibang dahilan na hindi napagkasunduan sa Master Agreement, at hindi:
- Magpadala ng unsolicited commercial emails sa mga guest
- Gumawa ng misrepresentation, kabilang na ang pagtatago ng tunay mong identity
- Mag-upload ng mga virus, malware, o iba pang malicious code
- Palitan, i-disable, o dayain ang anumang prosesong inilagay sa mga system ng Booking.com
- Sirain, i-disable, hindi paganahin, o pinsalain ang mga system ng Booking.com
- Ibahin ang anuman sa mga feature na iniaalok ng Booking.com
- Kumopya at gumamit ng Booking.com trademarks maliban na kung pinayagan ng Booking.com
- Ibunyag, ibahagi, o ibentang muli ang anumang login details
- Bigyan ng access ang mga third party sa mga system ng Booking.com para sa commercial o anumang iba pang dahilan nang wala nakasulat na kasunduan mula sa Booking.com
- Gamitin ang Booking.com Services nang labag sa batas, pati na ang mga legal na karapatan ng iba. Kabilang rito ang pag-a-upload ng content na lumalabag sa intellectual property rights ng third party
Anumang pagkawala o paggamit nang hindi tama sa login credentials ay dapat na i-report sa report@booking.com.
Ang hindi pagsunod sa Terms of Use ay maaaring magdulot ng suspension ng access mo sa Booking.com Services. Hawak ng Booking.com ang karapatang gumawa ng mga legal na hakbang, kabilang na ang pag-terminate, nang naaayon sa Master Agreement.
Booking.com