Mag-filter ng lugar, hindi tao. Sa pamamagitan ng aming Travel Proud program, tumutulong kami na maging mas inclusive para sa LGBTQ+ travelers ang pag-travel.
Gusto naming mag-alok ng mga travel experience na mae-enjoy talaga ng lahat. Pero, ipinapakita ng aming research na higit sa kalahati ng LGBTQ+ ang nakaranas ng diskriminasyon habang nagta-travel. Travel Proud ang paraan namin para baguhin iyon. Nagbibigay ang aming libreng Travel Proud training sa mga accommodation provider ng bagong perspective sa mga challenge ng LGBTQ+ travelers. Gusto naming siguraduhing tunay na pagtanggap sa mga stay ang naghihintay sa mga LGBTQ+ sa pinakamaraming lugar hangga’t maaari. Sa ganoong paraan, puwede kang mag-focus sa pag-experience ng travel, sinuman ang mahal mo, o kung paano ka naga-identify.
Hina-highlight namin ang mga Travel Proud accommodation gamit ang Travel Proud badge. Nangangako ang accommodation partners na ito na magbigay ng mas welcoming na hospitality para sa bawat isa, kaya kapag nakita mo ang badge, makakasigurado kang nagbu-book ka sa lugar na kumportable mong maipapakita ang iyong sarili.
Naihatid kasama ng mga expert sa inclusivity sa HospitableMe, nakakatulong ang aming Travel Proud training sa mga property partner para siguraduhin na nagbibigay sila ng pambihirang hospitality sa bawat isa. May nakalaang representative ang Travel Proud accommodation na sinisiguradong nakatuon ang kanilang buong team sa pagbibigay ng inclusive stay para sa mga LGBTQ+ traveler.
Ginagawa naming mas welcoming ang aming platform para sa lahat sa pagsiguradong gumagamit kami ng inclusive na wika. Kadalasan, hindi mo na kailangang pumili ng gendered title sa pag-book ng accommodation. Kapag gumawa naman ng profile, marami nang mapagpipiliang gender option.
Sa Travel Proud, puwede mong ma-experience ang mundo na bilang ikaw, sino ka man o sinuman ang gusto mo.
Gustong tingnan kung nakatapos ng Travel Proud training ang property? Makikilala mo sila gamit ang Travel Proud badge sa kanilang listing ng accommodation.